Official KyRd's First Day
Napalingon ako dahil sa pagpindot ni Ysa sa balikat ko. Ngunit laking gulat ko ng makita ko si Dard at Reyn na dumaan. May tao naman sa gitna pero kitang kita ko ang ngiti niya. Nanlaki mata ko at agad na ngumiti tsaka yumuko. Punyeta, pahiya ako dun ah.
"Ayiee, namula ka Kyr." Pangungutya ni Ysa.
"Punyeta mo men." Ang tanging nasabi ko.
Tumungo na kami sa room pero dahil madadaanan pa namin ang room nika Dard dahil one way lang naman e yumuko nalang ako. Pagdaan namin e nakita ko siyang nasa pintuan na nakangiti kaya nanatili na talaga ako sa pagkakayuko. Bat pa ba kasi ako tumingala?
"Dedma." Rinig kong kantyaw ni Reyn kay Dard. Napangiti naman ako. At dahil nasa hallway na naman kami e tumingala na ko. Great.
"Loko loko ka talaga Kyr. Kung kailan kayo na, tsaka ka pa nahiya." Sabi ni Ash.
"Hindi kasi ako tulad mo. Walang hiya." Sabi ko at natawa naman kaming apat habang si Ash ay nag dirty finger habang nakasimangot.
"Oo nalang Kyris Geraline." Sabi ni Ash. Napailing naman ako at pumasok na kaming lima sa room.
Marami nang improvement ang nangyare sa school. Lahat ng rooms may 7 electric fans, lahat plastic chairs na at may locker na rin sa loob ng room. And every room, may free wall sa likod na parte ng room. But then, tumaas din naman ang tuition. Pero syempre afford din naman nila. Lumawak na din ang school, may pool area and gymnasium na. May computer room na rin at library. Pero syempre hindi ko makakalimutan ang dance studio namin dito, I requested it. Nakikicompete na kasi ang school from other school ng dance competition. Minsan naman for fun o kaya ay dahil sa deal.
Nasa pinakahulihan kami naupo, may rule na na hindi na pwede ang 2A4 magexpell ng students dito. Nakakarindi, pano nalang pala yung gusto naming alisin? Hindi ba?
"Jans, may gusto ka pa rin naman kay Dard diba? Bat di mo ipaglaban?" Tanong ng babae dun sa Jans. Posible kayang iyon ang ex ni Dard? May gusto PA daw kasi e.
And oh yeah, classmates na naman namin sila. Di na ata maaalis e. Punyeta. Diba pwedeng wala nalang ex? Yun bang ako nalang?
Oh wait, why am I saying this again? Baliw na naman ako. Tss.
"Wag ka ngang maingay, andyan si Kyris oh. Baka marinig ka." Iritang sabi naman nung Jans.
"Okay ka lang Kyr?" Pabulong na tanong ni Ysa.
"Oo naman, sus! Di big deal." Sabi ko naman na natatawa. Pero sa totoo lang, sa pinakadulo duluhan ng puso ko, nakaramdam ako ng kirot.
Siguro wala lang yun. Palipas nalang.
"So ano Jan? Ano nalang gagawin mo?" Tanong nung kausap niyang babae.
"Sam, wala. Wala akong gagawin. Kasalanan ko naman e. Nakipag break ako. Dalawang taon na yun Sam, ngayon pa ba ko mangingialam? Masaya na sya, guguluhin ko pa ba?" Iritang sabi naman nung Jans.
"Hay nako Jans, ikaw naman yung nauna ah. Bat di mo ipaglaban?" Sabi nung bagong babaeng sumulpot.
"Wala yun sa nauna Aisth. Hindi porket naman ikaw yun nauna, ikaw na talaga. Nakadepende yan sa kung sino na ang mahal nya." Sabi ni Jans.
BINABASA MO ANG
The Playgirl Lose
RomanceShe's KYRIS, a member of 2A4 XP, a Miss Unperfect person. She's Ms. Bitter Playgirl. She's great in playing, she always win. She can break your heart in just a day, she knows when to play. She's bad. She broke hundred hearts of boys and she can stil...