Misteryo sa akin ang lahat ng nangyayari kaya't kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan ng kasagutan ng lahat ng katanungan ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Good Morning Tita! Si Rembrandt po?" bungad ni Diddy matapos pagbuksan ni Tyang.
"Hay naku Didoy, hayun at nakahilata pa sa kama." sagot naman dito ng matanda.
"Tita naman, Didoy is so bantot! As in Eww!! Yuck!! Gross!!"malanding tugon ni Diddy na siyang nagpahagikgik sa matanda.
"Hala sige, bulahawin mo na yung kaibigan mo dun sa kwarto niya at ng makapag almusal na rin yan" utos ni Tyang kay Diddy.
"REMBRANDO JUICO!! MACHETE MUY GUAPO!" sigaw ni Diddy pagkapasok sa kwarto ko.
Pupungas pungas ko namang idinilat ang aking mata. Lintik na Diddy ito. Kay aga-aga nambubulahaw. Mas masahol pang mang-gising kesa sa kawali't sandok ni Tyang. Parang sirena ng bumbero.
"Gising na ako Diddy. Tama na!" pagmamakaawa ko sa kanya.
Umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Mag almusal ka na daw sabi ni Tita" simula nya.
"Hindi pa ako nagugutom." pagdadahilan ko.
Ang totoo nyan. Gutom na gutom na ako, pero inaantok pa kasi ako at gusto ko pang matulog. Kung hindi nga lang dumating si Diddy ay hindi matutulig ang utak ko eh.
"Ang sosyal mo ha! Ako pa ang ginawa mong alarm clock" kunwa'y nagtatampong sumbat ni Diddy.
"Nagpuyat ka siguro kagabi ano?" tanong nya sakin.
"Oo medyo napuyat nga ako. Lintik na language assessment yan nakakakaba. Akalain mo ba namang hanggang ngayon eh wala pa ring resulta" may pag-aalalang sabi ko.
"Oo nga eh, buti na lang at maagap ang assessor ko sa pag..."
Hindi na natapos ni Diddy ang sasabihin.
"Rem, hindi maganda ang kutob ko."
"Ha?" napabalikwas ako ng bangon. "Ano yun?"
"Basta! Hindi maganda. Halika kumain tayo sa labas. Treat ko. Bilis!"
"Akala ko naman kung ano." narerelieved kong sabi
"Saglit at magpapalit lang ako"
"Wag na." pagpipigil ni Diddy.
"Ngayon na tayo lumabas" sabay hila sakin.
"Teka, teka Diddy ano ba." lumaban ako pero sadyang malakas ang hatak nya.
Pagkalabas namin ng kwarto ay saktong nakasalubong naman namin si Tyang. Hinawakan din siya ni Diddy sa braso at hinila palabas ng unit.
"Diddy ano bang nangyayari bakit mo kami hinihila!?" tanong ko habang si Tyang naman ay naguguluhang nagpapakaladkad.
"Sabi ko diba kakain tayo sa labas." Mejo malakas na sabi ni Diddy.
Walang kahirap hirap nya kaming naisakay ng elevator at saka pinindot ang ground floor. Eksaktong pasara na ang elevator ng lumabas ang may 6 na kalalakihan mula sa kabilang elevator na katapat ng sa amin. Napasulyap sila sa gawi namin at biglang...
"DAPA!" sigaw ni Diddy.
Sunod sunod na putok ng baril ang aming narinig bago pa tuluyang sumara ang pinto ng elevator.

BINABASA MO ANG
Mga Paru-Parong Ligaw
RomanceThis is a Boy X Boy Romance with several rated PG parts. If you detest homosexuality and erotica, this story may not be for you.