Chapter 34

161 6 2
                                    

"BE MY LADY~" Kanta ng kasama ko. Nababaliw nanaman.  Buti sana kung gwapo siya eh, 'no? Ang kapal lang ng mukha. Kay liit liit naman. Pati mata, maliit.

"Magsalita ka naman, Eira. Parang wala akong kasama dito ah." Nag pout siya pagkasabi niya niyan.

Hindi ko din alam kung bakit magkasama kami. Ginagayuma ata ako nito eh. Ang ganda ko talaga.

"Sabi ko magsalita, hindi ngumisi." Tinignan ko siya ng masama dahil sa tono ng boses niya. Para siyang batang nag papaturo ng assignment na nagagalita sa magulang. 'Yung tipong siya na nga lang magpapaturo, siya pa magagalit. Gano'n hitsura niya ngayon.

"Wala ka bang klase? Ako pinepeste mo eh! Chupi ka na nga." Kami lang magkasama ngayon. Si Drexel hindi na sumama. Last day na ng foundation namin ngayon. Si Claire naman, malay ko kung nasaan. Nakita ko naman siya kanina kasama si Trigg. Lecheng Trigg masyadong na career ang pagsulpot sa buhay namin ni Claire.

"Paano ako magkakaroon ng klase eh foundation ngayon. Eira nag iisip ka ba?" Pang aasar niya sa'kin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

"Kataray taray mo." Ngumuso ulit siya.

"Wala ka ng paki alam, Jimin. Mind your own business." Pairap kong sagot sakaniya.

"Tulad nga ng sinabi ko, you are my business. My OWN business." He said emphasizing the word OWN. Tss. As if he owns me.

"Epalism ka naman." Sabi ko.

"Epalis- what?" Natatawang tanong niya saakin.

"The word epalism is just for fab persons only. Hindi ka fab kaya hindi mo maiibigkas iyon." I crossed my arms. Jusko makapapelo! Ang hirap pakisamahan ng bonsai na 'to.

Nasa field kami ngayon. Nakatambay. I tried to call Claire para samahan ako dito sa field pero hindi niya sinasagot 'yung tawag. Ring lang ng ring. Ano kaya problema nito?

Habang sinusubukan ko siyang tawagan nakaramdama ako ng kamay sa bewang ko.

"Jimin! What the fuck are you doing?" Singhal ko sakaniya.

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. So bale para siyang naka back hug saakin.

"I'm hugging my forever." Salita niya. Medyo nakiliti ako dahil nakasiksik siya sa leeg ko tapos ramdam ko pa 'yung init ng hininga niya sa leeg ko.

Sinipat ko 'yung kamay niya at pinagalitan siya.

"Ang dami daming tao Jimin. Umayos ka nga." Nilingon ko siya pero wrong move dahil sakto ding itinaas niya ulo niya.

Damn! He's too close.

"Loving the view?" Pang aasar niya at nginisian ako.

Inirapan ko nalang siya at ibinalik ang tingin ko sa harapan ko. Pilit kong tinatanggal kamay niya sa bewang ko pero ayaw pumalag. Gago naman nito!

"Jimin. ISA!" Pagbabanta ko sakaniya.

"'Yung iba nga nag lalaplapan sa paligid hindi naman nasisita." Siniksik niya ulit ang kaniyang mukha sa leeg ko.

"Jimin ano ba?!" Naiinis kong sambit sa pangalan niya pero hindi niya ito pinansin.

"I never knew you smell like this Eira." Sabi niya.

Sinabi niya rin ito nung nagpunta ako sa condo niya. Mga panahong-- NVM.

"Shut up, Jimin. Let me go." Sabi ko at kinakalas ko padin 'yung kamay niya sa bewang ko.

Tumawa naman siya ng mahina at kumalas na sa pagkakayakap saakin.

Suminghot siya, "Ang bango mo." Sabi pa niya.

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon