Chapter 13

14 0 0
                                    

Dreadful Truth

Nakarating kami sa Manila nang 2 sa umaga. Masyado pa kaming puyat kaya naman nanatili muna kami sa van at natulog. 7 ng umaga, ginising kami kaya naman agad kaming napapasok sa bahay. Nagyakapan kami at nagkumustahan, umuwi muna sina Leyn kaya andito naman kami sa bahay ni Dard.

"Nak, ikaw ha. May boyfriend ka na pala, di ka man lang nagkekwento." Sabi ni Mama.

"Hehe, malimit nalang naman tayo Ma nagusap e." Sabi ko naman.

"E seryoso na ba yan?" Tanong ni Papa. Tumango naman ako, di naman kasi alam ni Dard na playgirl ako e. Pero seryoso, hanggang ngayon pinaglalaruan ko pa rin sya. Can't take serious relationships.

"Aba! Mabuti, alam mo bang ang dami nang naloko nyan." Pagbubunyag naman ni Yaya.

"Yaya naman.." Pamamaktol ko, nagpeace sign lang si Yaya.

"Hayy nako, kumain na nga tayo at mamaya ay may flight pa tayo patungong Boracay." Sabi ni Papa. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan kami.

"Anong pangalan mo iho?" Tanong ni Mama.

"Dard po. Dard Paul Magat." Sagot naman ni Dard. Nabilaukan naman si Mama kaya agad syang binigyan ni Papa ng tubig. Anyare?

"D-dard?" Paguulit ni Mama. Tumango naman si Dard.

"Bakit Ma?" Tanong ko naman.

"Wala naman, na-nagtanong lang." Sabi ni Mama, tumango naman ako.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagprepare ng dadalhin ko sa boracay. Nagdala ako ng one-piece at hanging shirt.

"Oh tapos ka na din pala." Bunggad ni Dard. Liningon ko naman sya tsaka ako ngumiti.

"Asan sina Mama?" Tanong ko sakanya.

"Nasa damit nila." Pabalang na sagot nya.

"Gago, umayos ka dyan." Sabi ko naman. Natawa naman sya.

"Nakahanda ka na?" Tanong ko. Tumango naman sya. Hinila nya ko tsaka ako pinaupo sa legs nya.

"Ano na naman nakain mo at ang sweet sweet mo?" Tanong ko.

"Yung luto ng Mama mo, sarap e. Parang luto mo." Sabi nya naman. Napailing naman ako, bolero.

"Hay nako, tara na nga." Sabi ko tsaka binaba ang maleta ko. Dinala nya na din yung kanya at sumakay na kami sa kotse. Meeting place namin ay sa airport.

..

"Kyris!" Sigaw ni Nicsan. Halatang excited na excited na sya, naka move on na kaya sya? Wish this would help.

"Nics! Asan na yung tatlo? Nagpaganda pa ba?" Natatawang sabi ko.

"Sus, yung tatlo magpaganda? Nako! E kung tayo nga hindi kaya, sila pa kaya?" Sabi nya naman. Hahaha tama naman. And speakin of, nagsidatingan na yung tatlo kasama yung mga magulang nila at pati na rin yung mga isinama nila. Kasama pala si Klenn. Lol

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon