This Chapter is Dedicated to traceykisses06 thank sa pagsupport ate 😘😚
Alyssa's POV
Napapagod ako, masakit pa rin yung sugat ko. Pasalamat nalang ako at sapat pa rin ang lakas ko para matali ang dalawang Cray. Lalo na si Maesy. Di ko talaga inaasahan yung ginawa nyang pagsaksak sakin.
"Sige na Alyssa matulog kana."
Sabi ni Euro
Nakakatakot ang mata nya. Hanggang ngayon ay mapupula pa rin ito at yung pangil nya, hanggang ngayo ay nakalabas pa rin.
Nakikita ko pa rin ang pangagalaiti sa ekspresyon nya. Kahit na nakatali na ang dalawang Cray.
"Paano sila?" Tanong ko at tinuro sila Maesy
"Ako ng bahala sa kanila. Magpahinga kana. Alam ko pagod ka at paniguradong nanghihina ka pa."
"Baka mawala ang pagkakakontrol ko sa mga tali nila at makawala sila."
Tumingin si Euro sa mga Cray at may lumabas na apoy dito at may halo itong kuryenye na nakapalibot sa apoy na nalatali na ngayon sa katawan nila.
"Ahhhhhhhhhhh!!!" Napapikitat napasigaw si Maesy, samantalang ang kapatid naman nito ay tahimik lang ngunit nakapikit din at halatang nasasaktan.
"Kahit alisin mo na ang pagkakatali mo sa kanila. Ako ng bahala , di naman sila makakatakas nyan"
Sinunod ko nalang sya nahiga ako sa isa pang sofa na nandito sa harap nila Reon at Jane na parehas naka relax ang mga ulo sa isa't isa
Nahiga ako ng dahan dahan dahil masakit pa rin ang sugat ko sa tyan. Ng makahiga naman ako ay agad akong dinalaw ng antok.
NAGISING AKO ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin.
Ng dumilat ako nakita ko naman si Euro na may dalang plato at puno ng pagkain yun.
Actually puro pinrirong manok lang ang nandoon at walang kanin.
"Kumain ka muna." Sabi nito at inalalayan akong makaupo ng maayos. Ng makaupo ako ay agad nyang niready yung isang manok at susubuan ako.
Nakuha ko ng makatatlo pero di pa rin sya kumakain.
"Paano ka? Bakit di ka kumain? Eto o subuan kita." Sabi ko at hinihanda ang kamay ko at ang manok na hawak ko para isubo sa kanya ang kaso ay inilayo nya ang muka nya.
"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ko
"Hindi sa ayaw ko. Niready ko lang talaga to para sayo. Tsaka isa pa. Dugo lang pwede kong ikabusol ngayon. Nakipaglaban ako kanina e."
"Bakit? Kapag dugo lang?"
"Hindi tatalab saaming mga bampira ang mga pagkain ng mga tao para pampalakas. Dugo lang ang pwede."
Ahh ganon pala. Kaya naman hindi ko na sya pinilit pa. Kinain ko nalang ang hawak kong manok. Pagkaubos ko ng dalawa ay huminto na ako. Nakakataba pa rin yan kahit na sabihin mong walang kanin
"Alyssa...'' rinig kong tawag sakin ni papa mula sa hagdan kaya naman lumingon ako doon at nakita kong nakangiti sya.
"Aalis lang ako saglit."
Nakakapagtakang nakangiti ito after ng mga nanyari.
"Ahh ok po" sabi ko nalang. Nalulungkot ako. Para kasing hindi man lang sya nagaalala sakin sakabila ng nangyari kanina.
" Babalik din ako kaagad" sabi ulit nito at mabilis na lumabas ng bahay.
Napasilip ako sa labas. Doon ko lang nalaman na gabi na pala.
BINABASA MO ANG
Engage With A Vampire Prince
VampireAlyssa Medinez is a simple girl, simple beauty, smart, friendly and a person with a good heart Pero bakit minamalas sya ng kapalaran? Bakit sa isang iglap ang nagbago ang simple nyang buhay? Bakit napunta sya sa mundo na puro panganib ang dala? "...
