EPILOGUE

14 0 0
                                    

"Hindi! Hindi maaari!" Sigaw ni Mama.

Iyakan ang ganap saamin ngayon. Naaksidente ang eroplanong sinakyan  ni Kyris, nagcrash ito kaninang madaling araw. Hindi kami lahat mapakali, lahat kami dito sa bahay ay nag iiyakan na. Mas lalo na yung apat.

"Sabi na kasing hindi magandang ideya ang paalisin si Kyris e!" Sigaw ni Leyn.

"Walang mangyayare kung magsisigawan kayo." Mahinahong sabi ko.

"E anong gusto mo!? Magparty kami habang nasa panganib ang buhay ni Kyris!?" Pambabara naman ni Ash.

Napailing nalang ako.

"Babalitaan nalang daw tayo kung nahanap na ang katawan ni Kyris.." Mahinahong sabi ni Papa.

..

Tunog ng siren, sigawan, iyakan. Yan ang mga naririnig namin ngayon. Andito kami sa may dagat kung saan malapit na nag crash ang airplane na sinasakayan ni Kyris noon.

Tatlong araw. Tatlong araw nang nawawala si Kyris. Namamaga na ang mata ng apat pati yung saaming pamilya nya. Lahat ng nasa school, nakaka alam na. At nakakainsulto lang dahil araw araw pa nilang tinatanong.

Maraming nagsusulat sa free wall na 'kawawa', 'buti naman sakanya'. Nasasaktan ako. Puta.

Mahal ko pa rin si Kyris, mahal na mahal ko pa rin sya.

"Anak kooo!." Iyak ng isang nanay.

"Kyriiiiiiis!" Sigaw naman dun ni Mama sa may pangpang. "Kyris, bumalik ka na.. Please.."

Iyak ng iyak si Mama, may lumapit naman na lalake saamin at isa sya sa mga rescue team.

"Pasensya na po, Mrs. Cea pero wala na po talaga kaming nakita e." Sabi ng lalake. Mas napaiyak naman si Mama.

..

"Paalam Kyris.." Bulong naming lahat habang pinalutang ang bulaklak sa may dagat. Makarating sana ito sayo, mahal ko.

..

One year. Isang taon na ang nakakalipas. At unti unti namang nabubuwag ang 2A4. Nagkakalabuan na, nag aaway away na, ang iba pinag aawayan na ang isang lalake. Magulo, magulong wala sya.

Kinuha ko ang susi ng kotse tsaka ako nagdrive papunta sa dagat. Naluha ako ng maalala ang mga magagandang pinagdaanan namin ni Kyris.

"Uwi ka na labs... Miss na miss na kita.. Mahal na mahal pa rin kita.." Bulong ko. Naaalala ko ang mga masasayang alaala namin.

Sa mga pinagsamahan namin? Wala ni isa akong maalala na hindi maganda. Maliban nalang dun sa araw na malaman namin magpinsan kami. Ang bigat ng pakiramdam ko nun, ang sakit sakit. Bat kailangan pa naming malaman sa eksaktong monthsary namin? Punyeta, ang sakit...

Agad namang nag ring ang phone ko kaya agad ko naman itong sinagot.

📞 "Dard, si Kyris. Hindi mo sya pinsan..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon