4- The Suprise

1.9K 38 0
                                    

Umalis kami ng rooftop at bumaba na. Baka mahulog pa kaming dalawa dun. Mukhang imposible din namang mahulog kami. Pero malay niyo, diba? Baka may tutulak samin tapos nalaman nalang namin na basag na ulo naming dalawa. She held unto my arm and became possessive. Ang kyut nga kase hinding hindi niya inaalis yung katawanan niya sakin. Parang ayaw niyang may space kaming dalawa. Sumakay kami ng elevator at pumuntang ground floor.

"Mi, may surprise nga pala ako sa'yo mamaya." Nilingon niya ako at tumango. "Okay." Mas lalo siyang kumapit sakin nang makasalubong namin si Maxene. I guess she was on her way home, too. Nang makita niya kami, binati niya kami ng isang masiglang ngiti at nilapitan kaming dalawa.

"Oh Mr. Kwon, I'm sorry I wasn't able to say goodbye personally. Sabi kase ng secretary mo, you went out na daw so, I decided to finish my sketch in my office." paliwanag niya at tango lng ako ng tango.  May ibinigay siya saking isang papel, "That's the first thing that popped into my mind. Might as well critique it and I'm very open for consultations and insulations." Dagdag pa niya. Tinanggap ko naman yung papel. Di ko maikakailang magaling nga talaga siya. Sketch palang 'to tapos ang ganda na ng nakikita ko sa isip ko.

"Hmm, good. I'll tell you if I have something to add on."

"Yes, and you already have my calling card." Sabi niya at tsaka siya kumindat. Naramdaman kong kinurot ako ni Didi sa tagiliran kaya alam kong nagseselos na naman to. Hehe ang kyut. "We'll be leaving now. Salamat sa oras." Paalam ko naman at ngumiti lang siya. Umalis na kami sa K.E. at napa-aray nang bigla akong hinampas sa dibdib.

"Bakit ka kinindatan nun?!"
"Hahaha aray naman. Hindi ko rin alam. Wala naman akong ginawa diba? Kinindatan ko rin ba siya?" Natatawa kong sabi habang nakahawak sa dibdib ko.

"W-Wala naman pero ayoko sa kanya. Palitan mo nalang siya ng iba." She said seriously tapos nagpout. Hinalikan ko nga. Alam naman niya kung anong ginagawa ng pout niya sakin eh. Nakakatukso kaya. "Okay, baby. Kung yan ang gusto mo. Magpapahanap nalang ulit ako ng bagong designer." Sabi ko. Nagliwanag naman nang konti yung mukha niya. "Kaya wag ka nang magselos dyan dahil bukas na bukas din, hindi mo na makikita si Maxene."

Tumango naman siya at inescort ko siya papuntang sasakyan ko. Bubuksan ko pa sana yung pinto nang biglang may nagsalita sa likod.

"Are you frightened, Ms. Torres?" sabi niya habang binubuksan yung pinto ng sasakyan niya. She giggled.

"Natatakot ka ba na baka magkainteres yang boyfriend mo saken?"

"Maxene. Stop being so--"

"Being what? I'm just stating the possibilities. Walang makakatanggi sa beauty ko. Isa ka na nga sa mga nahulog noon eh." Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Didi. Umatras ako nang ilang hakbang at nakita kong nakasimangot na si Didi.

"Oops. Di pa ba niya alam, Dray?"

"Don't try to make a scene here, Maxene. Umalis ka na."

"Wait. I'm not done yet. I haven't introduced myself to your girl." Sabi niya tsaka siya lumapit kay Didi. "Andy Torres, right? I'm Maxene-" She held out her hand. Dahan-dahan namang tinanggap ni Didi yun. I can feel the dark aura around these two girls.

"-Dray's ex."

Didi's POV
Ex niya pala tong si Maxene kaya iba makatingin tong babaeng to kay Dray. Binawi ko kaagad yung kamay ko at inayos yung buhok ko. Nakakapikon na talaga siya. So what kung ex siya ni Dray? Ex lang naman siya... Ex. So, minahal parin siya ni Dray. Gusto kong sabihin kay Dray na layuan tong babaeng mukhang chakadal na pinaglihian sa makapal na foundation pero baka isipin niyang natatakot ako sa kanya- na kaya niyang maagaw si Dray mula sakin. Ipapakita ko sa babaeng to na hindi ako natatakot sa kanya. Past lang naman siya ni Dray eh. Ako naman yung present. Tss.

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon