Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng huling makatanggap ng regalo mula sa kanyang secret admirer si Matt. Mukha pa naman itong pursigido pero susuko din pala. Napansin din ito ni Diddy.
"Mukhang napagod na sa panunuyo sayo ang secret admirer mo ah" bungad ni Diddy pagkaupong pagkaupo nito sa desk. Nagsisimula pa lang ang araw nila.
"Oo nga eh. Naubusan na yata ng bulaklak sa farm nila" ngingiti-ngiti namang tugon in Matt.
"Sayang. Magaganda pa naman ang mga bulaklak na pinapadala niya. Saka yung mga chocolates, halatang imported. Namimiss ko tuloy makikain" nakapangalumbabang reklamo ni Diddy.
"Eh di ikaw ang magpaligaw. Ikaw din naman ang nakakaubos ng chocolate eh" birong tugon naman ni Matt.
"Heh! Magitigil ka nga dyan. Mayroon akong sariling papa ano." Pagsasaway nito.
"Eh di sabihan mo ang papa mo na bigyan ka din ng bulaklak at chocolates" si Matt.
"Di afford nun! Minsan nga, load lang sakin pa hinihingi eh" rekalmo naman ni Diddy
Hindi mapigilang matawa ni Matt sa naging sagot ni Diddy.
"Nga pala, tumawag kanina si Mr. Yosuke. Humihingi ng appointment kay Boss Sungit! I return call mo daw siya pag dating mo." Paalala ni Matt bago bumalik sa trabaho.
"Nandyan na ba si Bossing?" usisa ni Diddy.
"Oo kanina pa. Mas nauna pa sakin." Sagot ni Matt.
Iniangat ni Diddy ang awditibo ng telepono para tawagan si Mr. Yosuke ngunit may gumagamit pala ng linya. Hindi niya napigilan ang sariling makinig sa interesanteng usapan.
"Are you sure you are sending the flowers everyday?" tanong na lalaki sa kabilang linya. Nahuhulaan na ni Diddy kung sino ito.
"Yes Sir. We have the receive forms here. It is signed by your Security Office." Pagpapaliwanag naman ng kausap nito.
"Eh bakit walang natatanggap si Matt" pagsasaboses ng lalaki sa tanong na bumabagabag sa isip nya.
"Ano ho iyon?" tanong naman ng kausap nito.
"Nothing, don't mind it. I just said my thoughts aloud. Send them again tomorrow and I'll let the Security Team know about it" pagpapaalam nito.
Matapos ang pag-uusap ay may nabuong hinala sa isip ni Diddy. Nakalimutan na tuloy niyang tawagan si Mr. Yosuke. Sa halip ay dali-dali niyang tinungo ang opisina ng Security sa ibaba ng building.
"Good Morning!" masiglang bati ni Diddy sa mga nagaalmusal na Security Officers.
BINABASA MO ANG
Mga Paru-Parong Ligaw
RomanceThis is a Boy X Boy Romance with several rated PG parts. If you detest homosexuality and erotica, this story may not be for you.