Stupid You.

1.2K 11 2
                                    

Written by my seatmate, Ella.
-

Kamukha mo nga si Santino,
Ugali mo naman ay parang demonyo,
Nakakita nga ng iba,
Mukha namang gorilla.

Nasasaktan tuloy ako,
Dahil sa paglisan mo,
Hindi ko naisip,
Ako'y iyong pinagpalit.

Minahal kita ng sobra,
Ngunit luha lang ang ibinunga,
Ngayo'y puso ko ay bigo,
Dahil sa stupidong katulad mo.

Matagal man ang proseso,
Sa wakas nakaget over na ako,
Hindi na muling iiyak,
Dahil ako ay puno na ng galak.

Ngunit isang araw, ika'y lumapit,
Gusto mong ako'y bumalik,
Ang sabi ko ay no, no, no,
Belat! Buti nga sa'yo.

Pag-ibig (Koleksyon ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon