Bakit Ba ang Hirap Mo?

1.6K 12 0
                                    


Aisht, naiinis na ako,
Kanina pa ako walang naiisip dito,
Ang utak ko ay litung-lito,
Ano ba ang tama at mali dito?

Ang hirap ng exam, wala akong masyadong masagutan,
Ang aking dibdib ay sobrang kinakabahan,
Kanina pa ako pinagpapawisan,
Kahit ang lamig naman ng kapaligiran.

Tamang letra ay 'di ko mapili,
Sa aking upuan ay hindi mapakali,
Mga naunang sagot siguro'y mali,
Hayaan na lang, sa susunod na bilang na lang babawi.

Apat na buwan ang aking aantayin,
Upang resulta ay mapasaakin.
Kung anuman ang bunga'y aking tatanggapin,
Sapagkat alam kong kasalanan ko rin.

May tiwala ako sa sarili ko,
At alam kong papasa ako,
Binigay ko naman ang lahat ng makakaya ko,
Alam kung sapat na 'yun para pumasa ako.

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon