Alyssa's POV
Pumunta na sila sa mga kwarto nila. Kaming dalawa ni Euro ay pumunta muna sa kusina bago dumertsyo sa kwarto.
"Sige matulog ka na babantayan kita."
"Euro sila Maesy?" Pagaalalang tanong ko. Hanggang ngayon kasi di maalis sa isip ko na baka makawala sila sa taling iyon.
"Ako ng bahala sa kanila. Sige na matulog ka na. Mapahinga kana. Para bukas magaling na ang sugat mo"
Tumango nalang ako at pinikit na ang mga mata ko.
"Sleep" huli kong narinig bago ako tuluyang makatulog.
Euro's POV
Sinigurado ko muna na tulog na si Alyssa bago ako lumbas ng kwarto.
Pumunta ako sa sala para siguruhing maayos ng magkakatali ng dalawang Cray.
Maayos ang pagkakatali nila at mukang nakatulog na ang dalawa.
Pabalik na sana ko sa kwarto ng mahagilap ng paningin ko ang isng anino.
Nandoon sya sa gilid ng dalawang Cray. Nakatayo lang at walang ginagawa.
Lalapit na sana ako doon ng mawala ito bigla.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Agad akong pumanik sa hagdan at dumeretsyo agad ko sa kwarto namin ni Alyssa.
Doon nakita ko ulit ang anino. Mula sa veranda ng aming kwarto ay nasa tapat sya ni Alyssa.
Unti unting tumaasa ang kanang kamay nito at tinuro ang tabi ni Alyssa.
Hindi ko maintindhan pero agad akong lumapit sa tabi ni Alyssa. Wala akong napansing kakaiba. Tumingin uli ako sa veranda pero wala na sya doon.
Nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko kaya tumingin ako ng paunti unti doon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang anino sa tabi ko unti unti sya lumapit sa akin at tinapat ang bibig sa tainga ko at may binulong.
Inintindi ko ang sinabi nya inulit nya ito ng dalawang beses bago nawala ang presensya nya.
Tumingin uli ako kay Alyssa bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Tinago ko ang lakas ko at ang presensya ko bago ako unti unting bumaba ng hagdan. Doon nakita ko sya na sinusubukang pakawalan ang mga Cray. Tama sya, di dapat ako nagtitiwala agad. Maraming traydor sa paligid.
Alyssa's POV
Nagising ako ng wala sa tabi ko si Euro. Bumanon na ako at lumabas ng kwarto para hanapin sya. Nang maisara ko na ang pinto nakakita ako ng isang anino. Anino na parang sinasabihan ako na tumigil muna at magstay sa kinatatayuan ko.
Sinunod ko sya. Tumigil ako sa balak kong pagalis sa pwesto ko at nanahimik nalang.
Mayamaya pa ay sinenyasan nya ako na pwede ng akong umalis at tumungo sa aking pupuntahan. Tumakbo ako papunta doon para sana habulin sya sa kanyabg pagalis pero pagliko ko ay nawala na sya.
Lumingon lingon ako sa pligid pero wala na akong makita kundi isang malinis na hallway.
Ipinagsawalang bahala ko muna iyon at hinanap muna si Euro. Nakaratang na ako sa sala at sa kusina pero ni hibla ng buhok nya hindi ko makita.
Euro nasaan kana? Sabi ko sa isip ko. Patuloy ko syang hinanap sa buong bahay pero wala. Kahit sa mga kwarto - kwarto ay nakapagtanong na rin ako pero di daw nila nakita si Euro.
"Anak. Kamusta? Nakita mo na ba si Euro?"
"Hindi pa mo. Nasan si mama?" Tanong ko sa aking ama
"Nasa kwarto sya pinagpapahinga ko muna."
BINABASA MO ANG
Engage With A Vampire Prince
VampirosAlyssa Medinez is a simple girl, simple beauty, smart, friendly and a person with a good heart Pero bakit minamalas sya ng kapalaran? Bakit sa isang iglap ang nagbago ang simple nyang buhay? Bakit napunta sya sa mundo na puro panganib ang dala? "...
