THE LAST CHAPTER

3 0 0
                                    

Waaaah! It took 4 years to update the last chapter. I'm very sorry, sobrang busy and madaming nangyari sa life kaya nakalimutan ko na mag WP. But I'm here. Tinatapos ko na. Sorry kung medyo magulo at typo yung mga pinaggagawa ko. Minsan mali mali din mga grammar. I'm very sorry for that. Sana naenjoy niyo kahit hindi ganon kaganda. So let's get it on! Hehez

The End

Hindi padin ako makapaniwala sa nangyari sa mga magulang ko. Habang papunta kami sa airport kinakabahan at nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong maaring abutan ko sa pagpunta ko sa Cebu. Mabuti nalang at nandoon si Ronnie para pakalmahin at pagaanin ang loob ko. Sobrang swerte ko sa taong to. Never niya akong iwan sa maraming bagay. Hindi man ako naging swerte sa una kong pagibig, pero dito siguradong jackpot ako. 

Iyak. Kaba. Nginig.Takot. pero lahat ng yan nawala ng makita kong buhay na buhay ang aking mga magulang. Nagcrash ang eroplano ngunit sobrang swerte nila na nakaligtas doon. Mabuti nalang at agad na naagapan ang mga sugat sa kanilang katawan.

"Mommy, Daddy!!!" sabi ko sabay iyak matapos ko silang makita na nakahiga pero pinigilan ako ng mga doktor na yakapin na muna sila kaya hinawakan ko nalang ang kamay nila, nasa emergency room sila at magkatabi ang kama nila at hindi pa naililipat sa room.
"Anak, wag ka ng umiyak buhay kami ng daddy mo" sabi ni mommy
"Oo nga anak ang mahalaga nandito kami. Huwag ka ng umiyak. Hindi ka namin iiwan" sabi ni daddy
"Pero po, nagalala ako sainyo. Natatakot ako na mawala ang mga taong mahal ko." sabi ko
"Anak, wag mo na isipin iyon. Ang mahalaga ay magkakasama tayo at magpasalamat na lamang tayo sa Diyos." sabi ni daddy
"Sige po mommy at daddy. Kasama ko nga po pala si Ronnie.Nagpumilit pong sumama" sabi ko
"Hala hindi kaya nagaalala lang din ako sayo Sophia" sabi ni Ronnie
"Salamat nga pala hijo, hindi mo pinababayaan ang anak namin. Salamat at sinamahan mo siya" sabi ni daddy
"Oo nga dagdag points ka samin niyan hijo" sabi ni mommy ng nakangiti
"Shh mommy at daddy pahinga na po kayo" awat ko sakanila 😂
"Walang anuman po tito at tita, para po sa anak niyo lahat po gagawin ko" sabi ni Ronnie
Hayyy ang swerte ko talaga! Bukod sa mahal niya ako, mahal na mahal niya din ang pamilya ko! Sobrang nakakainlove mga lalaking ganon haayy!

Makalipas ang ilang araw, maayos na uli sila mommy at daddy. Agad kaming nakauwi matapos silang bigyan ng clearance ng doktor na sila ay fully recovered na.

Natuloy na din akong magaral sa ibang bansa. Kahit mahirap. Inuunti unti namin ang Long distance relationship. Pero sa totoo lang. Wala namang distansiya ang pagmamahal kung araw araw mo tong pinaparamdam. At napagtagumpayan namin ni Ronnie ang 5 na taon na magkahiwalay. Naging mahirap sa umpisa ngunit worth it sa huli. Finally magkasama na kami ngayon dito sa Pilipinas at saktong anniversary namin at doon ako umuwi. Sinorpresa ko siya at cinelebrate namin ang araw na iyon kasama ang aming mga kaibigan at mahal sa buhay.

Ito na ang araw na aming pinakahihintay... ikakasal na si Jella at Andrei!! Akala niyo kami noh? HAHAHAHA pero sobrang saya ko at tinapat nila kung kelan ako nandiyan para mawitness ko daw ang kasal nila na live and upclose! mga sira talaga tong mga kaibigan ko ang daming alam! Hindi ko alam na magkakatuluyan sila sobrang unexpected ng lahat. Sabi nga nila "great things happened unexpectedly". Sa tingin ko tama ang kasabihan na iyon. Madaming bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan ngunit may mabuting dulot pala sa atin.

It's Monday and nandito ako ngayon sa office para ayusin ang mga bagay bagay sa aming company, and yes, ako na ang namamahala ng aming kompanya. After kong umuwi dito sa Pilipinas ay agad ng pinaubaya sakin nila mommy at daddy ang kompanya. Naging busy man ako sa mga unang araw na binigay nila sa akin ang kompanya pero napakaswerte ko dahil meron akong supportive na boyfriend. Actually dapat pupuntahan niya ako pero hanggang ngayon wala pa siya. Hayys! Mga 2 hours nako naghihintay sakaniya. Nasaan na kaya siya? Hindi naman niya nature na malate at katunayan ay lagi nga siyang advance kapag pinupuntahan ako eh.

*Ring ring ring*
at sinagot ko naman ang phone ko kahit diko kakilala ang number

"Hello??" sabi ko
"Hello maam, si Sophia Jimenez po ba 'to?"
" Yes, Why?" sabi ko
"Do you know po si Ronnie? Nandito po siya ngayon sa ospital. Naaksidente po." sabi nung kausap ko na babae
"WHAT?" ayun nalang ang huli kong nasabi at bigla kong nahulog ang phone ko at bigla na akong humagulgol. Buti nalang tumawag agad si Jella dahil nalaman din pala nila ang balita.

"Hey, Sophia okay ka lang? Pati kami tinawagan nung nurse. Nasaan ka? Susunduin ka namin" sabi ni Jella
" *sniff sniff* Diko alam gagawin ko Jella. Sige sunduin niyo nalang ako. Hindi ko kakayaning magdrive." sabi ko at parang nanlulumo ako matapos marinig ang sinabi ng babaeng kausap ko kanina. Paano na ako? Hayy! Ang hirap!

Sinundo na nga ako nila Andrei at Jella. Hayy! Iyak lang ako ng iyak at hindi ko alam ang gagawin ko. Pinaubaya ko muna sa secretary ko ang mga gagawin ko. Paghinto namin ay parang hindi naman ospital ang pinuntahan namin. Nandito kami ngayon sa Manila Cathedral! WHY? Jusko

"Jella, nandito na tayo" sabi ni Andrei
"Bakit dito? Pinaglalamayan na ba si Ronnie?" sabi ko
"Huh?" sabi nilang dalawa na parang natatawa

Magulo ang mga naging pangyayari. Ang naalala ko nalang may nagpiring sa mga mata ko at pagkadilat ko ay nakita ko na ang pinakamamahal kong lalaki at nasa likuran niya ang mga kaibigan at close fam namin.

"BUHAY KA!!!" sabi ko sabay yakap sakaniya
"Oo naman babe, buhay na buhay" sabi niya sabay tawa
"Huh? Bakit tayo nandito?" sabi ko
"Hindi ba sabi mo gusto mo kapag may nagpropose sayo, sa manila cathedral at madaming violet petals." sabi niya sabay ngiti at nagulat ako dahil.... bigla siyang lumuhod!!!
"Sophia Jimenez, madami man tayong pinagdaanan alam ko may mas darating pa na pagsubok sa pagsasamahan natin. I want to spend my whole life with you. So please give me a chance to prove my love and sincere agenda. I love you more than my life Sophia. Will you marry me?" sabi ni Ronnie
At naghiyawan naman ang mga tao sa paligid namin.

Kinasal kami at nagkaroon ng apat na anak. Mahirap dahil habang pinapatakbo ko ang kompanya ay mayroon akong pamilya pero buti nalang tinulungan ako ni Ronnie. Sobrang swerte ko sa asawa at mga anak ko na si Alexa, Timothy, Edric, at Sofia.

Sabihin man nating walang forever at hindi tayo naniniwala doon pero napatunayan ko naman na mayroong lifetime. Habang may buhay sisikapin ko na pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko. Hindi porket isang beses mong naranasan na mabigo sa buhay o sa parte ng ating buhay ay susuko kana at hindi mo na paniniwalaan ang magmahal o sumubok muli sa ikalawang pagkakataon o kahit sa maraming pagkakataon. Hindi ba? kasabihan din na 'try and try until you succeed' at iyon ang napatunayan ko. Marami mang nagsasabi na walang bagay na iyan pero kung patutunayan mo sa sarili mo na mayroon ay magkakaroon. Mabuting kilatisin muna natin ang isang tao bago tayo magtiwala.

Salamat sa pagsubaybay ng aking kwento.
Alam ko na hindi ganon kaganda at kaexciting pero may mga aral naman kayo na matutunan bukod sa pagiging marupok sa first part HAHAHAHAHAHA

Thank you!!!

sorry sobrang bata ko pa nung sinulat ko to but btw thank you for supporting! mwaps!

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon