Chapter 36

2.3K 71 2
                                        

Leign's POV

"Tayo naman ngayon ang magtuossabi ni Euro na nakayukom ang mga kamao

Napanganga ang magkapatid, si Sokisha halata ang takot sa muka nito samantalang ang kapatid na lalaki naman ay napaatras

Siguro dahil ramdam nila ang lakas ni Euro dahil sa galit nito.

Hindi ko man sya nakikita talaga pero kapansinpansin at talagang mahahalata mo ang nangagalaiti nyang muka na nagyon ay nakaharap sa dalawang bampira na nasa harap nya.

Tumakbo ang dalawa at walang lingon lingong nawala sa paningin namin ng ganun kabilis.

Pero hindi sapat para mawala ang pakirdam ko sa lakas na meron sila. Pero kaakibat noon ay ang takot na nararamdaman nila.

Pahakbang na ako para tumakbo ng mawala si Euro sa harap ko.

Lumingon lingon ako pero hindi ko sya makita.

Tinignan ko ang dalawang kasama ko dito at halata sa muka nila ang pagkagulat.

Pero agad na rin akong kumilos para makahabol sa mga bampirang nagsitakbuhan.

Sabay sabay kami nila Jed at Lawrence na nakarating sa open field .

Nakita namin doon ang dalawang Cray na napakaseryosong nakatingin sa nakatayo na lalaki sa harap.

"Sabi ko na sa inyo. Hindi nyo ako matatakasan." ani ni Euro

Hindi sumagot ang dalawang Cray sa halip ay naghanda lamang ito upang lumaban.

Kaming tatlo namn ni Jed at Lawremlnce ay humarang sa mga daan na pwede nilang daanan.

Sumugod ang dalawang Cray kay Euro. Nakailag si Euro sa mga atake nila. My nit ng ang Prinsepe naman ang umatake ay nawalang ng pagkakataon ang dalawa upang umiwas.

Hindi pa rin sila sumuko paulit ulit silang sumusugod aat paulit ulit lang din silang nasasaktan.

Bawat pagtama ng mga tira ni Euro sa kanila ay halatang may halo iyong galit.

Ako rin galit din ako at nangigigil sa dalawa dahip sa nangyari sa anak ko pero hindi kobna kailangan pang sumabay sa galit na si Euro dahil alam ko at ramdam ko sa lakas nito na matatalo at papahirapan nya ang dalawa. Nagtitiwala ako at susuportahan ko lang ang prinsepe. Meron itongvlakas na sa palagay ko ay hindi ko mapapantayan sa ngayon dahil sa nararamdaman nito.

Alam ko rin naman na magiging ligtas din ang anak ko na si Alyssa. Hindi naman talaga ganoon kalala ang saksak na natamo nito. Pero sapat na para manghina at mawalan ng malay. Dahip na rin siguro sa metal na ginamit sa pagsaksak sa kanya.

Ngayon nakita ko kung paano nakatihaya ang dalawang Cray sa sahig at tila wala ng pakas para lumaban pa.

Ipapaspas na sana ni Euro angvkanyabg kamay para gawingabo ang mga ito ng pinigilan sya ng isang dalaga.

"Euro wag! Bihagin nalang natin sya upang may magamit tayo."

Napatingin kami sa babaeng nagsalita.

Nakakagulat ang pagdating nya.

Muka rin syang nagaapoy sa galit dahil sa pupang awra na nakapalibot sa buong katawan nito. Matalim ang mapupulang mata at angga pangil ay handa kang sugatin sa pagtitig mo palang.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Isa syang babae na may pambihirang lakas at hindi mapapantayan ng kahit na sino.

Sya ay ang anak ko. Nakakagulat dahil may halo na ring bampira ang kanyang dugo dapat ay bukas palang maghihilom ang kanyan sugat at bukas palang sya magigising.

Ngunit hindi. Isang saglit lang at babalik na sya sa dating lakas nya na mas nadadagdagan pa.

Huminto naman si Euro sa akmang pagpatay nya sa lalaking Cray na nasa harapan nito.

Akmang tatayo ang dalawa at kami ay pupwesto na sa pwedeng pagsugod nito ng may pumalupot na mga dahon sa katawan ng dalawa at may kuryenteng nakapalibot dito

Nakita ko ang kamay ni Alyssa na  nakatutok sa dalawa at ang mga mata nito ay kalmado ngunit mapanganib na nakatingin sa dalawa.

Alam ko na doon palang na sya ang may gawa nito.

Sinubukan ni Reign Cray na magpumiglas ngunit may kuryenteng bumalot sa katawan nito at nagsiaigaw ang binata dahil siguro sa sakit may isang matulis na tangkay ng dahon ang lumitaw sa mga dahon na nagsisialbing lubid nito ay tumusok ito ng malalim sa balikat ng binata.

"AHHGGGGHH!" sigaw nito

"HAYOP KA ALYSSA!"

"Sino bang mas hayop saatin?" Tanong nito na nakangisi

"Magbabayad ka dito sa ginawa mo saakin babae ka!" Sigaw ng lalaking Cray

"Kung susubukan nyong magpumiglas sa lubid na yan? Hindi byo maiiiwasang masaktan dahil sa luryente at sa matutulis na bagay na lalabas dyaan upang pahirapan kayo."

"Nagawa mo pa palang makaligtas sa pagkakasak ko sayo?" Tanong ni Maesy na ikinatalim lalo ng mata ni Alyssa

"Hindi naman kasi ako ganoon kahina upang mamatay lang sa isng saksak ng katulad mong madumi at mahina."

"Anong sabi mo!?"

Nagpumiglas ang babae kaya naman nakuryente ito at natusok.

Lumutang sila mula sa lupa paitaas. At sila Euro at si Alyssa naman ay tumalikod at nagsimula ng maglakad kasunod ang dalawang bihag.

Talagang hindi ka makakakilos sa mga pinaggagagawa nila.

Galit nga silang dalawa alam ko.

Nakarating kami sa bahay ni Jed dito sa gubat. Nakita ko si Sokisha at si Dianne na nakaupo at tila  pagod.

"Salamat walang nangyari sayo Alyssa! Napakatigas ng ulo mo. Kahit ang mga bampira ay nabibinat din at nawawalan ng lakas tandaan mo yan. Lalo na at hindi ka naman talagang purong bampira pa." Ani ni Jane pagkapasok ni Alyssa

Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita ang dalawang bampira na nakasunod dito.

'' At ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Bakit nyo sila dinala dito?" Sabi ni Jane na tinuturo pa ang dalawang Cray na nakalutang pa rin sa ere at tahimik.

"Sino sila?" Tanong ni Sokisha na nakatingin sa din sa mga yun.

"Bakit sila nakagapos ng ganyan?" Tanong ni Dianne

"Measy Cray ang pangalan ko." sambit ni Maesy.

Nalaki ang mata ni Dianne at ni Sokisha.

Lumapit si Sokisha kay Maesy at pagkatapos ay dinuro duro ito.

"Kung ganon ikaw pala ang may pakana ng nangyari sakin!"

"Ako nga! Kawawa ang mga tao hindi ba? Masyado kayong mahina. Madaling mapasok ang mga sistema nyo." Mapanghamong sabit ni Measy

" At ikaw?" Tanong ni Dianne sa lalaking Cray.

" Ako si Reign Cray." Sambit nito at hindi na kumibo pa. Ganoon din naman si Dianne.

"Papa magpahinga na kayo. At Ganoon din kayo Dianne at Sokisha. Jed, Lawrence samahan nyo sila."

"Kayo? Alyssa magpahinga ka rin." Ani ni Dianne

"Dito sya sa tabi ko. Matutulog sya dito."

"Aalis tayo mamayang gabi. Kaya magpahinga na kayo." Sabi ko naman.

Hindi na ako nagsalita at umakyat nalang ako sa taas upang mahiga.

Pupuntahan na namin mamaya ang mama ni Alyssa. Ang asawa ko.

_/_______

Sorry for the late naging busy e tapos panigurado magkukulangan kayo sa update ko ngayon medyo sabaw e
Sorina po 😊😊

-LenJanesss 😍😍

#Sabaw

Engage With A Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon