Part 7

7 0 0
                                    

  Tatlong araw na ang nakalipas simula ng dumating ako sa Manila. Wala naman palang pinagkaiba ang klima dito at sa Greece. Halos pareho lang. Sa kabagutan ay napagpasyahan kong magtungo sa pinakamalapit na mall, sa SM Megamall. Paikot-ikot, window shopping at mangilan ngilang purchases din bago ako nagutom. Humanap ako ng pinakamalapit na kainan at natagpuan ang Jollibee. Pumasok ako sa loob para tingnan ang menu. Maraming tao. Mukhang sikat na kainan ang Jollibee. Pumila ako at sumilip sa wallet. Son of a... wala na pala akong cash. Tsk! Tsk! Pumihit ako paalis ng pila at lumakad palabas ng kainan ng biglang... Crash Sumalpok ako sa isang malambot ngunit malaking stuff toy. Dahil sa lakas ng impact ay natumba ang stuff toy kasama ko na nakadagan sa ibabaw nito.

"Mommy! Mommy! ni re-rape nung mama si Jabee" naulinigan kong sabi ng isang mahaderang bata.

Dali dali akong tumayo at nagpagpag ng palad. Pinulot ko rin ang mga tumilapon kong pinamili.
Nagulat ako ng kumilos ang stuff toy. Hawak hawak ang balakang ay naupo ang inakala kong stuff toy na mascot pala.

"Im sorry! Im so sorry! I didn't see you coming." agad akong humingi ng paumanhin.

Ng mga oras na yun ay pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Hindi sumagot ang mascot. Sa halip ay nag mwestra lang ito ng thumbs up na nagpapahiwatig na okay lang siya. Matapos ay tumayo ito at inayos ang nagulong tsaleko. Tinapik ako sa balikat at saka tumalikod. Ako naman ay lumabas na ng kainan para humanap ng mawiwithdraw-han.

Hindi na ako muling bumalik sa Jollibee dahil sa hiya. Sa ibang store na lang ako kumain. Matapos kumain ay muli akong nagikot-ikot. Napadaan ako sa Eureka at na-engganyo akong pumasok sa loob.

Pumila ako sa booth para bumili ng token. May dalawang lalaki sa harapan ko. Naghaharutan.

"Anu ba Percy, wag mo sabi akong aakbayan at nananayo ang balahibo ako." singhal ng isa.

Maputi siya at matangkad. Yun nga lang payat. Makinis ang mamula-mula niyang pisngi at mapungay ang mata. Pulang-pula naman ang manipis niyang labi.

"Kahit kailan talaga Earl ang lamya mo" sagot naman ng isa.

Mas mababa siya kesa dun sa tinutukoy niyang "Earl". Marahil ay siya ang si "Percy". Bilog na bilog at deep set ang kanyang mga mata. Maliit pero matangos ang ilong. Makinis din ang kanyang mukha. Defined na defined ang kanyang jawline na binagayan ng magandang hugis ng labi. Kabaligtaran ni Earl, matipuno ang katawan ni Percy. Halatang batak sa trabaho. Naaliw ako sa kanilang dalawa. Parang mga batang nagkukulitan.

Sinundan ko ng tingin ang dalawa. Matapos bumili ng token ay agad nagtungo ang mga ito sa Stuffed Toy machine kung saan naka-arrange ang mga Pokemon collectibles.

"Alin ba ang trip mo dyan ha Earl?" tanong ni Percy sabay hulog ng coin sa slot.

"Yung Pikachu na yun sa sulok, Perce" turo naman ni Earl.

"Pikachu na naman?" reklamo ni Perce.
"Sige na please." ungot naman ni Earl.

Hmm.. May naamoy akong kakaiba sa dalawa. Bulong ng utak ko.

"Sir! Sir! Sir!" tatlong Sir ang tumawag ng pansin ko. Bibili nga pala ako ng token.

Matapos bumili ay hinahanap ko ang dalawa. Wala na si Percy sa Stuff Toy machine pero naiwan doon si Earl. Naghuhulog ng token sa slot at sumusubok na makuha ang Pikachu sa sulok. Pinagmasdan ko siya. Nakakatatlong subok na siya at anim na tokens pero ang linsyak na Pikachu ay di man lang nagalaw sa pwesto. Lumapit ako.

"You look so desperate for that thing"
bungad ko.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at plinastahan ng mukhang nagtatanong.

"Im Val, been looking at you for a while now." sabay abot ng kamay ko.

Nakipagkamay din siya at nagpakilala.

Naghulog ako ng coin at tinarget si Pikachu. Unang attempt ay nahulog ito sa bandang gitna. Sinulyapan ko kasi si Earl. Nakatitig lang siya sa loob ng machine. Pangalawang attempt ay hindi ko nasungkit si Pikachu. Pangatlong attempt ay sakto. Hinugot ko ang stuff toy mula sa "drop box". Paglingon ko ay wala na si Earl. Hinanap siya ng mga mata ko at natagpuan ko siya sa likod ni Percy na busy sa pagshu-shoot ng bola sa basketball stand.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang stuffed toy.

"Here, its yours" sabay ngiti.

Nagliwanag ang mukha nya at nadistract si Percy. Inabot niya sa Pikachu at nagpasalamat.

"Hi! Im Val" pakilala ko kay Percy.

"Percy Pare" pakilala niya. Mukhang maangas ang dating.

"Salamat Val ha!" singit ni Earl.
"Yung isa kasi dyan babano bano" dagdag pa niya na tinawanan lang ni Percy.

Naiintindihan ko naman sila. Hindi nga lang ako masyadong hasa sa Filipino.

"Ang sakit ng bewang ko sayo Pre" si Percy habang nagiinsert ng token para sa panibagong laro.

"Why?" tanong ko at naginsert din ng token para sabayan siya. Si Earl naman ay nakasandal lang sa gilid ng machine at nakikinig.

"Ako yung mascot na dinamba mo kanina" paliwanag nya.

Napatigil ako. Tumawa siya.

"Im sorry man, I really am." hingi ko ng paumanhin.

"Bakit di ka na bumalik? Nahiya ka ano?" panga-alaska nya.

"Yeah!" pag-amin ko.

"Uy nag blublush!" komento naman ni Earl na siyang lalong nagpamula ng mukha ko.

"Ok ka lang pre? Nakakahinga ka pa ba?" si Percy.

"Yeah. Im Cool" bawi ko.

"Daya mo din eh, ako dinamba mo pero tong si Earl ang may regalo."
himutok ni Percy.

"I did'nt know it was you I bumped with." katwiran ko.

"Huh? You mean..." di na natuloy ni Earl ang sasabihin. Napatigil din sa pagshoot si Percy.

Turn naman ni Earl na mamula. And geez mas cute siya pag nag blublush.

I si Percy na kakatapos lang sa paglalaro.

"Another round?" sagot ko.

"Pataasan ng score?" tanong nya

"Deal" ako.

Nakalimang round pa kami pagkatapos noon. Magaling si Percy, 4 out of 6 ang panalo nya. Tsamba pa ang 2 panalo ko. Tuloy pa sana ang laro kung hindi lang nagyayang umuwi si Earl.

"I'll drop you off" alok ko.

"Thanks pare, pero baka out of way." sagot naman ni Percy.

"No, I insist!"
pilit ko.

Napapayag ko din sila. Naunang bumaba si Percy. Sa kanto lang ng street nila siya nagpahatid. Habang daan ay nagkaroon pa kami ng chance mag kwentuhan ni Earl. Mabida siya. Pero karamihan sa binibida ay si Percy. Kesyo magaling talaga mag basketball si Percy, matalino si Percy, mabait si Percy, sweet, maalalahanin at kung ano ano pa. Habang tuloy ang bida nya kay Percy ay para namang pinong pinong kinukurot ang aking puso. Ewan ko ba, tinamaan yata ako sa kanya.

Naikwento rin ni Earl na pareho silang working student. Nagaaral sila sa umaga at nagtratrabaho sa hapon. ECE students sa isang technical school sa Mandaluyong pag umaga at Jollibee crew sa Megamall pag dating ng hapon. Ibinida pa nya sakin na may winowork sila para sa Final Project ni Percy. Fourth year na kasi ito.


Bago bumaba si Earl ay nakuha ko na ang cellphone number nya. Text text na lang lang daw kami. Pagkahatid kay Earl ay diretso ako sa condong inuupahan ko sa Pioneer. Hay, mag-isa na naman ako, maitulog na nga lang to.

Nagising ako ng kumakalam ang sikmura. Alas-Diyes na pala ng gabi. Naisipan kong mag Jollibee. Nagonline ako at hinanap ang contact number ng nila. Mabuti na lang at 24/7 pala ang delivery nila. Umorder na lang ako ng 2pc Burger Steak at large na Coke.
Habang naghihintay ng delivery ay tinext ko si Earl.

Hi, hope you still remember me. This is Valios, still up?

Dumating na ang delivery ay hindi pa rin siya nagrereply. Disappointed ako. Nakakawala ng gana. Kinse minutos na ang lumipas ay kalahati pa lang ang nauubos ko. Maya maya pa ay...

*Beep*

Earl: Hi! Sorry for the late reply cause I'm on the shower. Of course I do remember you. Thanks for the Pikachu you gave me.

Kung kanina ay halos ipagpilitan ko ang pagsubo, ngayon ay ganadong ganado na ulit. May appetizer atang bitbit ang message ni Earl.

Nagpalitan kami ng text hanggang sa makatulog siya. Nakangiti akong nakatulog ng gabing iyon.  

Mga Paru-Parong LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon