Chapter 16

116 7 0
                                    

It's Vacation!

It has been weeks since we graduated. Grabe! Simula nung grumaduate ako parang ayoko ng lumabas ng bahay. Buti nalang at nandito sila Andrei at Jella para samahan ako dito sa bahay.
About them. Sila na! Kaya masayang masaya si Andrei. Hayss! Buti pa sila.Nakakainggit naman. Samantalang ako, naaaout of place sakanila kapag magkakasama kaming tatlo. Sabi nga nila sakin na humanap na daw ako ng boy friend ko para hindi na daw ako ma op sakanila. Sabi ko naman, ayoko pa dahil hindi pa ako handa at matagal pa bago mangyari yun at kung saka sakali ay malabo na ulit na magkaroon ako ng boyfriend dahil mahirap na ulit magtiwala.
•••••••••••••••••
Isang araw, pinilit nila akong lumabas at niyaya akong pumunta ng Baguio dahil bored na bored daw sila sa mga buhay nilang dalawa. Sumama naman ako dahil kung iisipin ko lang sila Nathaniel at Maria maghapon,magdamag at iiyakan ko lang ang lahat ng nangyari sa past ay walang mangyayari sa summer ko. Kaya sumama nako sakanila at nagpaalam muna ako sa parents ko at pinayagan naman ako nila mommy at daddy, kaya nag handa nako ng mga gamit ko. Kinabukasan, maaga kaming umalis para maaga din kaming makarating sa Baguio. Before lunch ay nasa Baguio na kami. Kami lang tatlo at yung driver namin ang kasama namin sa Baguio. Pagdating namin sa Baguio ay binaba muna namin ang mga gamit namin sa rest house namin. Oo, may rest house kami sa Baguio. Dahil bata palang ako ay bumibisita kami sa Baguio ng madalas kaya naisipan nila mommy at daddy na bumili na ng bahay at lupa dito. Pero ng simula na nung lumaki ako at naging busy na sila mommy at daddy sa business nila ay hindi na kami nakakapunta dito sa Baguio. Okay lang naman kahit na wala kami sa rest house namin dito dahil may care taker naman kami. Pagkatapos naming ibaba yung mga gamit namin ay kumain muna kami at nagpahinga ng konti para dirediretso na yung pagiikot namin sa Baguio. Una, pumunta muna kami sa Burnham Park dahil gusto daw nilang mag boating na dalawa kaya pinagbigyan ko naman. Pagkatapos naming mag boating ay sumakay naman kami ng Bike. Halos tuwang tuwa silang dalawa pero dahil mga kaibigan ko sila, hindi naman nila kinakalimutan na kasama nila ako. Pagkatapos naming magbike ay nagpahinga muna kami sa isang place sa Burnham at nagkwentuhan.
"So, Pia may nahanap ka na bang pwede mong maging boy friend?" tanong ni Andrei sabay tawa
"Oo nga Sophia! Maghanap kana dito" sabi naman ni Jella
"Hayyy! Ayoko! Puro kaya K-pop yung mga lalaki dito!" sabi ko sakanila
"HUH?! KPOP?!" sabay nilang sabi
"Oo, K-popangit! hahahaha!" sabi ko sakanila
Tawa naman sila ng tawa pagkatapos kong sabihin yun.
"Pero pia, seriously kung ako sayo kailangan mo na syang palitan." sabi ni Andrei
"Hindi ko pa kaya eh, Parang feeling ko, lolokohin lang ako ng mga lalaki na magiging boyfriend ko!" sabi ko
"Malay mo naman Sophia, hindi sila ganun. Iba iba din naman ang mga lalaki noh!" sabi ni Jella
"Pero ang hirap ng magtiwala ulit Jella!" sabi ko
"Hayyy! Cgeh na nga! Hindi ka nanamin pipilitin. Basta kapag kailangan mo lang kaming dalawa ni Jella. Nandito lang kami" sabi ni Andrei
"Oo naman! pero alis na tayo dito. Gusto kong sumakay ng kabayo" sabi ni Jella
"Thank you sa sainyo ahhh!" sabi ko sakanya
"Always welcome!" sabi nilang dalawa
At pumunta na kami kung saan gusto pumunta ni Jella
Pagkatapos naming mag horseback riding ay medyo late na kaming natapos dahil bumili pa kami ng mga pasalubong namin para sa families namin dahil nangungulit sila samin.Kumain muna kami sa isang fast food dito dahil gutom na gutom na ako bago kami umuwi ng bahay namin.
The next day, nagikot ikot ulit kami dito sa Baguio. At nagstop ako ng may nakita akong familiar faces. Goodness! Si Nathaniel at Maria nandito! OMG! small world! nakakainis! nakita nila kami at nilapitan nila kami.
"Heyyy Guys! pwede ba kaming mag usap nila Sophia?" sabi ni Nathaniel na parang walang nangyaring past samin
"Uhmmm.. Sophia?" sabi ni Jella
Tumango lang ako at lumayo lang ng kaunti sila Jella at Andrei
"Kamusta kana?" Tanong ni Nathaniel
"Okay lang" sabi ko
"By the way, I'm so sorry Sophia!" sabi ni Maria
"Too late. Nasaktan nyo na akong dalawa tsaka hindi nyo ba naisip kung anong mararamdaman ko kapag ginawa nyo yung bagay ba yon?" sabi ko sakanya ng biglang tumulo ang luha ko.
Silence.
"I'm sorry! nagawa ko lang naman yun dati kasi parang nawalan kana ng time sakin eh!" sabi ni Nathaniel
"Oh! so? kasalanan ko pa ngayon? porket nawalan lang ako ng time sayo nung naging tayo?!gagawin mo na yung bagay na yon?! Hindi yon yung basehan para pagtaksilan moko sa sarili kong kaibigan! Kung mahal mo talaga ako nun hindi mo gagawin yon!" sabi ko skanya
"I'm sorry. Gusto ko lang na mapatawad mo kaming dalawa ni Maria sa mga ginawa namin sayo. Yung lang. I'm sorry! sa lahat " sabi ni Nathaniel
Hindi ko sya sinagot at tiningnan ko ng masama si Maria
"Okay. I'm very sorry! hindi ko nakayanang labanan yung feelings ko para kay Nathaniel. Alam ko masasaktan ka. At tsaka nung mga araw na kailangan ka nya, ako yung nandyan para sakanya kaya siguro nangyari yung mga yun." sabi ni Maria
Pinuntahan nako nila Jella at Andrei dahil nakita nila akong hindi tumitigil sa pagiyak at pagkatanong nilang dalawa sakin kung okay lang ako ay bigla nalang akong nagcollapse at hindi ko na alam ang mga nangyari.



End of the Chapter 16!
Hoped you'll liked it!
Please wait for Chapter 17 thanks!

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon