Inlab ako sa Isang Playboy

3.3K 24 19
  • Dedicated kay Kaila Abeleda
                                    


Noong una lang makita, ako ay napa-wow,
Sa iyong kagawapuha'y hindi nakagalaw,
Ang iyong ngiti ay sadyang nakakasilaw,
At ang mga tinigin mo ay sa akin ay nakakatunaw.

Pinakilala ka sa akin ng kaibigan ko,
Lumapit ka sa akin at sinabi mo'y Hello,
Syempre, ano pa nga ba ang isasagot ko?
Eh 'di, isang Hi na mula sa aking puso.

Sa sumunod na araw ay nagkayayaan,
Lumabas at kumain sa isang restawran,
Doon mo tinanong kung pwede akong ligawan,
Nagulat ako sapagkat ang bilis mo naman.

Hindi ko pa nga kilala ang mga kaibigan mo,
Pati paaralan ay gusto kong malaman ito,
At ang ugali mo'y para mong tinatago,
Bakit ko ba pinoproblema, eh hindi pa naman magiging tayo.

Sagot ko'y oo sa katanungan mo,
Gusto kita, iyan ang nararamdaman ko,
Alam kong tapat ka at seryosong tao,
Sana'y hindi nagkamali sa pag-oo ko.

Walang araw na hindi tayo nagkikita,
Laging may tsokolate at bulaklak na dala,
Ang lambing mo sa akin ay hindi nakakasawa,
Kaya ang aking oo ay makukuha mo na.

Nag-iba kang bigla nang maging tayo,
Mali ata ang pagkakakilala ko sa'yo,
Naging malamig ang mga kilos mo,
Ang pag-iibigan natin parang nakalimutan mo.

Minahal kita ng higit pa sa alam mo,
Nagulat na lamang ako nang may kumalat na tsika dito,
Na ikaw ay may mga babaeng gusto,
Sabay-sabay niligawan at kabilang ako dito.

Tinanong kita kung ito ba'y totoo,
Ngunit tanong lang din naman ang sinagot mo,
"Ako ba'y naging magaling na aktor sa harap mo?",
Sagot ko'y oo, naniwala ako sa mga pinaramdam mo.

Niyakap kita mula sa likod mo,
Huwag mo akong iwanan, aking pagsusumamo,
Ngunit kabaligtaran ang ginawa mo,
Akin na lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

Pwede bang pumili ka at ako na lang?
Mahal kita at hindi ko kayang mag-isa,
Martir man ang tawag sa aking ginagawa,
Alam kong ito ay may patutunguhan pa.

Hanggang ngayon ako'y umaasa na mamahalin mo rin ako,
Matagal na iyon ngunit ako pa ri'y nag-aantay sa'yo,
Hindi ko pinagsisisihan ang ginagawa ko,
Alam kong isang araw magkakatotoo ito.

Tanga na kung tanga ang tawag dito,
Wala akong pake basta ito lang ang tanging alam ko,
Kahit ako'y isa lamang sa mga babae mo,
Tinanggap ko ito ng buo sa aking puso.

Inlab ako sa isang tao,
Inlab ako sa isang bolero,
Inlab ako sa 'di seryoso,
Inlab ako sa pagiging playboy ang trabaho.

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon