Chapter 13

116 7 0
                                    

The Karma.

Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos kong malaman Ang katotohanan tungkol kay Nathaniel at Maria. Halos hindi ako makapagfocus kapag nasa classroom ako at iyak ako ng iyak habang nagdedescuss ang teacher namin. Nakikita nilang dalawa kung pano ako nagluluksa dahil sa ginawa nilang kabastusan sakin. Ni hindi man lang sila humingi ng tawad sa mga pinaggagawa nila.

Isang araw ay nakapagisip isip ako at napagtanto ko na kung iiyak lang ako ng iiyak ay walang mangyayari saakin at mas lalo pa akong magiging miserable dahil alam ko naman na ngayon na kahit umiyak ako ng umiyak hindi na sya babalik sakin at hindi ko na dapat sya iyakan dahil hindi sya kawalan sakin dahil madami pa namang mas deserving sa pagmamahal ko. Dapat maging mas matatag pa ako ngayon lalo na naalaman ko na hindi muna ako dapat nagtitiwala basta kung kani-kanino kahit na matagal mo na syang kakilala.
Kinabukasan ay nakita ko si Maria at ang mommy nya na kausap ang adviser namin. Late na akong dumating sa classroom dahil may inutos pa saakin si Angelo na additional sa program namin. Kinuwento saakin ni Andrei ang lahat ng pangyayari. Nabuntis daw ni Nathaniel si Maria at nalaman ito ng buong campus kaya pinapa kick out silang dalawa. Nagmamakaawa naman daw ang mommy ni Maria dahil finals na daw. Hayyy! Karma naman oh! Nakita ko ang muka ni Tita Lisa na iyak ng iyak at mukang nakakaawa naman sila. Ayaw kasing pagbigyan ng school ng konsidirasyon  sila dahil isa daw ang school namin sa nga tinitingalang school kaya ayaw nilang mabahiran daw to ng ganung bagay kaya as soon as possible paalisin na sila dito sa school. Kilala ko si Nathaniel at madami ding nakakakilala sakanya at sa pamilya nya kaya siguro pag nalaman nila tito at tita ang nangyari sakanya ay baka papuntahin sya sa London at dun na mag aral. Kawawa naman si Maria dahil maiiwanan sya ng lalaking magiging ama ng batang nasa tiyan nya. Hayyy! Mapatawad sana sila ni God sa mga pinaggagawa nila.

Pagkatapos ng school namin ay pumunta kami ni Andrei sa isang mall na malapit lang dito at nagpahinga muna. Naglaro kami sa arcade at Nanonood ng movie. Papauwi na kami ng biglang nakita namin si Nathaniel na papalapit sa aming dalawa. Lumapit sya saamin at kinausap ako.

"Pre, wag muna ngayon!" sabi ni Andrei
"Pre, kailangan lang naming magusap" sbi ni Nathaniel
"Cgeh Drei ako na muna bahala dito, hintayin mo lang ako dyan" sabi ko skanya
"I'm sorry Sophia! I didn't meant sa nagawa ko!" sabi nya sbay luhod sa harap ko
" The Fvck! Tumayo ka nga dyan! Hindi ako banal para luhuran moko! Tsaka ano yung narinig ko? Nagsosorry ka? Aba! Sa mga pinagsamahan natin, ngayon nalang ulit kita narinig magsorry. I don't need your sorry. Goodbye" sabi ko skanya sabay alis at hila kay Andrei, hindi kona hinintay yung sasabihin nya kase baka mainis nya pa ako.
Hayyyy! Hindi na nila ako kilala ngayon. Sabi nga nila "Sinaktan mo eh, Kaya nagbago". I've changed already, hindi na ako ngayon uto uto sa mga pinagsasasabi ng mga lalaking mahilig manloko at mambola. Hayyy! Bahala na si Karma sa kanila. Goodluck to both of you! Wish you both all the best!

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon