Sokisha's POVNasa madilim na lugar ako pero kahit papaano sapat na para makakita ako ng kaunti.
May mga puno sa aking paligid. Kung di ako nagkakamali nasa gubat ako.
Nasa gitna at walang kasama. Naglakad lakad ako para maghanap ng kahit isa manlang tao pero wala.
Naglakadlakad ako hanggang sa may nakita akong isang maliit na kubo.
Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot hanggang sa napagdesisyonan ko na pumasok na.
Pumasok ako doon at naglakad ng bahagya. Narinig ko naman na sumara ang pinto na pinasukan ko. At dahil doon mas lalo akong walang nakita. Mas naging madilim.
Maya-maya ay may nagsalita sa kung saan.
"Maesy Cray" ani nito. Lalaki sya base sa boses nito.
"Sino ka?"
"Maesy Cray" ulit nito sa pangalan na binangit kanina lang
"Sino ka?" Pinalibot ko ang paningin ko pero wala. Wala akong makita at wala ni kahit isang tao.
"Maesy Cray" ulit ulit nito
"Sino kaba?! Magpakita ka sakin! Anong kailangan mo?" Sigaw ko.
Natatakot na ako. Nasan ba kasi ako? Nasan si Lawrence? Gusto ko ng umalis dito!
"Maesy Cray!" ulit nito pero pasigaw na. At malaki ang boses nya . Nakakatakot! Feeling ko ano mang oras ay lalabas sya at aatakihin ako.
At di ako nagkamali. Bigla sya lumitaw ng ng parang kakainin ako
Napasigaw ako at napapikit sa sobrang takot pero pagdilat ko ay naka tayo ako sa harap nila Euro at Alyssa na nakahiga sa kama nila
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto namin? Paano ka nakapasok?'' Tanong ni Euro na nagtataka at parang gulat din.
Luminga linga ako at tama sya nandito ako sa kwarto nila. Pero paano ng ba ako nakapunta dito.
Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. At dahil doon namilog ang mata ko
Kanina? Ibigsabihin panaginip lang yon? Paano ako napunta dito?
Tinignan ko si Euro na parang inexamine ako? "Diba aalis kayo ni Lawrence? Bakit nandito ka sa kwarto namin ni Alyssa? Paano ka nakapasok ng hindi ko manlang nararamdaman?" Ani nito at parang pinagdududahan ako
Eto nanaman may mga nangyari nanaman na hindi ko manlang alam at iba ang natatandaan kong nangyari
"Aalis kami ni Lawrence?" Tanong ko. Pero wala akong natandaan na aalis kami. Di ko natatandaan na inaya nya akong umalis.
''Ikaw ang nagaya sa kanya Sokisha" sabi nito na nanlilisik na ang mata. Natatakot na talaga ako.
Anong nangyayari? Anong nangyayari saakin? Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko
Biglang gumalaw si Alyssa at humarap sakin na seryoso at parang pinapakiramdaman ako.
Natatakot na ako. Inaamin ko naiiingit ako kay Alyssa. Naiingit at nagagalit kasi lahat ay nasa kanya na pero sa panahon na to pakiramdam ko sya lang ang maaring magligtas sakin at wala ng iba pa. Pakiramdm ko sya lang ang mapagkakatiwalaan ko.
Tumayo sya at lumapit sakin. Pero si Euro naman ay hinawakan sya nito at tumingin sa kanya na parang pinipigilan nito na lumapit sakin.
Ngumiti at tumango lang si Alyssa. Pinakawalan ni Euro ang kamay ni Alyssa na hinawakan niya kanina.
BINABASA MO ANG
Engage With A Vampire Prince
VampireAlyssa Medinez is a simple girl, simple beauty, smart, friendly and a person with a good heart Pero bakit minamalas sya ng kapalaran? Bakit sa isang iglap ang nagbago ang simple nyang buhay? Bakit napunta sya sa mundo na puro panganib ang dala? "...