Chapter 16

11 0 0
                                    

Goodbye Kyris

Umuwi sila Tita dito. And unluckily, dahil nga umuwi sila Tita dito, andito na rin yung punyetang ex ko na pinsan ko pala. Pero hayaan, ngayon na din naman alis ko e. Sasama na ko kila Tita papuntang Manila dahil bukas na ang flight ko. Oh diba?

Ngayon lang din daw uuwi sina Tita which means ngayon na din daw ako aalis.

Good news, bati na sila Glenn at Nicsan. But bad news? Andito nga si Dard. Punyemas lang.

"Tara kainan na!" Sigaw ni Tita Kyline saamin. Kinalabit ako ni Nics pero nagpumigil ako at hindi na natayo. Tumango nalang ako. Nagsipuntahan na sila doon.

Naiwan kami ni Dard, awkwardness. Tumayo ako at dinaanan lang sya. Huminga ako ng malalim, puta lang.

"Asan na si Dard?" Tanong ni Tito Danger. Itinuro ko sya. "Tawagin mo na."

Napanguso ako at sinunod na lamang si Tito. Nagfake cough ako kaya napalingon sya saken.

"Pumunta ka daw kina Papa mo." Malamig na sabi ko habang nakayuko. Tumalikod na ko tsaka naglakad. Sumunod naman sya saken.

..

"Happy birthday to you, happy birthday to you..." Kanta naming lahat kay Nicsan tsaka nya blinow ang kandila. Gift opening na at excited kaming lahat malaman ang mga regalo na natanggap ni Nics.

Halos nabuksan nya na lahat at natira nalang ay lima. Naluha sya ng makita ang pangalan ko sa isang wrapper ng isang regalo.

Tumayo sya tsaka ako yinakap.

"Kyris!" Bulaslas nya tsaka umiyak ng umiyak.

"Ano ba?" Natatawang sabi ko pero naluha na rin ako. "Buksan mo na yun oh, matagal mo nang gusto iyon."

"Hindi! Ayoko!" Sigaw nya habang nakaakap pa rin saakin. "Ayoko na nun! Ayokong buksan yun.. Kasi ang gusto kong matanggap na regalo ngayon ay sulat. Simpleng sulat lang na naglalaman na hindi ka na aalis."

Naiyak ako. Ang buong 2A4 ay naiyak. Nagsilapitan yung tatlo at yinakap na rin kami. Ang hirap, ang hirap hirap para saking malayo sakanila. I have lived my whole life with them.

"Hindi naman yun pwede Nics.." Pag iyak ko. "I have to visit my mom there. Patay na nga sya, hindi ko pa sya dadalawin?"

"Pero Kyris naman e!" Bulaslas nya uli. Iniwan na kami ng mga bisita at tsaka lang sya kumawala.

"Besides, hindi naman ako suited as your member e." Malungkot na sabi ko.

"No! No, hindi! You're all worth it! You deserve that membership!" Sigaw nya.

"Shh, shh Nics. Malaking kahihiyan ako sa 2A4, isang ampon lang ako Nics. At tsaka wala pa kong pamilya." Sabi ko.

"We are your family, Kyris." Sabi ni Ash. "Ang 2A4, ang grupong 'to. Pamilya mo 'to."

"I wish I still have that confidence to tell you that you are right. But then again, no." Sabi ko.

"Kyris naman e, babalik ka naman diba?" Tanong ni Leyn.

"Oo naman, but I might stay there for good." Sagot ko.

"Hindi ka naman dapat mawala Kyris e! Nang dahil sayo nabuo ang 2A4, nang dahil sayo nagkakilala kaming apat. Ikaw ang tunay na myembro ng 2A4 Kyris, ikaw ang hindi dapat maalis." Sabi ni Ysa.

"I'm glad to hear that but then again, I lose. Natalo ako guys.. Natalo ako." Sabi ko. Double meaning iyon. Natalo ako sa buhay, natalo ako sa love life.

"Kyris! Mamimiss kita!" Sabi ni Ysa tsaka ako yinakap. Nagyakapan naman uli kaming lima.

Mamimiss ko ang mga ito. Ang kakulitan, kabaliwan, kagaguhan o ano pang 'han'. Mamimiss ko rin ang pamilya ko dito, ang mga kaibigan ko. Mamimiss ko ang mga boyfriends nito, ang mga tropa ng boyfriend nila. Mamimiss ko ang kaisa isang taong minahal ko na pinsan ko pala. Mamimiss ko si Dard. Puta.

"Mahal ka namin Kyris.." Sabay sabay nilang sabi. Kumawala na ko sa yakap.

"I love you guys too.. But sorry.. I have to leave."

..

"Kyris, bukas ka nalang umalis." Iyak ni Ash. "Putang ina naman e. Kailangan kita ngayon, wala na kami!"

"Shhh wag ka ngang umiyak, promise ko sayo, babawian ko yung Chan na yun." Sabi ko. Mas lalo naman syang umiyak. Naiyak na din ako.

Ay nako! Ang hirap talaga maging maganda. Aist.

"Eee pano mo naman gagawin yun e diba nga magiibang bansa ka na?" Sabi nya naman.

"Ash, there's something you should let go first. But then, if it is destined to be with you then it will come back." Sabi ko. "Guys, hindi porket wala na ko, hindi nyo na ipagpapatuloy ang pangarap nyo. Ikaw Leyn, ipangako mo saking magiging fashion designer ka balang araw. Ikaw Ysa, event organizer ka diba? Ash, you will manage resorts. And Nics, magiging chef ka diba? Sabi mo nga sabay tayo.. Sabi mo nga, gusto mong maging katulad ko.. Ipangako nyo saaking tutuparin niyo ang mga pangarap niyo.... kahit na wala na ako nyan sa tabi nyo."

"Pangako." Sabay sabay nilang sabe.

"Paalam 2A4..." Pagpapaalam ko sakanila tsaka na sumakay sa kotse.

🚆 ✈️ ****** 🚨 🚑 🚔

"A plane just crashed at 3:00 A.M."

"Sinasabing maraming namatay at maraming katawan ang hindi pa nahahanap."

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon