Chapter 21

186 6 0
                                    

Eira's POV

"Eira."

Kanina pa 'tong Claire na 'to. Nakakainis ha! Hindi na nga pinapansin eh. Putang---

"Hindi ka ba talaga titigil?" matabang tanong ko.

Umiling siya ng marahas, mukhang tanga. Inikutan ko nalang siya ng mata. Ang kulit, tinalo ang bata. Pwe.

"Sagutin mo na kasi 'yung tanong ko." yugyog niya sa'kin. Jusko, kung wala lang kami sa canteen ngayon nasapak ko na 'to.

"Ano ba? 'wag pilitin ang ayaw. Nakakainis ka na ha, isusupalpal ko sa'yo 'tong plato kapag 'di ka nanahimik."

Pero kahit anong banta ko sakaniya, ayaw tumigil. "Ano ba kasing pinag awayan niyo?" bulaslas niya. UGH! Napaka kulit.

OO. Nag-away kami nung pangit na maliit na bonsai na 'yon. Napaka seloso. Ang babaw ng rason niya para awayin ako. Nyeta.

Gan'to kasi 'yan. Katamad mag explain. Basta nag-away kami dahil sa isang text. Diba? NAPAKABABAW. Hindi ko na nga ni reply-an yung text ni Taehyung eh. Pinagalitan pa ako. Well hindi naman kami nag-away, siya lang yung ngawa ng ngawa. Tapos nag walk out siya. Malay ko sa bonsai na 'yon.

"Wala ka na do'n!" singhal ko kay Claire at itinuloy ang pagkain. Gutom ako pero 'di ko makakain. Lecheng bonsai oo.

Hindi ako kinakausap. Hindi rin pumasok. Gano'n ba kalaki kasalanan ko eh hindi ko naman ni reply-an yung text nung alien na 'yon. Jusko, what is happening on planet earth.

Pagkatapos kong kumain naglakad-lakad lang kami ni Claire. Ako lang naman kumain sa'ming dalawa. Diet daw siya. Sapakin ko 'tong panget na 'to eh.

Pagkalipas ng ilang sandali, pumasok na kami sa next class.

Walang nagyari nakinig lang ako numamati ka.

'pag ka dismiss lumabas na agad ako, mag papaiwan daw muna si Claire. Manlalandi nanaman 'yon. Juskong bata.

Sumakay agad akong taxi pag labas ko ng school pagod ako kahit hindi.

Pag pasok ko ng bahay nadatnan ko si Jimin na naka-suit na may suot na eye glasses. San galing ang isang 'to?

"Saan ka galing?" tanong ko.

Niyakap niya muna ako bago sumagot. Eh?

"Sa kumpanya ng daddy ko." sabi niya pero 'di padin bumibitaw sa'kin.

"Sorry sa kagabi." bulong niya.

Niyakap ko nalang siya pabalik tsaka tumango. Wala din namang mangyayari sa'min kapag hindi ko siya patawarin. Mas lalo lang lalaki 'yung away.

"Labas tayo."

Aniya at humarap sa'kin. Inukutan ko siya ng mata.

"Nang nakaganiyan ka? Nag-iisip ka ba?" pagtataray ko.

"Okay lang 'yan. Pogi naman ako." sabi niya at humagikgik.

Tinignan ko siya ng may halong pandidiri.

Pero dahil dakilang pakyut 'tong bonsai na 'to, pumayag nalang ako.

Nagpaalam na kami kay Manang Beth bago umalis.

Habang nasa mall kami, malamang nakatingin mga tao sakaniya. Naka suit ba naman tapos ako naka jeans lang at simpleng blouse tapos sneakers. Nagmumukha akong yaya neto eh. Kundi lang siya sa laylayan ng shirt ko. Para hindi daw PDA. Heh, buti naman.

"Saan mo gusto ko kumain?"

Nilingon niya ako tsaka niya dininilaan yung labi niya at kinagat sandali ang mga labi.

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon