Chapter 11

7.9K 259 17
                                    


Chapter 11


Euro's POV


Nakakairita naman si Jed!! Arghh!!

Sinabi ko sa kanya na atakihin ako pero di ko sinabing maglagay ng dugo sa damit at takutin si Aly.

Si Jed na tahimik lang sa isang sulok at parang walang paki sa paligid ay marami ring kalokohan sa buhay.

Yan tuloy ng dahil sa kalokohan nya nahimatay si Aly na hanggang ngayon hindi parin nagigisig.

Gusto kong malaman kung napapananginipan nya yung nangyari kanina kaso nga lang. Kaming mga bampira walang ability na pasukin ang imahinasyon pati ang panaginip ng mga tao at kapwa bampira.

Tanging mga witch lang ang may kaya nun. Kaya nga kanina nung nasa kotse kami naririnig ko yung sinasabi nya sa isip nya.

Gusto kong malaman kung anong nangyari sa panaginip nya kaso nga lang baka magtaka kung pano ko nalaman yung panaginip nya. At baka mabuking pa ko ng wala sa oras na isa akong kakaibang nilalang na hindi nya inakala.

Pero ano nga ba yung panaginip nya? Panigurado akong may kinalaman yun sa nakaraan nya nung bata pa sya.

Pero paano nya napanaginipan yun sa ganong kabata? One or two years old palang nun si Aly panigurado.

Paano ku--

"KYAAAAAA!! KYAAAA!! MAY HALIMAW!!"

"Aly? Aly? Napano ka? Ayos ka lang?Ano?" tanong ko sakanyang natataranta

"Euro? Euro?" tawag nya sa pangalan ko tapos hinawakan nya yung pisngi ko

"Panaginiplang yung nangyari kanina diba?'' tanong nya

"Diba panaginip lang yung bampira ka? Tapos panaginip lang din yung may lumabas na apoy sayo diba?"

Sh*t anong sasabihin ko? Sasabihin ko na ba yung totoo? Na bampira ako?

HAAAAY NAMAN!!!

"Euro? Panaginip lang yun diba?"

Hayshh!!! Bahala na nga!

Ayaw kong magsalita kaya naglabas nalang ako ng apoy sa kamay ko finorm ko sya ng lalaking sumasayaw tapos naglabas di ako ng isa pang sumasayaw na babae

Nakafocus lang sya doon at parang may kislap sa mata nya at parang tuwang tuwa pa sa pina panood kaya.

Tanggap nya kaya ako? Ayaw kong magsinungaling sa kanya at maglihim ng sikreto

"So totoo talaga na bampira ka? P-Paano? Paanong nangyari yun?"

tinapos ko na yung apoy sa kamay ko at tumingin ng diretso sa mata nya

"Totoong bampira ako Aly. Hindi lang ako kundi halos lahat ng nakapaligid sayo ngayon"

"Huh? Talagang bampira ka simula pagkanak sayo?"

"Oo bampira talaga ako noon pa man"

"Kung bampira ka... Paano ako na-engage sayo? Alam ba to nila mama?" tanong nya

Siguro nga talagang panahon na para malaman nya yung totoong tungkol sa kanya

"Sandali... Tawagin ko mama Aira mo"

lumabas ako ng kwarto namin. Oo dito ko sya dinala sa bahay namin at inihiga ko sya sa KWARTO NAMIN!!

Diba nga sabi ko, sa oras na malam nya ang totoo katabi ko na syang matutulog sa kwarto ko na KWARTO NA NAMIN NGAYON.

Engage With A Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon