Chapter 4

169 11 2
                                    

The Curiousity of mine

Maaga akong nagising dahil hindi parin ako mapakali sa mga nabasa kong tweets ni Maria kagabi. Sino kaya yun? Siguro naman may kaaway lang sya at binubuntong nya lang yung mga galit nya sa twitter kaya ganun, Pero sana maging okay na sya at kausapin nya na ko. Nagbihis nako at nagpahatid agad kay Manong pagkatapos kong magbreakfast.
Maaga akong dumating sa classroom namin, Binaba ko muna yung mga gamit ko tsaka naglocker dahil magmemeeting pa kami para sa Campaign namin, Nakita ko rin ang bag ni Maria na nandun na pero wala sya dun at siguro ay nagsisimula na silang magmeeting nung mga kapartido nya. Natapos kaming magmeeting at inumpisahan narin namin ang kampanya sa araw na yon, halos maghapon ay hindi kami nagkakasalubong ni Maria, Sa tuwing magtatanong naman ako sa mga kapartido nya ay hindi din nila alam kung nasan si Maria.
Papauwi na ako at bago ako umuwi ay hinanap ko muna si Maria dahil nagaalala nako sakanya maghapon at hindi kami nagkikita o nagkakausap.
Sa wakas, nakit ko na si Maria na nasa isang classroom at umiiyak, Pinuntahan ko sya at Tinanong.
"Ano ba kasing problema mo? Bakit ba ayaw mong sabihin sakin? Nandito naman ako eh! Tutulungan kita." sabi ko sakanya.
"Eh! pano kase si Tina namatay na" sabi nya sakin habang iyak sya ng iyak  at bigla nya akong niyakap.
For information po. Si Tina ay ang alagang aso ni Maria na bigay pa sakanya nung Mommy nya bago sya iwan at pumunta sa ibang bansa para magtrabaho.
"Okay lang yan besitie kakayanin mo 'to ikaw pa! tsaka for sure nandito lang si Tina para sayo, may guardian angel kana na magbabantay sayo" sabi ko sakanya.
Pagkatapos nyang tumahan ay umuwi na kaming sabay at pumunta muna kami sa mall para makapag relax at kahit papano ay makalimutan ni Maria ang pagkamatay ni Tina, Papauwi na kami at hinatid ko muna si Maria sa bahay nila dahil pinauna na nya yung driver nya. Pero sa diko inaasahang pagkakataon, nakita ko si Nathaniel na nasa harap ng gate nila Maria.
"Oh? Anong ginagawa mo dito Nathaniel?" sabi ko na mukang nagulat din sya sa pagbaba ko ng sasakyan
"Ahhhh, Ehhhh, may nakalimutan kasi si Maria na book e! dinala ko lang kase sakin pinabibigay ni Charles" sabi ni Nathaniel na mukang namumutla
"Ahhhh! Osige alis na muna ako, inaantay nako nila Mommy at Daddy sa bahay e!" sabi ko sakanila habang si Maria ay parang natulala.
"Cgeh bestie ingat ka ahhh!" sabi ni Maria na parang natauhan.
Umalis na ako at dahil sa marami pakong aasikasuhin hindi ko na namalayan na nakatulog nako at nung nagising nako ay nagcellphone muna ako at tiningnan ko ang nangyayare sa Twitter ko at nakita ko sa mga tweet ni Maria na mukang tuwang tuwa sya. Hindi kaya dahil toh sa pagbisita sakanya ni Nathaniel sa bahay nila? o Baka yung matagal na sinasabi ni Maria na crush nya at matagal nya ng gusto ay si Nathaniel? Hayyy. Wag naman sana. Ayokong mag agawan kami ni Maria kay Nathaniel. Ayoko. Kaya sa sobrang curious ko chinat ko si Nathaniel para kahit papano maliwanagan ako at siguro naman sasabihin nya ang totoo sakin.
"Nathaniel, ano bang meron kayo ng bestfriend ko?" chat ko sakanya
"Wala naman, Friends lang naman kami bakit?" chat sakin ni Nathaniel
"Ahhh wala lang" chat ko sakanya
"Dahil ba 'to sa nakita mo kanina?" chat nya sakin
"Pwede, Osige na, Maaga pa tayo bukas eh. Bye" chat ko sakanya
"Bye, wala bang Iloveyou dyan? Hahahaha" chat nya sakin
"Wala papo, tsaka hindi pa tayo okay?" chat ko sakanya
"Okay joke lang naman yun eh! Bye baby" chat nya sakin
Natapos ang Chat namin pero parang hindi parin ako mapalagay sa mga alam ko ngayon, feeling ko meron akong hindi alam tungkol sakanila Hayyyss! Sana malaman kona para naman hindi ako nag mumukang tanga na parang walang alam.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon