Chapter 15

9 0 0
                                    

Strangers

Balik eskwela at may malaking tensyon sa buong school ngayon. Bakit? Alam na ng lahat, nakilala ko na si Kate dahil agad syang nagdiwang.

Ang sistema namin ngayon? Tinginan at iwasan. No smiles, hi and hello. We're strangers. Again.

He's a stranger that I will continuously love. And how I wish he would to.

Masakit lang na wala nang kami at parang hindi lang sya affected doon. Sana pala di ko nalang sya sinama, edi sana di nalang namin nalaman na magpinsan kami. Edi sana kami pa hanggang ngayon.

Napatingin ako sa kamay nya, andun pa ang singsing. Ganun din ako, nasaakin pa ang singsing at suot suot ko pa sya. Masakit, napakasakit. Wala nang kami, di na kami.

"Kyris, wala kang balak magsnack?" Tanong ni Leyn.

"Tara." Tanging nasabi ko tsaka na tumungo ng canteen. Papunta kami dun ng makasalubong namin sina Dard. Awkwardness.

Kasama ng barkada nila si Kate. Napalingon sya saken at yumuko nalang ako. Bigla namang tumugtog ang cellphone ni Leyn.

🎶 Bakit di pagbigyan muli ang ating pagmamahalan?

Kung mawawala ay di ba't sayang naman..

Lumipas satin ay tila ba kailan lang.. 🎶

Sinagot nya naman agad ang tawag at natawa naman si Ysa. Nagbagong ringtone e, simula nung magkahiwalay sila ni Lerv.

"Ouch, natamaan. Hahaha!" Tawa sya ng tawa. Naningkit naman ako kaya napatigil sya. Nagfake cough naman si Jape, gago.

"Kyr, si Dard!" Sigaw ni Reyn, napalingon naman ako at ngumiti kahit masakit.

"Sino yan? Di ko kilala e!" Sigaw ko naman pabalik. Tsaka sila tinalikuran.

"Ooooh.." Pangiinsulto naman ng mga kaibigan nya.

"Hindi daw kilala e mahal na mahal nga." Sabi naman ni Leyn. "Aminin na nga kasi, mahal na mahal na."

"Sino bang kaaway mo?" Natatawang sabi ko. "E inamin ko na naman na ah."

"Ewan ko sayo, ayun na yung dalawa oh!" Sabi naman nya. Natawa naman kami ni Ysa.

"Landi talaga nung Kate na yun." Bunggad agad ni Ysa.

"Kaya nga, e mataba naman sya." Dagdag ni Leyn.

"Bakit? Ano bang nangyare?" Tanong ni Nics.

"Nagiisang babae na kasama ng barkada nila Dard." Sagot ni Ysa.

"Oh ano naman? Mga judgemental na 'to." Sabat ko naman.

"Totoo naman ah. Diba Ash?" Sabi ni Leyn na naghanap pa ng kakampi. Tumango nalang si Ash. No choice e. Napailing nalang ako, mga judgemental na 'to.

..
"Kyr may ibibigay daw sayo si Enz." Sabi ni Jape kaya lumapit naman ako. Wala si Dard, san kaya yun?

"Ay, andyan na si Dard." Sabi naman ni Enz. Pero parang wala lang akong narinig.

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon