Chapter 3

249 9 0
                                    

The First day of Ligawan

Hindi ako makapaniwala na tinanong ako ni Nathaniel ng ganung bagay. Hayssss! Nakakakilig naman habang binabalikan ko yung mga nangyari kahapon, Sana naman forever na'to.
"Bestie, Kelan mo ba balak sagutin si Nathaniel?" tanong sakin ni Maria habang kinokopya namin yung lecture na pinakokopya ni Ms. Buenavista
"Sa right time" sabi ko sabay smile sakanya
"Huh? Kelan naman bestie yung right time?" sabi ni Maria
"Basta" sabi ko sabay kopya sa white board
-------

Lunch na at maraming tao sa Cafeteria at puno na ang mga tables, kaya sa Classroom nalang namin kami kumain. Humiwalay muna ako kay Maria para makapag isip-isip para sa gagawin ng group namin para sa performace namin, Hindi ko pala nasabi sainyo na meron kaming performance para sa Student Council at Ang masaklap magkalaban kami ni Maria sa position for Vice President. Nagulat ako nung biglang may tumabi sakin at ginulat pako, si Nathaniel pala yun na may dalang chocolates at isang red rose.
"Oh? para san yan?" sabi ko
"Para Sa'yo, Diba nanliligaw nako?" sabi ni Nathaniel
"Awww! Thank you" sabi ko
"Bakit parang tulala ka dyan habang kumakain?" sabi ni Nathaniel
"Ahhh! Ehhh kase inaalala ko yung sa Student Council, Diba magkalaban kami dun ni Maria? tsaka ako din na assign sa performace e" sabi ko
"Ahhh! Siguro naman okay lang yun sakanya, Pwede naman kayong sumayaw nalang tsaka pakantahin nyo nalang si James habang nagguiguitara" sabi ni Nathaniel
"Sana nga, ayoko pa namang mag away kami kapag isa samin nanalo, Ayy! pwede nga noh, thank you sa advice" sabi ko sabay ngiti kay Nathaniel
"Pwede bang mamaya ihatid kita sa bahay nyo?"tanong ni Nathaniel
"Tingnan ko pa, kaso pano si Manong?" sabi ko
"Sabihin mo nalang na kasabay nalang kita" sabi ni Nathaniel
"Osige" sabi ko tas sabay na kaming pumunta sa Cafeteria para ibalik yung mga plates na ginamit namin. Nagseparate ways nadin kami ni Nathaniel dahil tinawag ako ni Maria at tinawag na din si Nathaniel nang mga kaibigan nya.
"Bestie, Kaya pala ayaw mo kong kasama, Si Nathaniel pala yung gusto mo!"sabi ni Maria na mukang nagseselos
"Bestie, ano kaba tinabihan lang naman ako nung tao e tas nagkwentuhan lang kami" sabi ko sakanya
"Osige na nga bestie! Basta libre moko mamayang uwian ahhh!" sabi ni Maria na tuwang tuwa
"Hay nako! Cgeh na nga!" sabi ko.
Pagkatapos naming mag-usap, dumiretso na kami sa Classroom namin para kumuha na ng mga gamit namin sa locker dahil malapit ng matapos yung lunch break namin.

Dumating na si Mr.Santos para umpisahan na ang Home Economics subject namin.
Natapos na ang classes namin for this day and katulad nga nung sinabi sakin ni Nathaniel hinatid nya ako sa bahay namin at sakto naman na kadarating lang din nila Mommy at Daddy galing sa business trip nila. Binati nila si Nathaniel at niyayang magmeryenda muna sa bahay. Magkakilala ang mga parents ko at si Nathaniel dahil isa sa mga business nila Mommy at Daddy ay kanegosyo nila ang parents ni Nathaniel. Umayaw si Nathaniel at pinilit naman ito nila mommy at daddy kaya pumayag naman sya agad. Nag meryenda lang si Nathaniel at umalis na din agad dahil may kailangan pa daw syang gawin. Pero bago sya umalis ay sinabi nya na kela Mommy at Daddy na nanliligaw na daw sya sakin  at hihintayin nya daw ang desisyon ko. Pumayag naman sila Mommy at Daddy sa sinabi ni Nathaniel. Hinatid ko na si Nathaniel sa gate namin at pagbalik ko sa loob ng bahay ay inasar nako nila Mommy at Daddy tungkol kay Nathaniel.

Gabi narin at Tapos ko nang gawin yung mga homeworks ko kaya nagtwitter muna ako at nakita ko yung mga tweets ni Maria na parang may kaaway at kung ano ano yung mga pinagsasabi nya. NagDM ako sakanya.
"Maria, okay ka lang? Sino bang kaaway mo?" sabi ko sakanya
" Wala. Okay lang ako, Don't talk to me right now okay? I need some space" sabi ni Maria
"Okay sabihin mo lang kung kailangan moko" sabi ko sakanya
Nagaalala ako sa bestfriend ko at kung ano ano yung mga pinagtetweet nya na parang may pinariringgan sya.
Isa na dito ang tweet nya na "Bakit ganun, Bakit mas mahal nya talaga yung kaibigan mo kesa sayo!"
"Bakit kailangan maging sikreto pa ang lahat?"
"Bakit kailangang patago kami magkita?"
"Is it better to forget our friendship?"
Sino naman kaya yung pinariringgan dito ni Maria? Ako kaya? Imposible naman.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon