The Deal
Bumalik na rin ng onti ang dating Leyn. Ganun ang epekto ng pagkatalo ni Hershey, haha lol.
Tumatawa kaming lumabas ng gym at bigla nalang matahimik ng makita si Joshua sa harap namin. Tiningnan naman namin si Nics pero parang wala na rin naman sakanya.
"Nics." Panimula ni Joshua. Ngumiti naman si Nicsan.
"Oh?" Tanong nya.
"Uhh, sorry pala ha. Hindi naman kasi talaga yun totoo, sineryoso naman kasi talaga kita. Sorry na.." Sabi ni Joshua tsaka lumapit kay Nics at hinawakan ang kamay nito. Napatabi naman agad ako kay Nics at tiningnan sila ng nakataas ang kilay. Tiningnan lang nila ko at inalis na ni Nics ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Oo, pinapatawad na kita." Sabi naman ni Nics. Agad syang yinakap nito. Agad ko namang hiniwalay iyon. Napalingon naman sila sakin.
"What?" Painosenteng tanong ko.
"Guys, prinoprotektahan ko lang si Nicsan. Noon sabi nya linoloko lang nya and then now, it was just a lie. That's bullshit." Sabi ko naman.
"E malay mo naman seryoso diba?" Sabat naman ni Nicsan.
"Shut up Nics, naloko ka na. Ayaw mo naman sigurong maulit iyon diba?" Sabi ko naman. Yumuko lang sya.
"Ikaw liniligawan Kyris?" Tanong naman ni Joshua. Hinarap ko sya.
"Hindi, pero dahil kaibigan namin sya, dapat lang na prinoprotektahan namin sya." Sabi ko naman.
"Tama, hindi pwedeng hayaan nalang namin syang maloko uli." Sabi naman ni Leyn.
"Seryoso na ko ngayon." Sabi ni Joshua.
"Prove it." Sabi ni Ash.
"Convince us." Sabi naman ni Ysa.
Napabuntong hinga nalang si Joshua dahil alam nyang wala na naman syang magagawa. Hindi naman pwedeng kalimutan nalang namin ang nagawa nya 4 months ago. Linoko nya daw si Nicsan and then after 4 months sasabihin nyang hindi naman talaga? Ano 'to? Gaguhan?
..
"At ano naman ang papagawin nyo sakanya?" Taas kilay na tanong ni Nicsan.
"Madali lang naman." Sabi ni Leyn. Napagusapan na kasi namin ito kanina. At nakaisip agad ako ng ipapagawa na pabor din kay Leyn.
"At ano naman iyon?" Tanong ni Nics.
"Sunugin lahat ng notebooks ni Hershey." Chill na sabi ni Leyn.
Napailing naman si Nics na natatawa. Madali lang naman yun diba? Susunugin lang naman nya ang gamit ni Hershey, what's so hard about that?
..
"AHHHHHH!!!!!!" Sigaw ni Hershey. Agad naman kaming natawa. Sumugod kami kung saan sya sumigaw at nakita ang mga sunog nyang notebooks. Napalingon sya saamin at....
"Ikaw! Ikaw ang may gawa nito!" Sabay turo nya kay Leyn. Ngumisi naman si Leyn.
"Ako? E nananahimik kaya ako. Baka anino mo, tanong mo." Pilosopong sabi nya.

BINABASA MO ANG
The Playgirl Lose
RomanceShe's KYRIS, a member of 2A4 XP, a Miss Unperfect person. She's Ms. Bitter Playgirl. She's great in playing, she always win. She can break your heart in just a day, she knows when to play. She's bad. She broke hundred hearts of boys and she can stil...