Chapter 1

675 18 16
                                    

The First Day of School.

Naglalakad ako papunta Bulletin board para hanapin kung saan ang magiging classroom ko for this year,pero naging masaya ako nung nakita ko kung sino ang mga magiging classmate ko,nandito ang crush ko at ang best friend ko.
"OmG! kasama ko sila this school year!!!!" napasigaw ako sobrang excited ko para sa school year na 'to pero hindi ko alam na kabaliktaran pala ang mangyayari sakin.

Hinanap ko agad-agad ang magiging classroom ko for this year at buti nalang, hindi pa ako late at medyo konti pa lang ang mga classmate ko na nandito. Nakipag-kwentuhan muna ako sa mga dati kong mga classmate na natural ay namiss ko dahil halos 3 months kaming hindi nagkita.
Habang tumatagal, nag datingan nadin ang mga classmate namin at habang nakikipag kwentuhan ako, nakita ko ang Ultimate Crush ko na dumadating habang kasama yung mga kaibigan nya. Natulala na lang ako at hindi ko inaasahan na kakausapin nya ako. "Sophia, okay ka lang?" sabi ni Nathaniel habang tulala ako, Si Nathaniel ang nagiisa kong crush simula palang nag transfer ako sa school namin, nainlove ako sakanya dahil lagi nalang nya akong pinagtatanggol kapag may nangaaway sakin, pero minsan inaasar nya ko at sinasabi nya sa mga nangaaway saakin na sya lang daw ang pwedeng mang asar sakin. Sweet noh? pero ni minsan hindi daw sya nagkagusto sakin sabi nung kaibigan nyang si Rainier. Gwapo, Mabait, Matalino, Mayaman, Magaling mag basketball yan si Nathaniel! oh? ano pang hanap nyo? pero back to reality muna tayo. 
"Okay lang ako, pero parang nasa heaven ata ako" sabi ko.
"Huh? Ano? Heaven?" sabi ni Nathaniel, "Ayyy! Hindi, sorry wala yun hindi ka naman mabiro hahaha"sabi ko naman.
Para talagang nasa langit ako sa tuwing kinakausap nya ako, pero syempre may halong kilig. Pag katapos nun, bigla nalang akong natauhan dahil sa kaibigan kong si Maria, si Maria ay kaibigan ko simula palang noong grade 4 kami, naging magkaibigan kami dahil lagi nya akong nginingitian, Ang weird noh? pero dahil dun naging mag best friends kami na hanggang ngayon na gagraduate na kami sa high school.
"Hey Bestie! Tulala ka dyan!" sabi ni Maria, "Bestie! Ano kaba?! Ang ganda na ng moment ko e! Panira ka naman!" sabi ko
"Ginaganyan mona ako ahhh bestie!" sabi ni Maria
"Ehhh, pano kase! Kinausap ako ni Nathaniel, tas finifeel ko pa, tapos bigla mo nalang akong ginulat" sabi ko.
Pagkasabi ko nun, Dumating na si Ms. Cruz. Si Ms. Cruz ang magiging class adviser namin for this whole school year, dati namin syang subject teacher sa Math nung 3rd year kami, mabait naman siya sa mga mabait sakanya pero wag ka, kapag nagalit si maam...grabe sya! pero lagi naman syang close sa mga studyante nya. As always, Magpapakilala tapos magsasabi ng kung ano ano about yourself, ganun naman diba? boring ang first day pero exciting dahil sa mga magiging classmates natin. Half day lang kami ngayon dahil first day lang namin.
Maaga kaming pinauwi ni Ms. Cruz dahil biglang may emergency daw sakanila. Uwian na at nagyaya si Maria na magmall daw muna kami dahil wala naman daw kaming assignment at namiss nya na daw ako, Niyaya nya din sila Nathaniel at yung mga kaibigan ni Nathaniel, para daw masaya.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon