Chapter 28

167 10 3
                                    

Eira

"Wake up. Hey, wake up." May naririnig akong malakas na bulong. Ay meron ba no'n? Haha! Medyo nagising na ako dahil sa kung sino man 'yung nag we-wake up. Pero ayoko pang gumising dahil pagod pa ako.

"Eira Michelle, I said wake up." Ulit niya. Kingina! Sino ba 'to? Bahala siya  sa buhay niya. Wait, teka nasaan ba ako?

Unti-unti kong inangat yung ulo ko. Hinintay ko munang luminaw paningin ko bago luminga. Una kong nakita puting walls na may kaunting disenyo.

"Hoy." Napalingin ako sa nag hoy sa'kin. Si Jimin? Eh? Bakit nandito 'to? Nasaan ako? Hala. Ay joke kade, naalala ko na. Nasa hospital ako. Kasama si Jimin. Tatanga tanga kasi mag maneho, nadisgrasya tuloy.

"Good morning." Nakangiting bati niya.

Ngumiti nalang ako ng kaunti sakaniya.

"I'm gutom na. Can you get me a pagkain? Please."

"Tange, nadisgrasya ka lang naging conyo ka na? Ayos ah." Irap ko sakaniya.

"Eh, sige na. Please. Gutom na ako, kawawa naman ABS ko mawawala." Pout niya. Ay iba ang epekto ng disgrasya. Eh 'no?

"Bahala ka sa ABS mo at sa buhay mo." Irap ko sakaniya at pumunta akong CR para maghilamos. Hindi pa pala ako nakaka uwi. Anong oras na ba?

Chineck ko 'yung phone ko at 8:38 am na. 10:30 pa next class ko. Uuwi nalang muna ako. Lumabas na akong CR after kong mag hilamos at mag mumog.

"Eira Michelle. Please." Sabi niya.

"Anong meron sa'yo at nag iinarte ka ngayon? Sino ba kasing nagsabing mag maneho ka ng lasing?" Taas kilay kong sabi sakanya.

"Eh, sorry na. Kuhanan mo na ako ng pagkain!" Inirapan ko nalang siya.

Taka kayo kung bakit ganiyan pakikitungo namin sa isa't isa? Hindi ko din alam. Nando'n padin yung part na masakit, pero I have to endure it para mawala na ng tuluyan. Yung tipong mamamanhid na sa sakit, hanggang sa wala na akong maramdaman pa. Tsaka wala namang mangyayari kung magmukmok ako sa harapan niya.

Pumunta na ako sa labas dahil may malapit na kainan do'n. Doon na ako bumili. Wala kasing lasa binibigay nilang pagkain sa hospital.

Pagkatapos umorder, umalis na ako at bumalik sa hospital para ibigay kay Jimin itong pagkain.

Pagdating ko sa room niya. May babae don. Nagulat ako.

Ah? Baka ito yung babae sa mall dati. Napa simangot nalang ako. Nagtatawanan sila. Yung mga ngiting binibigay ni Jimin saakin no'n binibigay niya sa babaeng kaharap niya ngayon.

Ang sakit din pala no? Makita mong masaya ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Halata naman kay Jimin na masaya siya. Siguro naka move-on na. Buti pa siya, kabilis. Ako hindi pa nga nag sisimula eh.

Nang medyo maramdaman na  ni Jimin yung presensya ko, tumingin siya sakin kaya napatingin din yung babaeng kausap niya.

Si Korene? Eh?

"Hi." Simpleng bati niya. Kumaway nalang ako at ngumiti.

"Anong binili mo?" Taning sakin ni Jimin.

"Pagkain malamang. Sayang nga eh, walang lason silang tinda." Nilapag ko na yung pagkain na binili ko sa table sa may tabi ng kama niya.

"Paano ako makaka kain?" Tanong niya sabay pakita ng kalagayan niya. Yung kaliwa niyang kamay may bandage. Napilay yan panigurado. Yung isa naman, doon nakakabit yunh swero niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ngumuya ka." Sabi ko.

"Ako na magpapakain s'yo, Jimin." Extra ni Korene. Haaay. Edi sige. Tang ina pala eh. Ay de joke lang. Bad mag mura. Hindi na ako magmumura kahit kailan. Promise 'yan.

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon