Chapter 10

141 6 0
                                    

It's official

Halos lahat ng tao sa school ay alam na kami ng dalawa ni Nathaniel. Wala kaming ikinahihiya dun dahil alam naming tanggap ng mga magulang namin ang relasyon namin at mahal namin ang isa't isa. Nagsimula na ang klase namin ngayon at habang nagkaklase kami ay biglang pumasok ang principal namin.

"Goodmorning students! Meron kayong bagong classmate ngayon. His name is Andrei Bautista." Sabi ng principal namin.
"Like wtf. Ang cute nya! Sigaw ng mga classmate ko.
"Shhhh! Class! Be quiet!" Sabi ni Ms. Cruz
Tumahimik naman sila at pumasok na si Andrei sa classroom. Umupo sya sa isang bakanteng upuan sa harapan at halatang kinikilig ang katabi nya. Hayyys. Pogi talaga ng best friend ko bulong ko sa sarili ko habang natatawa tawa.
Natapos ang klase namin at Pinuntahan ako kaagad ni Nathaniel sa pwesto ko
"Baby, sabay na tayong kumain" sabi ni Nathaniel
"Bakit? Lilibre mo ba ako?" Tanong ko sakanya na natatawa tawa
"Oo naman! Kaya halika na!" Sabi nya.
"Hayyy! Cgeh na nga!" Sabi ko.
Kumakain kami habang nagkukwentuhan kaya hindi namin na malayan ang oras at tapos na ang lunch break namin.
Habang nagkaklase kami ay hindi ko maiwasan ang pagtingin kay Nathaniel dahil nilalandi sya ng isa sa mga clasamate namin. Gusto kong manakit na ewan pero kailangan kong pigilan dahil baka maoffice ako at hindi makagraduate. Ganun naman diba tayong mga babae? Kapag nakikita nating nilalandi na ng iba ang sa atin gusto na nating saktan sila para lang itigil na nila ang pagiging malandi, okay lang kase sana kung yung iba na lang eh, bakit pa kase yung taken pa yung gusto nila? Grabe ang tindi nila. Hayss! Tiniis ko ang galit ko maghapon at Kinuwento ko kay Maria at Andrei ang inis ko. Tawa naman sila ng tawa dahil para daw akong baliw na dahil lang dun ay nagagalit ako. Bigla ko nalang silang iniwang dalawa at pumunta ako sa isang place sa school na gustong gusto kong puntahan dahil tahimik dito at higit sa lahat ay nakakapagisip ako ng maayos dito. Bigla namang may kumalabit sa akin at muntik na akong mahulog pero nasalo nya ako.
" Ano kaba? Bakit ka nandito?" Sabi ko kay Nathaniel
"Sinusundan kita. Bakit kaba nagagalit?" Tanong nya.
"Wala. None of your business" sabi ko sakanya
"Luhhh. Daming alam. Ano nga? Tungkol saan?" Tanong nya.
"Ikaw kase eh. Nakikipaglandian ka dun sa seatmate mo!" Sabi ko
"Dahil lang dun?" Sabi nya
"Lang? Hindi lang yun lang ahhh. May girlfriend ka tapos nakikipaglandian kapa dun." Sabi ko
"Sorry na baby! I'll do everything mapatawad mo lang ako" sabi nya.
"Everything?" Sabi ko
"Yes baby. Everything" sabi nya
"Don't talk to your seatmate until next week.
"What?!" Sabi nya
"Oh edi wag! Bahala ka dyan!" Sabi ko sakanya
"Joke lang baby! Di ka naman mabiro. I'll do it!" Sabi nya
"Okay. I'll go ahead. May meeting pa kami nila Angelo." Sabi ko
"Cgeh baby! Ingat ka!" Sabi nya
"Bye" sabi ko sabay hug sakanya.

Natapos ang mga gawain ko for this day. Hinatid ako ni Nathaniel sa bahay namin pero bago nya ako hinatid ay kumain muna kami at nagbonding. Pagkatapos ay umuwi na kami at hinatid nya na ako sa bahay namin. Hayyys! Hindi ako makapaniwala na lahat ginagawa saakin ni Nathaniel. Sana hindi na sya magbago. Sana ganyan nalang sya ka sweet at kabait lagi. At sana hindi nya ako magawang iwan sa ere at ipagpalit ako sa iba. Alam kong mahal nya ako,pero sa tingin ko hindi lang sapat na mahal mo ang isang tao para hindi mo sya iwan dahil baka pagkagising mo isang araw, mararamdaman mo na hindi mo na pala sya mahal at iiwan mo nalang sya basta basta.
Sana hindi sya ganun.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon