Chapter 30

145 7 3
                                    

Eira

"Eira naman, mahahawa na ako sa virus mo eh! 'Wag ka namang bumahing sa harapan ko." Naiiyak na sabi ni Claire. Huhubels. Dapat kasi hindi ko lumabas kagabi eh, nalamigan tuloy ako. After nung sinabi ni Jimin, lumabas ako tapos late na ako bumalik. Madaling araw na. Nasa labas lang ako no'n nag mumuni muni.

"Naka mask na ako, 'wag kang nag iinarte diyan." Inirapan ko siya. Jusko, mukha akong may cancer dito eh. Nasa school cafeteria kami ngayon. Kumakain siya ng fries, ako ayaw ko kumain. Wala akong malasahan. Sayang lang, tsaka diet ako.

"Eh nakaka bother 'yang bahing mo eh." Sambit niya. Ang arte arte neto kahit kailan.

"Aalis na garod ako. Okay lang?" Tanong ko, para kasing tinataboy niya na ako eh. Masakit kaya. Lol.

"Ganiyan naman eh, mang-iiwan." Padabog siyang kumain ng fries. OA neto.

"Dejoke lang." Bawi ko. Mamaya magtampo 'to, mahirap na. Mawalan pa ako ng kaibigan. Sina Jungkook at Taehyung naman mushrooms, bigla bigla nalang magpapakita kung saan.

"Guess who." Biglang may nagtakip na mata ko. Halatang iniba 'yung boses para hindi ko makilala. Sino ba 'to?

"Siret na." Walang gana kong sabi.

"KJ." Rinig kong bulong niya. Inalis na niya kamay niya sa mata ko at umupo sa tabi ko.

"Ang laki padin ng ilong mo." Inirapan ko si Jungkook. Kailan ba kasi 'to babalik ng Italy? At bakit itong unibersidad na 'to kung sino sino pinapapasok?

"Nagnamaganda ka nanaman." Binatukan niya ako. Leche ha! Masakit. Ukitnana.

Nabahing  muna ako makapagsalita.

"Kailan ka--" Naputol sasabihin ko dahil sa leche kong bahing. Huhu.

"Babalik ng Ita--" Ayan nanaman! Punyeta ha! Ayoko na.

"Italy." Bumahing nanaman ako. Leche! Punyeta de amor! Ayoko na magka ilong! Bwisit na sipon 'to!

"Ano? Paki ulit." Kunot noo niyang tanong.

"Kailan daw balik mong Italy." Si Claire na nagsalita para sa'kin. Oha. Buti na intindihan niya. Salamat naman.

"Hindi ko pa alam. Basta bago pasukan. Matagal pa naman." Sabi niya at sinandal niya braso niya sa lamesa.

"Sabi mo dati--" Tangina ha.

"After 2 mon--" Deputa ayaw ko na. Bahing na ako ng bahing. Kawawa naman ako. Huhuhu!

"Nag gamot ka na ba?" Tanong ni Jungkook sa'kin. Teka lang, masyadong mahaba 'yung Jungkook. 'Yung Kookie naman. Ang kyeme. Ayaw ko no'n. Ano maganda itawag sa ilong na 'to? Kooks nalang! Hahahah!

"Hoy Eira. Ano ngiti-ngiti mo diyan? Mukha  kang gago." Sabi ni Eira sa'kin habang ngununguya ng fries.

"Pa'no mo alam, naka mask ako?" 'Di makapaniwala kong tanong.

"Halata sa mata mo. Gaga!" Sabi niya. At kumain ulit ng fries. Takaw neto.

"Eira Michelle." Tawag sa'kin ni Kooks. Hahahaha! Ang pangit talaga.

"Oh, bakit--" Nabahing nanaman ko. Ay putang ina naman.

"Uminom ka ba ng gamot?" Uuyy, concern citizen si manong! Joke.

"Ayoko, malaki. Baka 'di ko malunok." Sabi ko. Totoo naman. Kalaki laki ng capsul na gamot.

"Anong oras na Ei?" Tanong sa'kin ni Claire. Uy, magka rhyme! Hahahaha. Meant to be kami. Lol

"9:07." Simple kong sagot.

"Shit late na ako. Bye. See you mamaya." Tumakbo na siya  paalis ng cafeteria. Late na daw kasi siya. Friday ngayon kaya hindi kami mag ka schedule. Gulo ng schedule ko 'no? Wala kayong pake!

His Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon