Katatapos lang maligo ni Earl. Nagpupunas pa siya ng ulo ng lumabas ng banyo upang dumeretso sa dresser ng may maapakan siyang malambot.
"I love you" naulinigan nya.
Napatigil siya, nag-angat ng paa. Tumambad sa kanya ang nakabalot na Pikachu. Marahil ay nalaglag ito mula sa tukador kung saan ito nakadisplay kasama ang iba pa nitong mga kauri.
Pinulot ni Earl ang stuffed toy, sinuri, at saka pinisil.
"I love you" ulit nito.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Earl. Inulit-ulit nyang pisilin ang Pikachu. Paulit ulit din ito sa pagsasabi ng "I love you".
Inihagis ni Earl ang tuwalya at inisa-isa ang mga nakadisplay pang Pikachu sa tokador.
"I love you", "I love you", "I love you"
Tatlo, Sampu, Tatlumpo, Limampu.
Nagkalat ang mga Pikachu sa sahig, at sa kama. Walang naiwan sa tukador. Bawat isa, nag a-I love you.
Isandaang I love you. Isandaang stuffed toy. Isa sa bawat araw.
Isa-isa ring nag-play sa kanyang balintataw ang isandaang araw.
Wala ni isang "I love you", sa pagkakatanda niya. Hindi siya masalitang tao. Ang akala niya, mas mahalaga ang gawa kesa salita. Mali pala, meron palang salita at gawa, nahuli nga lamang ang salita, kung kelan wala ng gagawa.
Male-late na siya pero mag pinili niyang tumunganga, lumuha ng lumuha. Tatlong buwan na rin simula ng huli niyang maramdaman ang agos ang luha sa kanyang pisngi, bitbit ang mga ngiting iniukit tabing ng alaala
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Good Morning Matt!" bungad ni Diddy kay Matt pag dating nito.
"Naku yung secret admirer mo, walang humpay sa panunuyo sayo. Hayan at may flowers ka na naman."
Binasa ni Matt ang card na kalakip ng bouqet.
It reads: Hi Handsome! These flowers are beautiful but not as beautiful as you. – YPVD
Matapos basahin ay iniabot niya ito kay Diddy.
"Anu to?" nagtatakang tanong ni Diddy.
"Bahala ka na" wala sa loob na sabi ni Matt sabay salampak sa desk.
"Anong akala mo sa beauty ko? Flower Vase?" reklamo ni Diddy.
BINABASA MO ANG
Mga Paru-Parong Ligaw
RomanceThis is a Boy X Boy Romance with several rated PG parts. If you detest homosexuality and erotica, this story may not be for you.