Reon's POV
Biglang nagbago ang paligid. Ang maaliwalas na kalangitan kanina ay natakpan na ng dilim. Biglang lumakas ang hangin. Naging malamig ang paligid at ang kaninang maingay na kapaligiran kanikanina lang naging tahimik.
Kahit ang mga repsys na parang isang mabangis na hayop na ngayon lang nakawala ay natahimik at parang isang maamong tupa na tumahimik.
Kinakabahan ako.
" May hindi inaasahang nangyari" ang sabi ni Jane na namumula ang mata at nakalabas ang pangil.
Agad na tumakbo ang dating hari sa direksyon kung saan namin iniwan sila Euro at Aly
Agad ko ng tinapos ang mga repsys habang hindi pa sila gumagalaw dahil siguro sa biglaang pagiiba ng panahon.
Lahat sila natapos namin ni Jane Lawrence and Jed
Agad akong sumunod sa dating hari. Nakarating ako doon at nabigla ako sa nakita ko.
Nakita ko si Alyssa na nakahiga sa tabi ng puno at may puno ng dugo sa may tyan. Nilapitan ko sya at binuhat ko. Hinanap ng mata si Euro at ang dating hari. Pero wala sila dito
tinignan kong mula si Alyssa, nakita ko na nahihirapan na syang huminga at halata sa kanya ang panghihina ng katawan. hinawakan ko ang parte ng sugat ko at nalaman ko na nasaksak sya ng isang kutsilyo. Pero gawa sa silver ang mga kutsilyo. Dapat ay malala pa dito ang nangyari sa kanya.
Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala purong bampira ang dugo ng babaeng buhat ko ngayon. 70% pa nga lang pala ng dugo nya ang bampira 30% pa ang pagiging tao nya.
Sakto rin na dumating na si Jane at si Lawrence." Dalhin mo sya sa bahay, kinakailangan nyang magamot kaagad, nasaksak sya ng silver na kutsilto" sabi ko
kinuha naman agad ni Lawrence si Alyssa sa mga bisig ko "Kung silver ang sumaksak sa kanya, bakit hindi pa rin sya nagiging abo?" tanong ng mahal kong si Jane
"Baka naman nakakalimutan mo na si Alyssa ay may dugo pa rin ng pagiging tao? nakokontrol pa rin nito ang dugo ng bampira kaya di ganon kadali para sakanya ang maging abo. Pero kung magtatagal pa sya dito, paniguradong hindi na yun kakayanin g katawan nya"
"Sige ako na ang bahala sa kanya" sabi ni Jane agad na kinuha ang babae kay Lawrence at agad na umalis papunta sa bahay ko
"Lawrence samahan mo ako. hanapin natin sila Euro"
Tumango lang ito at agad na tumakbo. Hindi ko sila maramdaman. Wala akong maramdaman na kapangyarihan sa paligid.
Ngunit bigla nalang kimidlat sa malayong bahagi ng gubat na to.
Agad ko yung pinuntahan sa bilis na kakayanin ko. Ng makarating doon nangilabot ako sa puwersa na nararamdaman ko. Kung kanina ay wala akong maramdaman na enerhiya ngayon ay napakalas nito at mangingilabot kang talaga.
Itim. Itim na aura ang bumabalot sa kanya.
Pulang pula ang mga mata nya at ang pangil nya ay nalabas at halata mong matalim ito.
Hindi ko maalis ang titig kay Euro. Nakakatakot sya oo pero mapapatitig ka sa kanya at siguradong hindi mo maalis ang tingin mo sa kanya.
Ngayon ko lang syang nakitang ganto Ngayon ko lang syang nakita ganto ang aura. Madalas kapag nagagalit sya. Kalamado lang at walang gagawin uupo sa isang tabi at tatahimik.
Pero ngayon, ay isa syang galit na tao na masasktan ka sa ano mang parang di mo inaakala.
Napansin ko naman si King at si Lawrence sa malayong lugar. Si Lawrence ay halata sa muka ang pagkagulat si King naman ay matalim ang matang mapula. Nakalabas din ang mga pangil mahahalata mo rin ang galit sa muka ng dating hari habang nakatingin ito kay....
BINABASA MO ANG
Engage With A Vampire Prince
VampirosAlyssa Medinez is a simple girl, simple beauty, smart, friendly and a person with a good heart Pero bakit minamalas sya ng kapalaran? Bakit sa isang iglap ang nagbago ang simple nyang buhay? Bakit napunta sya sa mundo na puro panganib ang dala? "...