Chapter 8

16 0 0
                                    

Intramurals

Wooh! Sigawan dito, sigawan doon. 2 weeks and 2 days na ang nakalipas simula ng mangyari yun kina Ash. August 19 ngayon at simula na ng intramurals dito. Nagsisimula na ang laban ng Juniors sa Seniors. 12-10 ang score at lamang ang juniors. 1st Quarter palang naman kaya may pag asa pa. Malayo kami sa bench ng Seniors kasi ayaw kong makita ko ni Dard. Haha joke lang, kasi hindi pwedeng lumapit.

"GO DARD!" Hiyaw ng mga babae dun sa may likod nina Dard. Lumingon naman sya dun at ewan ko kung anong ginawa nya pero halatang kinilig yung nasa gitna. Sya kaya si Kate?

"Aww hahaha selos si Kyr!" Pangiinsulto ni Leyn.

"Shattap." Sabi ko naman.

Naka 3 points ang Seniors at shoot ni Lerv. Napalingon naman ako kay Leyn. Ay! Nakabitter look. Hahaha

"Naka-chamba lang yan." Sabi nya tsaka umirap. Natawa naman ako kaya sinuntok nya ko sa balikat.

"Go 29!" Hiyaw uli ng mga babae. Napaface palm ako ng marealize na si Dard pala tinutukoy nila. Bat 29? Syempre, birthday ko muna. Hahaha!

"Go 02!" Sigaw naman ng mga katabi namin. Agad namang dumaan si Lerv sakanila. Napalingon uli ako kay Leyn, umirap sya.

"02 huh?" Natatawang tanong ko.

"Tigilan mo nga ko Kyr. Samahan mo nga ko Ysa, punta tayong canteen." Sabi nya tsaka kinalabit si Ysa. Natatawa naman si Ysa ng umalis sya. Napailing ako.

"Kyr, si Glenn ba yun?" Tanong ni Ash.

"Alin yung pinaka mababa sa samahan na yan? Oo." Sabi ko, natawa naman si Ash pati na si Nics.

"Lakas makapang insulto daw Kyr e." Sabi ni Nics. Agad naman akong tinulak nina Ash kaya napunta ako sa pinakaharap. Nagsilingunan lahat saakin dahil sa pagsigaw ko. Nanlaki naman mata ko. Napangiti si Dard tsaka inagaw ang bola sa kalaban tsaka nag 3 points. Hiyawan uli!

"Nakakuha na ng inspirasyon si Dard ah!" Sabi ng ,ay hawak nung mike. Napailing nalang ako at nakipagsiksikan uli para mapunta sa hulihan.

..

Last quarter. 76-76 na ang score. Nasa pinakahulihan pa rin ako. Time out muna. Napailing na ko dahil masyado nang intense ang laban.

And the game started again. Reyn have the ball and pass it towards Dard, hinarangan ng 11 sa juniors, pinasa kay Lerv, kinuha ni Jape and shoot by Evan. Half-court!

Bola sa juniors. Hinarangan ni Lerv, pinasa sa 31, hinarangan ni Jape, pinasa dun sa 15 hinarangan ni Dard and then-----

"TIMEOUT!" Sigaw ni Evan. Nataranta naman ako kaya nakipagsiksikan kaming tatlo papunta sa unahan. Nakita kong inalalayan ni Evan si Dard na makatayo.

Tatakbo na sana ako ng lumapit yung babaeng kanina pa hinhiyaw pangalan ni Dard. Sino ba sya?

"Ay! Naunahan." Sabi naman ni Leyn. Tiningnan ko sya tsaka inirapan. Dumating naman pala sila.

"Anong nangyare?" Tanong ni Ysa.

"Siguro na sprain si Dard." Sarcastic na sabi ni Ash.

"Wala kang balak puntahan?" Tanong naman ni Nics. Umiling ako.

"May andoon na, hindi naman pwedeng dalawa.." Sabi ko tsaka tumalikod. Naisipan ko munang tingnan sila. Sana pala hindi na 😒

Nakita ko yung babae na nakaluhod sa harap ni Magat habang si Magat ay umiinom. Andyan pa rin naman yung mga alipores sa tabi nung babae. Lumilinga linga naman si Jape at nang mahagip ako ng mata nya ay agad akong tumakbo papunta sa hulihan.

"KYRIS!" Sigaw ni Jape. Di ko sya tiningnan. Tatakbo na sana ako papunta sa labas ng court ng pigilan ako ni Leyn.

"Wag mong takasan." Sabi nya. Umiling naman ako kaya napatigil na ako.

"Puntahan mo, maawa ka sa tao." Sabi naman ni Ysa. Nakipagsiksikan naman ako papunta sa harap at tumakbo papunta kay Dard. Pinagpatuloy naman agad ang game.

"Okay ka na?" Tanong nung babae.

"Oo." Simpleng sagot ni Dard.

"Sa susunod kasi, mag iingat ka." Sabi naman nung babae habang naka ngiti. Kilig na kilig naman yung mga kasama nya.

Wow ha, hindi man lang nila ko nahalata. I mean, kami.

"Hindi ka niya nanay o kaya teacher. Andyan na yung nurse galing sa clinic kaya pwede ka nang tumabi." Sabi ko. Napalingon naman sila saken. Ngumti si Dard pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Tumayo naman yung babae tsaka tumabi dun sa mga kasama nya. Magsama sama sila.

"Uhh okay na naman 'to Dard e. Kailangan na lang ipagpahinga." Sabi nung nurse tsaka tumayo. "Magaling kang bata." Dagdag nung nurse tsaka lumingon dun sa babae. Ngumiti naman sya.

"Oh, pwede ka na daw mag apply na nurse." Sabi ko naman. Natawa naman yung apat. Liningon ko sila kaya natahimik naman agad.

Di agad nakasalita yung babae kaya naman umamo na ang tingin ko.

"Uhh, Kyr." Tanging nasabi ni Reyn.

"Tapos na ang laban?" Tanong ko naman. Tumango sila.

"Talo ang seniors." Sabi naman ni Lerv.

"Nagtanong?" Pambabara ni Leyn.

"Share ko lang." Sabi uli ni Lerv.

"Sinabi naming magshare ka?" Pambabara uli ni Leyn.

"Di sana di ka nakinig." Sabi naman ni Lerv.

"May tenga ako, wag kang bobo." Iritang sabi ni Leyn.

"Edi tanggalin mo." Pambabara naman ni Lerv.

"Kapag nagawa mo sayo, gagayahin ko." Sabi naman ni Leyn. Papatol pa sana si Lerv kaso nabara na e. Napailing nalang si Lerv. Kahit pala hindi na sila talo pa rin si Lerv.

"Matatalo naman talaga tayo e." Simpleng sabi ko tsaka umalis. Sumunod naman yung apat.

"Ang bait ah." Komento ni Nics. Tinaasan ko nalang sya ng kilay.

Sa ngayon, learn how to control your feelings Kyris.

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon