Part 6

14 0 0
                                    

 Tanghali na ng magising si Rem, simula ng dumating sila sa Crete ay napapadalas at napapahaba ang tulog nya. Malamig kasi ang klima sa isla kung kaya't mas masarap matulog. Kagabi ay nagkausap na sila ng Tyang niya at ayon dito ay nasa mabuting lagay na ito. Kasama umano nito si Diddy at kaslukuyang nagpapagaling sa AIMS Facility sa Singapore. Matapos ang paguusap nila ni Tyang Mely ay mas gumaan ang pakiramdam ni Rem. Ligtas na ang kanyang tiyahin kung kaya't ang posibleng pagkikita na lang niya at ng kuya niya ang dapat nyang paghandaan.
Pagkatapos mag hilamos at mag sepilyo ay tinungo nya ang kusina para maghanap ng makakain. Nagugutom na sya. Nadaanan nya sa sala si Matt, nanunuod ito ng balita.

"Gud morning" bati nya dito.
"Hapon na." nakangising sagot nito.
"Oo nga pala, napasarap na naman ang tulog ko" sagot nya habang naglalakad papuntang kusina.
Naramdaman nyang nakatitig sa kanya si Matt kaya sinulyapan nya ito. Agad naman nitong binawi ang tingin. Naghalungkat siya ng pagkain sa kusina habang patuloy naman sa panonood ng balita si Matt.

"Welcome to CNN Business News, this is Jenny Hardings your anchor." bungad ng host ng daily news program.

"For our Top Business News, Fortune Magazine recently released its final list of the World's Biggest Companies. Lets see which companies made it to this year's Fortune 100."

[--Music Queue--]

"3 of the GKC Corporation Companies made it to this years Fortune 100 along with several other global players. On Top 67 is GKC Business Services, Top 22 is GKC Telecommunications Corporation, and Top 5 is GKC Power Corporation. Rumor has it that the GKC Corporation will be announcing a Consolidation Effort to unify the company under one banner-- GKC. If this rumor turns out to be true, GKC will become the largest private owned corporation and the first of its kind to make it to Fortune's prestigious list. Meanwhile... blah .....blah .... blah..."

Habang tuloy sa pagbabalita ang CNN ay nagkahulihan naman ng tingin sina Matt at Rem, waring binabasa ng isa't isa ang reaksyon sa karirinig lang na balita. Si Rem ay anyong manghang mangha samantalang si Matt naman ay proud na proud.

"Narinig mo ba yun?" si Matt.
"Totoo ba lahat yun?" si Rem.

"Ang alin?" biglang singit ng kadarating lang na si Vergel.

"Damn it Zerk your late!" bulalas ni Matt.
"Why? Did I miss something of utmost importance?" Kaswal na sagot ni Vergel.

"Uhm, namiss mo lang naman ang kalahati ng buhay mo." painis na sagot ni Matt sabay patay sa TV.

"Bakit ba kasi?" si Vergel.

"Kakaannounce lang sa CNN, 3 kumpanya ng GKC ang pumasok sa Fortune 100." buong sabik na pagbabalita ni Matt. Namimilog pa ang mata nito habang nagsasalita.

"Seryoso ka?" napalakas na sagot naman dito ng kapartner. Nagpalipat lipat ang tingin nito kina Matt at Rem. Puros tango lamang ang naisagot ng dalawa.

"Yes! Yes! Grabe naman." tuwang tuwang sigaw ni Vergel.

"Narinig mo yun Rem? Ganyan kalaki ang kumpanyang pamumunuan mo!" baling ni Vergel kay Rem.

Nuon lamang nag sink in kay Rem ang balitang kanya mismong nasaksihan. Hindi kaagad siya nakapagreact sa sinabi ni Vergel.

"Saan ka ba kasi nanggaling?" singit ni Matt.

"Ahh, galing akong security office. Nag Fax ng documents si General." sagot ni Vergel.

"Anu daw iyon?" usisa ni Matthew.

"Tuloy daw ang Anniversary Expo next Saturday. And we have to be in Manila by then. Of course kasama si Rem." mahabang saad ni Vergel.

"Eh kumusta ang balita sa mga nagtangkang pumatay sa kanila? Nahuli na ba?" buong pagaalalang tanong ni Matt.

"May lead na daw sila" sagot ni Vergel sabay higop sa kapeng hinanda nya.

"Mabuti naman" hayag ni Matt saka tumalikod upang pumanhik sa kwarto.

Naiwan si Rem at Vergel sa kusina. Si Rem na nilalantakan ang pizzang galing sa fridge at si Vergel na humihigop ng kape.

"Nga pala Rem, bukas ay tutungo tayo ng Paris, may kinontak na kaming agents duon. Magkakaroon ka ng 5 day speech training tapos mamimili na rin tayo ng wardrobe mo. Siyempre hindi na pwede ang basta basta na lang ang suot mo." pagbabalita ni Vergel kay Rem. Tatango tango lang ang binata.

Matapos kumain ay agad na ring pumanhik si Rem sa kanyang silid upang magpahinga. Balak sana niyang maghanda ng gamit ngunit wala naman pala siyang dala kaya napagpasyahan niyang dumungaw na lang sa veranda at tanawin ang malawak na dagat.

Napansin niya sa kabilang Veranda si Matthew. Nakadungaw din ito. Nagkatinginan sila saka nagkahiyaan.

Unang nagsalita si Rem para basagin ang katahimikan.

"Pupunta raw ako ng Paris bukas sabi ni Vergel. Sasama ka ba?" bungad ni Rem.

"Ha? Hindi ko alam. Wala pang sinasabi sakin si Zerk. Kelan nya nabanggit sayo?" si Matthew.

"Kanina lang pag-akyat mo. Sana makasama ka. Kampante kasi ako pag andyan ka eh." Si Rem.

Parang may kung anung maligamgam na feeling ang bumalot kay Matthew. Para siyang hinahaplos ng mainit na kamay. Naginit ang kanyang mga pisngi at napansin na lang niyang nagblublush na sya. Mabuti na lamang at hindi sa kanya nakatuon ang pansin ni Rem. Malamang ay mabisto siya nito pag nakita sya sa ganong ayos. Pinilit nyang pakalmahin ang sarili at saka sumagot.

"Bakit mo naman nasabing kampante ka pag kasama mo ako." tanong nya kay Rem.

Tumingin muna ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito.

"Wala lang, ang macho mo kasi... Pag kasing macho mo ang kasama ko, kahit sino sigurado tumba." pagpapatawa nito.

Nakitawa narin si Matthew.

"Seriously, parang simula nung binigyan mo kami ng matitirhan ng Tyang ko, hanggang sa pagdamay mo samin ng may magtangka sa buhay namin parang Knight in Shining Armor na ang tingin ko sayo." seryoso na ngayon si Rem.

Maang lamang si Matthew. Naunawaan nya ang nararamdaman ni Rem. Maraming mga bagay ang nangyari sa loob ng mabilis na panahon at mukhang nagsisimula pa lang masanay sa mga ito ang lalaki.

"Mabuti naman kung ganun. Pangako, paninidigan kong maging Knight in Shining Armor mo." kusang namutawi sa labi ni matthew ang mga pangakong binitiwan. Hindi nya alam kung bukal sa loob nya ang mga iyon, pero wala siyang pagsisising nararamdaman.

"Salamat" malamlam ang matang sagot ni Rem.

"Sige matutulog na muna ulit ako" pagpapaalam ni Rem.

"Teka kagigising mo lang matutulog ka na naman?" si Matthew.

"Wala kasing magawa" pangangatwiran ni Rem.

"Magbihis ka, hintayin mo ko, lalabas tayo" sunod sunod na utos ni Matthew bago pumasok sa silid nito. Hindi na nakasagot pa si Rem.

Makalipas ang limang minuto ay kumakatok na ito sa pintuan ng ng silid ni Rem.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa ito.

"Oh, bakit hindi ka pa bihis?" usisa nito.

"Hello! Wala kaya akong baong damit!" pagpapa-alala ni Rem.

"Ay oo nga noh, hiramin mo na lang yung sakin kung kakasya." si Matthew.

Saglit itong nawala at pagbalik ay may bitbit ng polo shirt na cream at striped na shorts.

"Bababagay sayo yan." sabi ni Matthew sabay abot sa kanya ng mga damit.

Ipininid muna ni Rem ang pinto saka dali daling nagbihis. Awa ng Diyos ay nagkasya naman sa kanya ang damit na ipinahiram ni Matthew. Sumaglit mun siya sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto. Naghihintay na si Matthew sa kanya sa hagdan.

"Wow!" laglag ang pangang reaksyon ni Matthew ng makita si Rem.

"Bagay nga sayo." dagdag pa nito.

"Salamat ha, Tara na!" pagpapasalamat at pagyaya ni Rem sa kasama.

Excited na kasi siyang lumabas.

Nagtungo sila sa market area ng isla. Maraming mga tao. Karamihan ay mga Griyego. May mangilan ngilang mga turista din ang nagiikot at naghahanap ng mga souvenirs.

Nagtungo sila sa isang malapit na coffee shop na nasa gitna ng plaza. Pagkaupong pagkaupo ay agad na nilapitan ang dalawa ng isang waiter.

"Good afternoon Sir. Menu?" sabay latag ng Menu sa kanilang harapan.

"I'll have Caramel Kiss Island Coffee." si Matthew.

"Ill have Regular Iced Tea" si Rem.

Sa totoo lang alien language kay Rem ang mga kasosyalang mga pangalan ng inumin sa restaurant na iyon.

"Red or Green Sir?" tanong ng waiter kay Rem.

"Huh? Oh, Green please." sagot ni Rem.

"Minty, sweet or unsweetened sir?" tanong pa ulit ng waiter.

Nakukulitan na si Rem pero pinilit nya itago.

"Sweet please" saka ipinaskil ang kanyang killer smile na nagpapahiwatig na tigilan na siya ng waiter.

"Im sorry Sir but I have one last question to ask. Would it be refillable or just one?"

"Refillable please" si Matthew na ang sumagot para kay Rem. Nahalata na kasi nyang naasiwa na ito at mukhang mananapak ng di oras.

"And also please give us Minced Meat Pie for 2" dagdag pa ni Matthew.

Agad namang tumalima ang waiter.

"Ang dami namang tanong, simpleng iced tea lang naman hinihingi ko" busangot ang mukha ni Rem.

"Hahahahaha" Di mapigilang mapahalakhak si Matthew.

"Masyado pala maikli ang pasensya mo. Ganyan talaga pag fine dining maraming tanong. Dapat masanay ka na dahil madalas kang makakahalubilo ng ganyang mga tao." mahabang salaysay ni Matthew.

"Siyanga pala, kailangan mo ng Secretary at Executive Assistant kapag inassume mo na yung position mo sa GKC. Dapat magisip ka na ng gusto mong maging empleyado." Dagdag pa ni Matthew.

Nagliwanag ang mukha ni Rem.

"Si Diddy na lang ang gagawin kong Secretary." walang alinlanagang sagot ni Rem.

"Aba mukhang ready ka na ah" pangbubuska naman ni Matt.

"Oo nga eh. Kaya dapat ready ka din. Ikaw ang gagawin kong Executive Assistant ko." Nakangising tugon ni Rem sabay tingin sa kung saan saka sinabayan ng mahinang pagsipol.

Namula ang buong mukha ni Matthew sa narinig. Hindi niya inaasahang siya ang gustong maging EA ni Rem.

"Uy, tisoy!" pang aalaska ni Rem sa namumulang si Matthew.

"Matagal na." sagot naman ni Matthew at nagkatawanan ang dalawa.

"So payag ka na?" maya maya pa ay tanong ni Rem.

"Pagiisipan ko pa" sagot ni Matthew.

"O sige bibigyan kita ng 10 seconds" si Rem.

"10 seconds? Ang bilis naman!" reklamo ni Matthew.

"8, 7, 6, 5," nagsimula ng magbilang si Rem.

"Pwede bang tumutol?" tanong ni Matthew bago matapos magbilang si Rem.

Tumingin lang si Rem kay Matthew. Mata sa mata. Nabasa ni Matthew ang lungkot sa mga mata ni Rem. Para na naman siyang hinaplos ng kung anung mainit.

"Sige na payag na ako" sa huli ay nasambit nya.

Sa pakiwari nya ay biglang napalitan ng kislap ang kanina lang ay lamlam ng mata ng kaharap. Kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam nya. Ang problema nya ngayon ay kung papaano sasabihin kay Vergel.

"Pumayag ka nga pero parang ang lalim naman ng iniisip mo. Pinagiisipan mo pa rin ba kung gusto mo ngang maging Executive Assistant ko?" puna ni Rem.

"Ha? Ah eh.. Hindi naman sa ganon, iniisip ko lang kung panu ko sasabihin kay Zerk." honest na sagot ni Matthew.

"AHH" tatatango tangong sagot ni Rem.

Dumating na ang kanilang inorder kung kaya't para magkaaway muna sila habang nilalantakan ang Minced Meat Pie.

Matapos kumain at magikot-ikot ay nagpasya na silang umuwi. Halos mag aalas sa sais na kasi nun at malapit ng kumagat ang dilim. Mula sa taas ng burol ay kitang kita nila ang maliit na fishing town na pinanggalingan nila. Makikita mula sa malayo ang kumpol kumpol na mga ilaw mula sa mga mangingisdang naghahandang pumalaot. Gayundin ang mga lamp post na nakahilera sa bangketa ng nasabing bayan.


Nang makarating sa bahay ay agad na tinungo ng dalawa ang kanikanilang silid. Napagod sila sa paglalakad sa bayan kung kaya't agad na nakatulog.

Mga Paru-Parong LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon