Matapos ang paglalahad ni Valios ay mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Parehong kapwa malalim ang iniisip.
Nilamon ng lamig ng gabi ang init ng kape.
"Its getting late, baka hinahanap ka na ng 'yayo' mo." Maya-maya pa ay sabi ni Val.
"Oo nga pala. Napasarap kasi ang kwentuhan eh." Sang-ayon ni Rem.
Nagpaalaman ang dalawa. Iniwan ang kapeng halos walang bawas. Kumaway sa isa't isa bago tuluyang naghiwalay ng landas.
Tinunton ni Rem ang daan pabalik ng hotel. Samu't saring larawan ang nagsalimbayan sa kanyang balintataw. Mga larawan ng nakaraan at mga larawang iginuhit ng malawak na imahinasyon.
Deretso agad sa kama si Rem pagdating sa kwarto. Inihimlay ng nanlalabo niyang isipan ang pagal na katawan sa malambot nitong kaniig.
Mataas na ang araw ng magising si Rem. Si Matt ang una niyang hinanap. Wala na ito sa kwarto nito. Marahil ay nauna ng kumain.
Nanlilimahid na siya. Suot pa rin nya ang damit na ipinanlabas niya ng nakaraang gabi.
Matapos kalusin ang kanyang mga saplot ay tumapat siya sa ilalim ng dutsa. Parang breath of fresh air ang lagaslas ng tubig.
Sa labas naman ay kadarating lamang ni Matt. Agad niyang pinuntahan sa kwarto nito si Rem upang i-check kung gising na ito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Hinalungkat nya ang mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili nila ng nakaraang araw.
Tumutulo pa ang mga butil ng tubig sa katawan ay lumabas na si Rem ng banyo. Nakalimutan kasi niyang magdala ng tuwalya sa loob.
Isang nakapamewang na Matt ang nagpatigil sa kanya.
Nagkatitigan sila. Lumalaban ang titig ni Matt. Unti-unting bumaba ang mga mata. Sinundan ni Rem ang tingin ni Matt. Dumako ang tingin ni Matt sa itinatago ni Rem.
Shit! Tili ng utak ni Rem. Agad niya itong tinakpan ng kanyang palad. Ang isang palad naman ay sa dibdib itinakip.
Pinagpawisan naman ang binatang kaharap niya.
"Anong ginagawa mo rito?" bulyaw ni Rem.
"Chinecheck ko lang kung gising kana." ngising asong tugon ni Matt.
"Hindi ka man lang kumatok! Ginulat mo ako" sermon ni Rem habang paatras sa banyo
Humakbang si Matt, palapit kay Rem.
"Sa..San ka pupunta?" nagpapanic na tanong ni Rem.
Hindi sumagot si Matt, bagkus ay humakbang pang muli palapit kay Rem habang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Mga Paru-Parong Ligaw
RomanceThis is a Boy X Boy Romance with several rated PG parts. If you detest homosexuality and erotica, this story may not be for you.