Will you be?

1.2K 10 2
                                    

Tinatanaw ka mula sa malayo,

Nangangarap na isang araw tayo'y magkakatagpo,

Umaasa na isang araw, ako'y mapansin mo,

Subalit kung sumapit ba iyon ay magiging tayo? 

Sariwa pa sa aking alaala ang unang beses na tayo'y nagkakilala,

At ako'y hindi agad nakapagsalita,

Nabihag sa iyong ganda na parang isang diwata,

Ang iyong mga mapupungay na mata'y 'di mawala sa gunita.

Nalalapit na nga ang araw ng Prom sa paaralan,

Bakit tila ako'y kinakabahan,

Labis ang pagtibok ng dibdib, 'di malaman ang dahilan,

Ako na ba'y lalapit sayo't sasabihin ang nararamdaman?

Ilang araw na nga ag dumaan at lumipas,

At ang a-ibig ko sa'yo ay hindi pa rin kumupas,

Pero this time I know it's too late,

But can I still ask, will you be my prom date?  

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon