Chapter 32

151 7 2
                                    

{EDITED}

Eira


"Eira, makakalabas na daw ako bukas, sabi ng doktor." Sabi saakin ni Jimin. Nandito ako sa hospital ngayon. Babawi daw ako. Ang kapal talaga, tss. Natanggal na din kasi 'yung bandage niya sa paa, tsaka sa ulo. Naghilum na din naman na 'yung mga sugat niya. Ang kaso nga lang, 'yung left hand niya naka cast. Ayos na din 'yung right hand niya dahil hindi naman daw masyadong napuruhan. 

"Okay. Ano gusto mo gawin ko?" Napasimangot naman siya sa tanong ko. Aba, mas lalo naman ako. Kanina kung sigaw sigawan ako nito kanina akala mo naman napakalaki ng kasalanan ko sakaniya. Bwisit. Tama bang sigawan ako? Nanay at tatay ko hindi ako sinisigawan. Tapos isang manlolokong gago lang ang sisigaw sa'kin? Walang hustisya. 

"Ang sungit sungit mo sa'kin. Inaano ba kita?" Iritado niyang tanong sa'kin. 

"Wala. Manahimik ka, lalabas lang ako." Padabog akong lumabas ng kuwarto niya. Sinong hindi maiinis? Sisigawan niya ako. Tang ina masakit 'yon! Wala naman akong ginagawang masama. Kung maka kilos akala naman niya.. Ugh! 

"Bumalik ka dito." 

Isang text ang natanggap ko mula kay Jimin. Ayoko nga. Hindi ko nalang pinansin 'yung text niya at pumunta sa may garden ng hospital para naman may fresh air akong malanghap. Kahit alam kong polluted na 'tong Pinas. 

Naiinis talaga ako! Tapos 'yung magaling kong nanay next next week na dadating dito, kasama 'yung kapatid kong lalaki na ewan ko 'yung pangalan. Wala akong paki alam. Joke. Huhuhu. 

"Hindi ka talaga babalik sa loob?" Gulat akong napatingin sa nilalang na nagsalita sa likuran ko. May kasama pa siyang nurse na nag a-assist sakaniya. Tss. Akala ko ba okay na 'tong isang 'to? 

"Don't stare at me. Answer my question, Eira." Matigas niyang sabi. 

"Babalik ako. Mamaya na! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sakaniya pero umupo lang siya sa tabi ko na nakaupo sa bench. 

"Anong problema?" Tanong niya sa'kin. Tumingala siya sa kalangitan. Hindi masyadong mainit ngayon tsaka may net naman na naka cover sa ibabaw ng garden. 

"Wala." Simple kong sabi at tumingin sa kawalan. Para akong sasabog ngayon. Ewan ko ba. Inis na inis ako, at the same time nalulungkot. And, I don't know why. 

"You okay?" Tanong niya sa'kin at nilingon ako. Ramdam ko, kahit tulala ako. 

"Mmm." Tumango tango ako sakaniya. At nagbuntong hininga. 

"You're not okay. Come on. Tell it to me. I'll listen." Sabi niya at umayos ng upo. Umalis na din kanina 'yung nurse na ang assist sakaniya. 

"Pumasok ka na sa loob. Susunod na ako." Matamlay kong sabi. Hindi ayos pakiramdam ko. Ang lungkot na naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. At feeling ko talaga anytime sasabog 'tong nararamdaman ko. 

"No. Tell it to me first. At, sabay tayong babalik sa loob." Ma awtoridad na sabi niya. 

Napabuntong hininga nalang ako at hinilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.

"My mom's coming back this month." Sabi ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.

"You should be happy right?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi ko alam. Yes, I'm happy pero tang ina lang, umuwi siya para kunin ako at titira na kami do'n. Iniwan nila ako dito pagkatapos babalik nalang sila na parang walang nangyari. Edi sana, hindi nalang sila umuwi. Sana pala kinalimutan nalang nila ako. Hinintay ko sila para makasama ko sila, pero hindi 'yung gan'to. Ayoko umalis dito. Ayaw kong iwan ang buhay ko dito." Tumulo mga luha ko. Naiinis kasi talaga ako na nalulungkot. 

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon