Presentation. :)

3.5K 9 13
                                    

Ayown oh. Haha. XD May sabayang pagbigkas kami bukas. Maikli lang yung piece, gawa ng kagroup ko, 'di kasi ako nagparticipate nung mga oras na 'to. HAHA. Mabait kasi ako. XDD

Eto, gawa namin:

Kalayaan,

Ating Ipaglaban

Musmos pa lamang mulat na sa kalayaan

Pag-ibig at pagpapahalaga pinakita sa bayan

Paggalang sa watawat kanyang sinimulan,

Pagkanta ng buong puso sa awiting makabayan.

Subalit ngayon, tila kinakalimutan

Mga sakripisyo ng ating kanunununuan,

Ibinuwis na buhay kinalimutang labis

Kaya’t ngayon baya’y naghihinagpis.

Ating paigtingin pagmamahal kay ina,

Maraming bagay ang mula sa kanya.

Mumunting handog kanyang bigay

Bakit di palitan ng makabuluhang alay.

Halina mga kababayan

Ating mahalin ang lupang sinilangan

Buhayin natin ang diwang kasaysayan

Dahil ang nakaraan ay susi sa kaunlaran.

MUHAHA. Eto gawa ng kabilang group:

Kalayaan!

Kalayaan! (3x)

iyan ang sinisigaw ng bayan

ang naging sandata ng ating kahapon

ang landas ng kinabukasan ng susunod na henerasyon

Kalayaan! (3x)

ang ugat ng ating kasaysayan

kund hindi siguro dahil dito

wala na tayong mga Pilipino

Kalayaan! (3x)

hinaing ng bawat mamamayan

ang hudyat ng nasyonalismo

ng bawat isang Pilipino

Kalayaan! (3x)

ang tulay at ang ating ugnayan

sa bawat nilalang sa mundong ito

dahil iisa lang naman tayo.  

Ours is better! >:))

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon