Chapter 11

7 1 0
                                    

Jail Booth

Walang estudyante sa labas ng bawat room except sa mga COLT. Bakit? Ng dahil sa jail booth. Ganito kasi mechanics ng game..

Kung may madaanan ka na may naka-post, dapat kung anong nakalagay dun ay gagawin mo. Halimbawa, dumaan ka sa may hallway tapos may nakapost doon na shout the name of your crush, dapat gawin mo. Kasi kung hindi makukulong ka at ang kawala lang ay kung may magpyansa sayo with a kiss. Worst is, dapat galing sa katapat mong kasarian ang kiss.

Tawang tawa kaming lima dito dahil katapat lang namin ang jail. Marami rami na din ang nakulong, walang nagbabalak pumyansa dahil nga kiss ang kailangan. Inaabangan namin si Ysa na dumaan kasi umuwi muna sya para kunin yung extra tshirt nya tapos jersey ni Leyn. Syempre, yung phone nya.

"I LOVE YOU EVROEM JAMES!!!" Sigaw nung babaeng dumaan sa may puno. Nakapost kasi dun, isigaw daw ang gustong sabihin sa taong minamahal. Kagaguhan nga kasi ano pa bang ibang sasabihin? Edi i love you.

Napasilip ako sa may pinto at napaatras agad ng makita si Ysa na tumakbo.

"Tabi!" Sigaw nya.

Lumampas sya sa room kaya agad akong natawa. Pati na rin yung tatlo.

"Hahaha! Madadakip si Ysa, pustahan." Sabi ni Leyn.

"Ano pa nga ba." Tawang tawang sabi ni Ash.

"Tawagan si Kent!" Sigaw naman ni Nics.

Natawa naman uli kaming lahat. Pero mas natawa kami nang makita si Ysa na nakasimangot habang pumapasok sa jail sa may tapat ng room namin. Aw hahaha! Napatingin naman sya samin tsaka nag dirty finger. Natawa lalo kami.

"Wooh go Ysa!" Sigaw ko. Natawa uli kami.

Agad naman kaming nagulat ng nagsitakbuhan ang mga COLT. Nang sinilip ko, yung barkada pala nila Dard. Nadakip na naman sila. Napalingon kami ng sumigaw si Kent.

"Minahal kita pero ginago mo ko! Sana di nalang kita nakilala!" Dumaan kasi sya dun sa may puno. E nakapost dun, isigaw kung anong gustong sabihin sa ex. Alam mo yun? Gaguhan.

Nag nae nae naman sya ng dumaan sya sa may saamin. Kilig na kilig naman kami dahil alam naming papunta sya sa jail. Papyansahan si Ysa, syempre. Nagawa nya pang kumanta doon kahit alam naming hindi sya kumakanta.

Nakarating na sya sa jail. Naghahampasan na kaming apat dito at ngiting ngiti na pero nawala din naman yun at natahimik kami ng iba ang pyinansahan nya. Who's that girl?

Lumingon nalang sa iba si Ysa, halata sakanyang nasasakatan sya. Akala namin si Ysa papyansahan nya. Hindi pala. At akalain mo yun, nagawa nyang sumayaw kahit hindi sya marunong, nagawa nyang kumanta kahit sintunado sya, para lang makuha ang babaeng gusto nya.

Napailing ako.

"GAGO!" Sigaw ko. Lumingon naman sya saamin at nagdirty finger yung tatlo sa likod ko. Ngumiti naman si Ysa.

Pyinansahan naman ni Jesher si Ysa pero hindi naman daw nagkiss, kunware lang. Oh diba? Kalusot sila.

Matamlay na matamlay na pumasok sa loob ng room si Ysa. Tinabihan nalang namin sya at nagtanong ako.

"Sino yung babae?" Tanong ko. Umiling naman sya.

"E bat yun ang pyinansahan nya?" Tanong naman ni Leyn.

"Kasi yun naman talaga ang taong mahal nya." Sagot ni Ysa.

"E bat dikit na dikit sya sayo?" Tanong naman ni Nics.

"Kasi pinapaselos nya yung taong mahal nya." Sagot ni Ysa.

"Pano mo nalaman?" Tanong ni Ash.

"Sinabi nya saken kanina kaya medyo late na ako dumating." Medyo dismayadong sabi ni Ysa. Hayy nako. Tinalikuran na nya kami tsaka nagmukmok. Matutulog daw muna sya. Napabuntong hininga nalang kami.

"Leyn, tingnan mo." Sabi ni Mary. Classmate namin. Tiningnan naman agad ni Leyn yung nasa labas pero nabadtrip lang sya ng makita si Hershey na pinapyansahan si Lerv. Psh PDA. Napairap nalang si Leyn.

"Kyris oh!" Bunggad saken ni Jay, classmate namin sabay tapon ng bracelet. Hiningi ko kasi sakanya, buti nalang catcher ako. Hahaha

"Salamat!" Bati ko naman.

"Ash, hinahanap ka ni Chan. May sasabihin. daw sayo." At ayun umalis na si Chan. Si Nics naman mekatxt sa phone, si Glenn ata.

Tss. Mga kaewanan ng mga kabarkada ko ngayon.

Nagring ang phone ko kaya naman agad ko itong sinagot. Si Tita Leny.

"Hello Tita? Bakit po?" Tanong ko.

📞 "Sorry nak, di ko kasi matawagan si Leyn, uhh. Nalalapit na kasi bday nya at napagplanuhan naming iuwi nalang kayo dito. Pupunta tayong Boracay."

"Ah sige po, sabihan ko nalang sila."

📞 "Salamat Kyr, si Klenn nga pala susundo sainyo dyan. Kung gusto nyo magsama na rin kayo ng iba."

"Ah sige po tita." Sabi ko as I ended the call.

Hmm, sounds exciting huh.

Dumating na si Ash na may dalang picture.

"San galing yan?" Tanong ko.

"Kay Chan, pumunta kami sa photo booth." Sabi nya.

"Di kayo nadakip?" Tanong ko.

"Hindi, COLT kasi si Chan kaya may exception." Sabi nya.

"Ahh e ikaw, bat di ka nadakip?" Tanong ko.

"Binantayan nya ko." Proud na proud na sabi ni Ash, nakangiti pa yan. Ngumuso nalang ako sabay pout.

"Gago, ang daya." Sabi ko.

"Ganun talaga pagmagaganda." Mahangin na sabi nya.

"San banda?" Pambabara ko naman.

"Sa mukha, alangan namangsa paa mo diba?" Sabi nya naman.

"Pwede rin. Edi ibig sabihin nun mukha kang paa." Natatawang sabi ko. Sya naman ngayon ang naningkit. Hahaha!

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon