Part 2

45 0 0
                                    

Tatlong taon na simula ng mawala si Kuya Jooper. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatagpuan kahit ang katawan man lamang nya. Nuong mga unang taon, agad agad kaming sumusugod ni Tyang Mely tuwing may nababalitang may nakikitang katawan ng salvage victim. Hindi naman sa inaassume namin na nasalvage si kuya, pero wala kaming choice. Kailangan naming manigurado.Ngunit wala, wala ni isa sa mga pinuntahan namin ang positibo. 

Nagsawa na rin kami sa kakasugod sa mga salvage sites. Pinagpaubaya na lang namin sa Poong Maykapal ang kalagayan ni Kuya. Malungkot. Napakalungkot. Hanggang ngayon ay ipinagdarasal ko pa rin na sana ay buhay sya, kahit alam kong maaring imposible na. Umaasa akong isang araw ay kakatok siya sa bahay na parang kahapon lamang. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"REM GISING NA UMAGA NA!!!!"

"KLANG KLANG KLANG" 

Napabalikwas ako sa katre sa lakas ng sirena ni Tyang Mely. Nakapamewang siya at nakamulagat sakin habang tangan tangan sa kanang kamay ang kawaling ulingin at sa kaliwang kamay naman ang mahiwagang sandok. 

"Tyang naman ang aga-aga nambubulahaw ng mga kapitbahay" sabi ko sabay kamot sa ulo. Lulugo lugo pa ang mata ko. 

"Aba't nakalimutan mo yatang may lakad ka ngayon?" sigaw ni Tyang habang pababa ng hagdanan. "Ang kabilinbilinan mo'y magaapply ka ng trabaho kaya nagpagising ka ng maaga!" pahabol pa nya. 

Oo nga pala, binilin ko sa kanya na gisingin ako ng maaga dahil mag aapply ako ngayon. 

"Bumangon ka na dyan at ng hindi ka mahuli, mahaba ang pila sa poso!" sigaw ni Tyang mula sa ilalim ng lupa. Oo ilalim ng lupa kasi basement/underground ang kusina namin. 

Nag-inat inat muna ako bago tumayo. Kinuha ko ang tuwalya mula sa sabitan sa tukador at saka nagsuot ng tsinelas at lumabas ng bahay. Umikot ako sa munting barong barong papunta sa palikuran/liguan upang kunin ang container at timba. Pumunta ako sa poso, mahaba nga ang pila. Pang anim siguro ako, yung pangatlo at pangapat ay isang kariton ng mga container ang iigibin. Matatagalan pa ako nito. Kunsabagay mag aalas sais pa lang. 

Habang naghihintay ng aking turn sa poso ay tumambay muna ako sa tindahan sa gilid. Bumili ako ng isang Mighty at isang MikMik. Sinupsop ko muna at inubos ang MikMik bago sinindihan ang yosi. Solve na naman ako. Parang adik lang. Iyon ang paborito ko sa umaga pagkagising, Mighty at MikMik. Hindi pa ubos ang yosi ko ay turn ko na sa poso. 

"Aba himala, ang bilis nyo yatang makapag igib", ang sabi ko sa mamang nagpila ng sangkaterbang container. 

"Mauna ka na, dalawa lang naman yang iigibin mo eh." sagot naman nya. 

"Salamat manong" at dali dali kong isinahod ang timba at container saka nagsimulang mag pump ng poso. 

Agad ko namang napuno ang container at timba. Tigisang kamay ko itong binuhat at dinala sa aming palikuran/liguan. Isinabit ko na rin ang twalya sa gilid at nagsimulang maghubad. Itinira ko ang aking brief at nagdasal muna bago magbuhos. 

"Brrrr! ang lamig" 

Matapos maligo ay dumulog ako sa hapag para mag umagahan. Matapos ang almusal ay saka ako nagbihis. Eksaktong alas otso ng magpaalam ako kay Tyang.

"Pagbutihin mo Rem, magdasal ka bago lumakad. Hilingin mong ilayo ka sa anumang disgrasya hane" paalala ni Tyang habang nakatanghod sa pintuan. 

"Oho Tyang" sagot ko sabay antanda ng krus at usal ng maikling dalangin. 

"Diyos ko, ilayo nyo po ako sa disgrasya at ipahintulot nyong matanggap na ako sa trabaho. Pangako po pag nakapagtrabaho na ako, hahanapin ko si kuya." dasal ko habang naglalakad. 

Mga Paru-Parong LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon