Ikaw lang naman ang magiging Chief Executive Officer ng GKC. Paulit-ulit pang umalingawngaw sa utak ko ang rebelasyong iyon bago ako nakahuma. Hindi maipagkakailang iyon ang biggest shock of my life, so far.
"Paanong nangyaring ako ang magiging CEO ng GKC? I mean, of all people!" nahihiwagaang tanong ko kay Matthew.
"Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat Rem? Obviously mukhang ang kuya mo ang nagmamay-ari ng GKC kung kayat ganun na lang ang kapangyarihan nyang iluklok ka at si Earl sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya."pagbibigay linaw ni Matthew.
"Pero bakit si Jaryll? Si Earl pala" usisa ko pa rin.
"Ang alam ko magkaaway sila ng kuya." Dagdag ko pa.
"Yan ang hindi ko kayang sagutin Rem. Itanong mo na lang sa kuya mo pag nagkita kayo." Iiling-iling na sagot ni Matthew.
Masyadong na overwhelm ang utak ko sa mga nalaman ko. Nag overheat yata. Nakalimutan ko tuloy ang kuya ko. Ang huling sagot ni Matthew ang nagpaalala sakin ng mas malaking katotohanan, buhay ang kuya ko at anumang oras ay maari kaming magkita. Iyon ang nagpaexcite sakin.
"Natupad ko na ang pangako ko sayo. Pasensya ka na at hanggang doon na lamang ang nalalaman ko. Kung may iba ka pang katanungan maaring hindi ko na iyon masasagot pa. Ipagpaliban mo na lang." nakangiting sabi ni Matthew.
Para namang may kung anong biglang bumara sa lalamunan ko at bigla itong nanuyo. Napakaganda ng ngiti nyang iyon. Kumbaga, close-up killer smile. Pantay-pantay ang puting-puti nyang ngipin na bahagyang sumusungaw sa mamulamula nyang labi. May biloy siya sa magkabilang pisngi na lalong lumalalim habang lumalapad ang kanyang ngiti. Hindi ko namalayang pinagmamasdan ko na pala siya. Para akong nahipnotismo. Bahagyang alog ng eroplano ang nagpabalik sa aking ulirat. Pakiwari ko'y naalog din nito ang utak ko. Nahuli kong pinagmamasdan din ako ni Matthew. Kumukurap kurap pa sya habang nakangiting nakatunghay sakin. Nagrigodon na naman ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali.
"Ah, Matthew, salamat ha. Salamat sa pagsasabi mo sa akin ng lahat ng nalalaman mo. Malaking bagay iyon para sakin. At least medyo nalinawan na ako sa mga nangyayari at hindi basta natatangay na lang." pagiiba ko sa ambience ng paguusap namin.
"Walang anuman. You deserve to know it. Dapat noon ko pa sinabi." sagot nya na hindi pa rin inaalis ang titig sakin.
"Tol, ok ka lang ba? Mukha ka kasing namaligno." pagpapatawa ko. Masyado na kasi akong natetensyon sa nangyayari sa amin.
"Ok lang ako. Pasensya na." paghingi nya ng paumanhin.
"Sige magpahinga ka na ulit at mahaba haba pa ang byahe natin." maya maya pay sabi nya sabay tayo.
"Doon muna ako sa cockpit. Rest well Rem." saka siya tumalikod at umalis. Naiwan akong nagtataka.
Parang bigla siyang nalungkot, parang nagiba yung aura nya. Hindi kaya naoffend siya dun sa huling sinabi ko? Kung bakit naman kasi napakataklesa nitong bunganga ko. Wala man lang preno. Sinulyapan ko pang muli ang hagdanang binabaan nya bago tuluyang tumayo at pumasok sa kwarto. Heto na naman ako. Bumibigat na naman ang mga mata ko. Agad akong nahiga sa kama. Saglit ko pang pinagmunimunihan ang mga rebelasyon kanina bago tuluyang nahimbing.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari?" singhal ni Gen. Umali sa telepono. Halos durugin nito ang unit sa higpit ng pagkakakapit dito.
"Punyeta! Mga estupido!" pagpapalatak pa ng dating heneral.
"Kapag ako sumabit dito, pugot lahat ang ulo nyong mga ulupong kayo!" pagbabanta nya sa kausap.
"Bueno, patungo silang Crete ngayon. Hindi nyo na sila aabutan at lalong hindi nyo mapapasok ang isla. Hintayin na lang natin ang Anniversary Expo. Kapag kayo pumalpak pa. Wala na kayong aasahang bagong umaga." pagtatapos ng heneral bago isinara ang cellphone.
Tiim bagang nyang tinungo ang balkonahe at saka doon ay nag dial ulit. "Valios, Sir! Im sorry if i burned your patience string too much but the boy got away from my team." Pagbabalita nya sa kausap. "But dont worry, he is still within my reach." pag aassure pa nya.
"Ill update you as soon as the boy is in my hands." dagdag pa nya.
Simpleng "you better be sure" lang ang isinagot nito sa kanya saka binaba ang telepono.
BINABASA MO ANG
Mga Paru-Parong Ligaw
RomanceThis is a Boy X Boy Romance with several rated PG parts. If you detest homosexuality and erotica, this story may not be for you.