Chapter 14

9 0 0
                                    

Cousins

Palangoy langoy lang ako dito sa pool. Pagod na pagod na ako pero ayaw ko pa ring tumigil. Pagod na pagod na din ang mata ko pero sobrang sakit talaga ang nararamdaman nito kaya naman di tumitigil.

For the first time, I fell. But the again, I lose. Tingina.

"Kyr." Napatigil ako ng marinig ko si Ash. Liningon ko sya.

"Okay ka lang?" Tanong nya, tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Yeah right, hindi nga pala." Sabi nya. Linapitan ko sya tsaka naupo sa tabi nya.

"Nakumpira nga na anak sya nila Tita, so ano na ngayon? Tita na rin itatawag mo kay Tita?" Tanong ni Ash. Natawa naman ako.

"Thanks for reminding me na ampon din lang ako. Na iniwan ako ng Mama ko kina Ma--- err Tita." Sabi ko naman.

"Pero hayaan na, pinsan pa rin naman kita diba? Anak ka naman ni Tita Christine, kaya pinsan pa rin naman tayo. Ang kaso lang kasi, magpinsan din kayo." Sabi nya naman. Naluha naman ako.

"Eesh, oo nga pala. Magpinsan kami... Natalo ako Ash! Tangina, nahulog ako kung kailan di naman na pwede. Binoy friend ko ang pinsan ko." Pag iyak ko sakanya.

"Mukha nga. Iniyakan mo e." Sabi nya naman.

"Bat ganun Ash? Sobra sobra naman ata ang natanggap kong karma." Pamamaktol ko habang umiiyak.

"Yung totoo? Kulang pa rin yan sa mga nagawa mo. Isipin mo, ang dami dami mong naloko at nasaktan tapos sasabihin mo sobra sobra na yan? Hindi pa Kyr, kulang pa yan." Sabi naman ni Ash.

"Punyeta, pamukha ka naman e." Sabi ko.

"Kyris, mahalin nyo man ang isa't isa hindi pa rin kayo pwede. Magpinsan kayo e." Sabi naman ni Ash.

"Oo alam ko, hindi ko lang matanggap na natalo ako. Na sa unang beses nahulog ako at sa unang beses nasaktan ako." Sabi ko naman sakanya.

"Pwes, ngayon pa lang, turuan mo na ang sarili mong makatanggap ng pagkatalo." Sabi nya naman. "May nakalimutan ka, nagtatampo tuloy sya."

"Huh? Ano?" Tanong ko sakanya.

"Pinakaunang monthsary nyo ngayon." Nakangiti namang sabi nya.

"Wala na din naman yun Ash, hindi na kami pwede e." Sabi ko naman.

"Alam ko naman, pero hindi ba pwedeng ipalugit nyo na sa isa't isa 'to?" Tanong nya naman.

"Para saan pa? Maghihiwalay din naman kami." Iritang sabi ko.

"Ay hugot. Hahaha!" Tawang tawang sabi nya, ngingiti na din sana ako kaso dumating ang taong pinaguusapan palang namin ngayon.

"Iwan ko na muna kayo." Sabi ni Ash tsaka umalis. Naupo naman sya sa tabi ko.

"Pinsan pala kita." Iyan lang ang tanging sinabi nya saken pero nakapagpaiyak saakin ng sobra.

"Hindi ko akalaing minahal ko ang sarili kong pinsan, hindi ko akalaing pinsan pala kita." Dagdag nya. Liningon ko naman sya tsaka ako ngumiti.

"Happy 1st monthsary Dard, happy break up na din lang." Sabi ko tsaka ako tumayo at umalis na. Ayoko nang makita pa sya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at balikan ko pa sya.

..

Paakyat na ako sa kwarto naming lima ng biglang may tumawag saakin. Napahintoako at napalingon.

"Anak?" Sabi ni Mama.

"Po M-Tita?" Sagot ko naman.

"No, you can still call us, Mama and Papa." Request naman ni Tita.

"Hindi na po, Tita. Mas masakit po kasi kung pati sarili ko nagpapamukha na magpinsan kami ni Dard." Sabi ko naman.

"Sorry anak, masyado kaming naging padalos dalos. Di man lang namin naisip na masasaktan kayo." Sabi ni Tito.

"Di, okay lang Pa. Mabuti na nga 'ho iyon, e. Atleast, natandaan ko na ampon pala ko, na iniwan ako ng Mama ko para sumama sa lalake nya." Sabi ko naman.

"Hindi, wag mong sabihin 'yan. Mahal ka ng Mama mo anak." Sabi naman ni Tita.

"Alam ko 'ho, kasi sabi nyo nga po.. May mga bagay na kailangan isakripisyo at iwan para sa ibang bagay. At isa ako dun sa kailangang iwan para sa ibang tao." Sabi ko tsaka umakyat na. Tinawag pa sana nila ko pero dire diretso na ko.

Pinsan ko ang taong mahal ko 😭

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon