Chapter 29

136 7 3
                                    


Eira


"Ang aga mo ata ngayon?" bungad ni Jimin sa'kin pagkapasok ko ng hospital. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa kagustuhan niya na mag stay dito sa hospital kasama siya. Mamaya ako pa magkasakit eh. Huhubels 'yon.

"Paki mo ba?" Taas kilay ko sakanya. 'Wag na 'wag niya akong pinepeste ngayon, at bwisit talaga yung bruhilda kong professor na bakla. Ang sarap sabunutan. Palibhasa kalbo eh, kaya hindi ko pwedeng sabubunutan.

"Ang sungit. May regla ka?" Natatawa niyang tanong. Aba gago 'to ah! 

"Bakit inggit ka? Bakla ka ata talaga eh. Hayup ka." 

"Hoy, Eira. Kung inis ka 'wag mo ibuhos sa'kin. Masyado akong gwapo para doon." Sabi niya at humalakhak. Ano nakakatawa do'n? Gago 'to ah. 

"Hi Jimin. Oh, Hi Eira." May sumingit bigla. Dejoke. May nagsalita bigla. Oh, Korene. Che. Bwisit.

"Hi Korene." Masayang bati ni Jimin. Ay, edi wow. Ubod ng landi talaga 'tong bonsai na 'to. HELLO?! NANDITO 'YUNG EX NA MAHAL PA YUNG EX NIYA. MAGING SENSITIVE NAMAN PO. Huhuhuhu! 

"Anong meron, Eira? Nakabusangot ka? Red days?" Tumawa ng mahina si Korene. Aba close ba kami neto? Kung maka Eira naman, akala mo kinaganda niya 'yon. 

"Don't mind her Korene, she's just in her red days." Tumawa nanaman si Jimin.

"Hoy! Bonsai, kanina ka pa tawa ng tawa. Ginawa mo na akong laughing stock! Mukha kang tanga. Bwisit." Pagmamaktol ko at pumasok ng CR. 

Umihi ako sa CR then. AY PUTA NUNG DALAWA MERON NGA AKO. LECHE NAMAN OH! WALA AKONG DALANG PADS. HINAYUPAK.

"So? Meron nga?" Bungad ni Jimin sa'kin.

"Che! Ang malas mo." Lukot padin ang mukha ko. Kasi naman! Bakit hindi ko naramdaman, aba sana pala gano'n din yung sakit na nararamdaman ko, nandiyan pero hindi ko mararamdaman. Kainis.

Humanap ako ng jacket ko at tinali ko ito sa bewang ko para matakpan yung stain. Duh. Alangan namang hindi ako bibili ng pads, hindi na uso pasador uy. Makaluma lang. Yucks. 

Pumunta na ako sa pharmacy sa baba ng hospital pero, naubus daw yung napkin nilang tinda. Jusmiyo marimar! Walang kwenta, pasabugin na 'yan. 

Naghanap pa ako ng malapit na pharmacy. Pero wala. 

Nakarating pa ako dito sa malayo, siguro mga 10 minutes walk papuntang hospital. Oha. Papayat na ako nito.

"Eira." Napalingon ako sa nagsalita. 

"Hehe. Who you?" Sarkastiko kong sambit sakaniya.

"I'm Jeon Jungkook, the one and only." 

"Edi wow! Kausapin mo ako kapag normal na size ng nose mo." Singhal ko sakaniya. 

"Eto naman akala mo kung sinong maganda. Maganda ka ba?" Asar niya. 

Aba naman, huh. OO.

"Oo, bakit angal ka?" 

"Ang sungit mo, may regla ka kaya ka nandito no?" 

"Anong konek? Ungas!" 

"Tara, kain tayo sa labas. Libre ko." Aya niya. Eh? Weh? Pero may mens ako. Pano 'yan? 

"Meron ako. Di pa ako nakakabihis pero, Call ako diyan." Sabi ko at nginitian siya. 

"Hatid na kita sa hospital and then I'll wait you nalang." Sabi niya. Umalis na kami agad sa pharmacy pagkabili ko ng hayup na napkin. 

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon