Ayoko na Sa'yo

2.1K 19 2
                                    


Ayoko na sa'yo, yan ang masasabi ko,
Wala na akong crush at gusto sa'yo,
Kung sa tingin mo ay mauuto mo pa ako,
Pwes, nagkakamali ka sa iniisip mo.

Ang sama ng iyong pag-uugali,
Pati na rin ng iyong nililigawang babae,
Hindi ko ba nandidiri sa iyong sarili,
Sa mga tao, lantad na ang iyong tunay na lahi.

Mapanggamit ka, ang bait-bait mo,
Manloloko ka ng walang kamalay-malay na tao,
'Di ko alam, nililinlang mo na pala ako,
Korona ng kasinungalingan ay ngayo'y mapapasaiyo.

Ayoko ng tapusin itong tula na ito,
Nababadtrip lang ako ng todo sa 'yo,
kung gusto mo ng ibang maloloko,
Eto, sampung piso, pambili ng laruan mo.

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon