Part 10

9 0 0
                                    

But I was not able to fulfill that promise. My dad learned of what I've been doing in Manila. He immediately had me sent back to Greece grounded. Everything I have was taken from me. My credit cards, car and penthouse. Everything!


Nag rebelde ako. Lumayas ako samin.  I went to Switzerland with the help of some friends. I worked for Deutsche Telecoms. Those were the hardest years of my life. Longing for Earl, missing my mom, alone, dead tired but needed to continue living.


I can't die yet.


Tulad ni Earl, gusto ko makasama ko ang pinakamamahal ko sa takipsilim ng buhay ko. Nagsave ako ng pera.  Hindi ako halos kumakain. Kung ano ano pang raket ang pinatulan ko.


Then one day, I got an e-mail from Percy. He found my e-mail address on our companies contacts. Naghahanap siya ng telecom company na pwede nyang pagbentahan ng lisensya ng project nya. Project nila ni Earl. Angmulti-mode base station



Naikwento nya na nagdrop out siya 2 months before graduation. Nag-away daw sila ni Earl. Hindi niya natapos ang project. Si Earl and nagtuloy during his 4th year. Tinapos ni Earl ang sinimulan nila, iniwan kay Percy ang finished product at pagkatapos ay sumama sa amang  German.



Maliit nga naman ang mundo. Maaring andito rin siya sa Europa. Maaring nagkasalisi na kami ng daan . Nakatalikuran ko na sa bus. Nakagitgitan sa subway.  Pero hindi pa oras. Hindi pa tamang panahon para muli kaming magkita ni Earl. Hindi ko pa kayang harapin ang magiging sumbat nya. Hindi ko pa kayang tanggapin na matapos ko siyang paibigin ay iniwan ko din siya. I have kept his letters.


Everyday, for three years, I read and re-read his letters. I constantly remind myself of those 100 days – the happiest days of my life.


I offered to help Percy. Lahat ng inipon ko. Pinadala ko sa Pilipinas. Ginamit niya yon para magsimula. Things went well in Manila. Naging maganda ang simula. Then, Earl's face surfaced on the news. Laman siya ng bawat European Fashion magazine. Only the name is different. He is now known as Earl Hudgenzarc. Ginamit nya ang apelyido ng kanyang ama. He is a well known model pala all over Europe for almost 2 years na. Hindi ko man lang alam. Bakit ba kasi hindi ako nahilig sa fashion?


Ayon sa balita, he went missing. After his stint in Milan, nakita pa siyang sakay ng yate papuntang Malta. Afterwards, both he and the yacht went missing. Iyak ako ng iyak nun. Wala akong magawa. Nagresign ako sa trabaho ko dahil sobrang depressed ako. I went to Manila. Mineet ko si Percy. I sought help. Pinagtulungan naming itawid ang GKC. Just when everything is doing well, Percy went missing.


Ako ang naiwan sa GKC. Magisa na naman ulit ako. Pinilit koing tiisin ang lungkot. Nilabanan ko ang sakit. Pinatatag ko ang sarili ko. Nang medyo stable na ang kumpanya, nag hire ako ng intelligence agencies. Pinahanap ko sina Earl at Percy. Just when they got a lead, the agencies were closed. I decided to absorb the agents. Two months after, natagpuan nila ang dalawa. In the Canaries, sa isla ng aking ama. I went haywire. Sinugod ko si Papa sa Greece. Nagpadala ako sa galit. Isang malaking pagkakamali. Pagkakamali na bumawi sa nagiisa kong kakampi.


My amock ends up with my mother having a heart attack. It was fatal. I lost my mother. Ang aking tanging kakampi. 


Several weeks later, nakatakas si Percy. We met in Manila. They were enslaved by my god damned father. Ginawa silang parausan. I cried when i heard about it. Ibinuhos ko lahat kay Percy ang aking hinanakit. 


Ang iningatan ko ay sinira.


Ang itinuntong ko sa pedestal ay tinapakan.


Ang aking baby. Ang aking mahal. Ang aking si Earl.


Niyaya niya daw si Earl na tumakas pero hindi ito sumama sa kanya.


Mahina pa rin ang loob ng baby ko.


Natatakot.


Ayaw pa daw mamatay.


I handed the company over to Percy. Bumalik ako sa Europa, inasikaso ko ang lahat ng naiwan ni Mama. Nilabanan ko ang papa. I got control over our shipping business. Nasa pangalan pala ng Mama ang kumpanya. And it was willed to me. Percy took care of rescuing Earl, while I was busy picking up my life in Europe. We had constant communication.

Sometime a month or so ago, Percy contacted me bearing the good news. Na rescue na nila si Earl. And he is with him in Manila. Pinapupunta nya ako ng Manila. I refused. Hindi ako handang harapin si Earl. With what my father did to him. Hindi ko kaya. 


Then Percy told me of his plans and I agreed. He'll hand the company over to Earl. The true rightful owner. Kami lang ang nagpalago ng negosyo.


And that is how you came in the picture Rem, tinamad ang kuya mo. He wanted to retire at maging board member na lang. Gusto daw niya munang mag relax at magisip isip.


Kaya heto, kaharap kita.


Ang soon to be Chief Executive Officer ng GKC.


Julius Rembrandt Juico

Mga Paru-Parong LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon