Chapter 7

10 0 1
                                    

Happy 9th Monthsary?

Iyak ng iyak si Ash ng dumating. Ano? Dalawang bigo sa pag ibig ang nasa 2A4 ngayon? Gaguhan naman ata ito.

"May babae kasing pumunta doon tapos sinabing may nabuo sa nangyare sakanila ni Chan." Pagke kwento ni Ashedd.

"What?!" Gulat na gulat na tanong ni Ysa.

I mean, seniors palang kami. Imposible namang nabuntis agad yung babae. Tsaka nangyare? It means di na virgin si Chan? KADIRI!!!

"Ganito kasi nangyare.. Nagtatawanan kami habang kumakain tapos biglang may yumakap kay Chan na babae habang umiiyak." Pagpatuloy nya sa kwento.

"Tapos?" Alalang alalang tanong ni Leyn.

"Tapos iyon, sinabi nyang may nabuo daw. Pati si Chan nagulat, di ko tuloy alam kung totoo o hindi. Basta ang ginawa ko nalang ay sinampal si Chan at sinuntok sa tiyan yung babae." Sabi ni Ash.

"Nahihibang ka na ba!? Tiyan pa talaga!? E may bata dun Ash!" Sigaw ko. Hindi naman sa dun ako kumakampi pero kasi, may bata yun.

"Hindi mo naman ako masisisi Kyris! Sige ikaw! Yung taong mahal mo nakabuntis at nagtaksil sayo! Tapos lakas loob pa nung babae nya ang lumapit sakanya habang andun ka! Ano!? Gaguhan!?" Sigaw naman ni Ash.

Naisip ko tuloy kung ganun din magawa ni Dard para magbreak kami. Aish, so what naman diba? Gumawa pa sila ng bago sa harap ko.

Ay laswa Kyris!

"Tapos akalain mo yun! Sakanya pa kumampi si Chan! Nakakahibang ah!" Sigaw nya ulit.

"E gago naman pala yang boyfriend mo Ash e." Sabi ko.

"Tamo, walang forever. Naghiwalay kami ni Lerv, sumunod yung kila Nics at sainyo naman." Sabi ni Leyn.

"Iba iba naman love story natin noh! Malay mo, magkabalikan pa pala kayo." Sabi naman ni Nics.

"Gago!" Sabi naman ni Leyn. Natawa naman ako, loko loko talaga ang mga ito.

"Ano ba naman tong nangyayare satin? Lahat nalang naghihiwalay, oh ano! Susunod kayo Kyr?" Tanong ni Ysa.

"Lul, kausapin mo sarili mo." Sabi ko naman tsaka nagdirty finger. Bumelat nalang sya.

"Tangina naman kasi Kyr, dapat pala di nalang ako nagbago. Dapat pala playgirl nalang ako katulad mo." Pagrereklamo niya.

"Tahan na Ash, walang maitutulong yang pagsisisi mo. Let him explain, wag mong gayahin si Leyn." Sabi ko naman.

"Aba rhyming yun ah!" Sigaw ni Ysa.

"Ulul!" Sabay sabay naming sabi. Napailing nalang ako.

"AAAAAASH!!" Napalingon kaming lahat sa may gate. Boses yun ni Chan ah.

"Papasukin natin?" Tanong ni Ysa. Tumango naman ako kahit na walang pahintulot mula kay Ash. Alam kong naman kasing iiling yan kahit na gustong gusto nyang malaman ang katotohanan.

"Bat mo naman papapasukin Kyr?" Tanong ni Ash. Ngumiti lang ako sakanya tsaka nya ako inirapan.

"Ash." Napatingin kami sa nagsabi noon. Agad syang tumakbo papunta kay Ash tsaka ito yinakap.

"Walang nangyare Ash." Sabi ni Chan.

"Wala?" Sarcastic na sabi ni Ash tsaka humiwalay sa yakap. "Hindi ako bingi para hindi marinig."

"Isang malaking pagkakamali lang yun Ash, wala saaming nangyare." Sabi ulit ni Chan.

"Sige nga! Explain!" Sigaw ni Ash at napatayo pa.

"Sa kakambal ko Ash. Kay Tan, sakanila may nangyare. Saamin wala." Sabi ni Chan Umiling naman si Ash.

"Give me time to think." Sabi ni Ash tsaka umakyat. Tiningnan ko naman sina Leyn tsaka ako sumunod. Sila na kumausap kay Chan.

Nasa harap na ako ng pintuan at kumatok. Narinig ko ang hikbi nya kaya pumasok nalang ako.

"Ash?" Bunggad ko.

Agad naman syang tumayo at yinakap ako.

"Ang tanga ko Kyr!" Sabi nya.

"Alam ko, alam ko." Sabi ko naman. Natawa naman sya kaya pinalo nya balikat ko.

"Eee seryoso nga, nakakahiya. Tangina, pinangunahan ko na kasi sya. Nakakahiya talaga, punyeta." Sabi nya uli.

"Oo, mabuti't alam mo. Tanga ka na, pahiya ka pa." Sabi ko tsaka kumawala sa yakap nya. Nagdeath glare naman siya sakin pero ngumiti rin.

"Tangna mo, realtalk daw e." Sabi nya naman tsaka naupo.

"Kausapin mo na, baka umalis na yun, sige ka." Sabi ko naman. Napalingon naman sya saakin tsaka tumayo at tumakbo palabas. Napabuntong hininga naman ako tsaka umiling. Gago yun ah, iniwan ako.

Sumunod naman ako at eksaktong pagkakabas ko sa kwarto ay nakita ko si Ash na yumakap kay Chan.

"Mahal kita, Chan. Happy 9th mothsary." Sabi nya habang nakayakap pa rin. Nagresponse na rin si Chan sa yakap tsaka hinalikan ang ulo nito.

"Hoy PDA! Mahiya naman kayo!" Awat ni Leyn. Napabitaw naman yung dalawa.

"Nabibitter si Leyn, di kasi nakinig ki Lerv." Pangiinsulto ni Ash tsaka naman si Leyn umirap. Iniharap uli ni Chan sakanya si Ash.

"Mahal na mahal din kita baboy 🐷" sambit ni Chan tsaka hinalikan si Ash sa noo.

Tangina lang, nakakabitter nga. Hahaha 😂😂

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon