Chapter 17

169 10 1
                                    

Eira's POV

Tatlong araw na magsimula nung huli kong nakita si Jimin. Lagi siyang absent sa mga klaseng classmate ko siya. Hindi lang ako sanay. Pero nakikita ko naman siya, I guess nag c-cutting 'yon.

"Jusko naman Eira, kanina pa ako nag sasalita dito. Sayang na ang aking precious laway, hindi ka padin namamansin!" Sabi ni Claire. Kasama ko pala siya ngayon, kasi wala naman akong ibang makasama, si Taehyung, hindi ko na nakikita, matagal na nung huli ko siyang nakita, nung nag pr-propose siya sa'kin sa ball pero hindi ko siya sinagot. 'Yon yung huli kong siyang nakita at nakausap.

"Sorry, may iniisip lang ako." sabi ko ng mahina.

"Si Jimin ba?" tanong niya. Etong si Claire akala mo kung maka tanong pulis. Pero tama naman siya. I'm thinking about Jimin. Umiwas lang ako ng tingin sakaniya.

"See Ei, alam kong alam mong may nararamdaman ka na sakaniya, bakit hindi mo sabihin sakaniya. Parehas naman kayo ng nararamdaman. Ayaw mo non, para happy" sabi niya at umirap sa'kin.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon Claire, tsaka...." sabi ko, hindi ko alam kung itutuloy ko ba sasabihin ko.

"Tsaka ano? Hindi ka sure sa nararamdaman mo? You're confuse right?" tanong niya. bakit ba lahat alam neto? Jusko mukha siyang detective. Umiwas lang ulit ako ng tingin.

"Eira, friendly advice lang ha? Hanggang maaga pa, aminin mo na yung nararamdaman niya, tutal, ilang beses na niyang inamin sa'yo na mahal ka niya, bakit ka pa mag h-hesitate confuse ka nga ngayon pero at least kapag inamin mo sakaniya masisiyahan siya at unti-unti mo ding ma r-realize na mahal mo din siya. At least hindi ka nag sisi kaysa naman sa tinago mo yang feelings mo, sumuko na siya sa'yo at hirap kang mag move-on." mahabang sabi niya. Well may point siya pero hindi pa talaga ako sure sa nararamdaman ko.

"What if infatuation lang nararamdaman ko sakaniya?"

"Well, I can't judge your feelings Ei, pero sana kung marealize mo na yung tunay mong nararamdaman, sabihin mo sakaniya para hindi ka mag sisi sa huli." sabi niya at ngumiti. Tumango lang ako kay Claire at ngumit.

"Sige, I'll go ahead, malapit na mag start next class ko. Bye." sabi niya at tuluyan ng umalis.

Nagbuntong hininga na lang ako. Si Jimin kasi. ahu! Nakakainis! Para tuloy ang lungkot nang araw ko ngayon. Ugh Jimin!

Naglakad lakad lang tutal mamayang 3:00 pa next class ko at 1:12 pa lang, katamd namang umuwi kaya nag stay na ako dito sa school.

Habang naglalakad ako nakita ko si Jimin sa di kalayuan. Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan siya, to be honest namiss ko presence niya. I don't know why.

"Jimin!" sigaw ko habang lumalakad ako papalapit sakaniya. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay. tang ina ang sungit naman neto.

"What?" sabi niya. He stared at me blankly. Uhh?

"Hm, bakit absent ka ng three days?" tanong ko. I know my question is stupid, pero alangan namang sabihin kong 'wala lang namiss lang kasi kita' duh??

"Is it my obligation to tell you why am I absent? Nanay ba kita? Girlfriend ba kita?" tanong niya ganon padin yung tingin niya. What the fuck?! Nagtatanong lang ako, kung ano-ano na ang sinabi niya.

"What? I'm just asking, masam na ba mag tanong sa isang Park Jimin ngayon?" tanong ko. Kainis. Nagtatanong lang naman ako. Well kung sabagay, tama siya hindi niya ako nanay at mas lalong hindi niya ako girlfriend.

I rolled my eyes.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo?" My god! This guy is getting on my nerves! Napairap nalang ako.

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon