Part 16

20 0 0
                                    

Sinaway na ni Rem si Diddy. After all, babae pa rin ang kaaway nito at isa pa, isa ito sa mga SVP's niya. Hindi niya ma-aafford na mawalan ng SVP. Not within months of running the company. Ng dumating si Earl ay nanahimik na rin si Candice.



"Mabuti na lang at naisipan nating mag summer outing. Good Job Rem. I can see that the employee's are enjoying themselves. Magandang motivator ito pag balik nila sa trabaho" papuri ni Earl sa kanya.



"It is actually an idea of an employee. When we had our first lunch at the cafeteria. They did all the planning. Actually, I am already thinking of putting up an Employee Engagement committee to plan all of this" sagot naman ni Rem.



"That would be nice, my team can help with them when it comes to the security" alok naman ni Zerk.



Ngumiti lang dito si Rem at ipinagpatuloy ang pagsubo.



Matapos ang tanghalian ay nagpahinga muna ang lahat. Sadyang nakakapagod ang mga activites nila.



Alas singko na ng magising si Rem. Wala na si Matt sa kama nito. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Matapos maligo ay nagbihis na siya at nagtungo sa bulwagan para sa program ng gabing iyon.



Isa isang nagperform ang bawat department. May mga sumayaw, may kumanta at may iba pang nagpakita ng iba't iba nilang mga talento. Napuno ng tawanan at hiyawan ang buong bulwagan.
Pinangaralan din nila ang ilan sa mga empleyadong nagpakita ng magandang halimbawa sa kanilang mga trabaho. Hindi halos matapos ang palakpakan.



Ng matapos ang programa ay isa isa ng nagalisan ang mga empleyado. May kanya-kanyang plano ang mga ito ng gabing iyon. Ay ilan ay magiinuman samantalang ang iba ay night swimming ang gusto. May mga gusto ding mag videoke at ang iba ay para magpahinga.



Tinungo ni Rem ang dalampasigan. Napakaganda ng gabi sapagkat bilog na bilog ang buwan. Parang musika din sa pandinig ang paghampas ng alon sa buhanginan. Naengganyo tuloy siyang maupo saglit.



Habang nakatanaw sa malawak na dagat ay nilaro laro ng kanyang paa ang buhanginan.


"Nandito ka pala" tinig iyon ni Matt.



Naramdaman na lang niyang umupo ito sa tabi niya. May bitbit itong mga San Mig Light na nasa lata. Iniabot nito sa kanya ang isa. Tinanggap naman ito ni Rem, binuksan at saka tumungga.



"Anong iniisip mo?" usisa nito kapagdaka.



"Marami" pagtatapat niya.



"Tulad ng?" pangungulit nito.



"Tulad ng kalagayan ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang sa sandaling panahon ay magbabago ng ganito ang buhay ko" simula niya.



"Buong akala ko, hindi ko na matatagpuan ang Kuya ko. Na sa Call Center ang trabahong babagsakan ko" dagdag pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Paru-Parong LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon