Chapter 4

13 0 0
                                    

Their Break Up

"Umalis ka! Sabi mo kung ayaw edi wag, bat bumalik ka pa!? Ha!?" Sigaw ni Leyn. May world war 4 na naman po kasing nagaganap. Uwian na, kasama ni Ash si Chan dahil may hinahanda silang program for the up coming Intramural this August. Kasama rin si Nics.

Kami naman ni Ysa ang natira dito kasama ni Leyn at inaagapan naman namin dahil baka magkapatayan na dito. Lol, si Dard? Nasa barkada niya, hayaan na.

"E bat ka ba kasi nakikisama sa kung sinong lakake!?" Sigaw naman ni Lerv pabalik.

"Hiya naman daw ako sayo! Di ka kasi nakisama kay Hershey!" Sigaw ni Leyn,

"Tama lang na sya kampihan ko nun noh! Kasi nagmakaawa ang tao pero pinagtabuyan mo lang!" Sigaw ni Lerv. Punyetang Hershey yun, patayin kaya namin yun.

"Oo, nagmakaawa sya! Nagmakaawa syang ibigay nalang kita sakanya! Oh!? Ayaw mo maniwala!? Sabagay kasi, dun ka lang naman kay Hershey kumakampi! E sino bang girlfriend mo!? Hindi ba ako!?" Halos mangiyak ngiyak na sigaw ni Leyn.

"Kasi sya ang tama! Ayaw ko namang kunsintihin ka kung mali ka na!"

"E punyeta naman pala Lerv e." Sa wakas, umamo din ang boses ni Leyn. "Di ka naman kasi naniniwala sakin. Ako nga yung agrabyado."

"Ikaw? Leyn, kayo ang palaging gumagawa ng kolokohan dito! Imposibleng hindi ikaw yung nauna!" Sigaw ni Lerv. At ayun, agad nang nahulog ang mga luha ni Leyn.

"Porket kami ang puno ng kalokohan kami na ang palaging mali? Punyeta naman Lerv, wala ka namang tiwala sakin e." Sabi ni Leyn. Napapikit naman ako.

"Tama na Leyn." Sita ni Ysa.

"Hindi, gusto kong malaman nitong lalakeng to na patay na patay sakanya ang Hershey na yun at kaya lang yun lumuhod sa harap ko kanina ng dahil sa nagmamakaawa syang ibigay ko nalang si Lerv sakanya." Matigas na sabi ni Leyn.

Tumalikod na si Leyn at pumasok sa kotse. Tiningnan namin si Lerv ngunit napailing nalang kami at sumakay na rin.

"You okay?" Tanong ni Ysa.

"Wag kang tanga, halata namang hindi diba?" Pambabara ko naman kay Ysa.

"Sorry na, tara na nga." Sabi ni Ysa tsaka pinaandar ang kotse. Habang nasa byahe kami ay umiiyak si Leyn at may oras na nagsasalita sya ng mag isa.

"Putang inang Asaytonong iyon, tandaan niya, sa susunod ako na mauuna." Sabi ni Leyn, napailing naman ako. May nadaanan kaming magsyota. Napaka clingy nung babae sa lakaki, tuwang tuwa naman yung guy. Agad na binuksan ni Leyn ang bintana at inilabas ang ulo nya.

"Maghihiwalay din kayo! Samin nga mangyayari na, sainyo pa kaya?!" Sigaw ni Leyn. Natawa naman ako ng onti at napailing.

Napasimangot naman yung babae at natawa yung lalaki. Pinigilan ko naman si Ysa magdrive at napatigil naman sya.

"Tatawa tawa ka dyan? Gusto mo break na tayo?" Tanong nung babae sa lalake. Natatawang umiling naman yung lalake.

"Hindi, ayaw ko. Sadyang natatawa lang ako dun sa babae, masyadong bitter. Haha." Sabi naman nung lakake. Nagulat naman kami nang biglang bumaba si Leyn sa kotse. Sinundan naman agad namin sya.

The Playgirl LoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon