17- Crime scene?

828 17 0
                                    

Chapter 17

Pagkatapos naming kumain, hinatid na niya ako sa FTC. Nagpaalam sa isa't isa at umalis. Mag-oovertime daw siya mamaya dahil nabawasan ng ilang oras yung trabaho niya dahil sa photoshoot na malandi. Naiinis parin ako. Pero ayokong masira tong gabi ko dahil kelangan ko pang makaisip ng magagandang concepts.

Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni manong guard. "Ma'am, saan kayo pupunta?"

Ay si kuya, nagbibiro. Kilala naman na niya ako eh. Malamang magtatrabaho ako. Alangan namang maglilinis diba? Aigoo aigoo. "Nagsasara na po kase ang FTC kapag 10pm. Ang bilin po sakin ni sir Zeke, huwag na raw ako magpapapasok ng emplayado," sabi pa ni manong guard.

"Hindi ba uso ang overtime dito?"

"Mmm, hindi po. Ako nalang po ang naiwan dito tsaka yung kasamahan kong security guards. Nagpapatrol po sila sa loob."

"Ah, ganon po ba... Sige, salamat," nagpaalam na ako dun sa manong guard. Nagtataka parin talaga ako. May iba namang kompanyang bukas magdamag para sa mga mag-oovertime. Pero bakit sa kompanyang ito, hindi? Ah, siguro ayaw ni Zeke na mapagod yung mga emplayado niya. Masyado kase siyang mabait eh. Umiling nalang ako naglakad para mag-abang ng taxi. Puntahan ko kaya si bebs? Sana gising pa yun.

Dinial ko yung number niya pero nakailang ring na nga, wala paring sumasagot. Siguro tulog na yun. Hahay. Uuwi nalang akong mansyon. Sana may dadaang taxi. Naghintay-hintay pa ako ng ilang minuto pero walang anino ng taxi ang nagpakita. May napansin naman akong matangkad na lalaking nakaitim na jacket tapos nakapamulsa pa ito at nakayukong naglalakad. Pacool masyado si kuya. Baka adik to. Ohemji.

Hindi ko na pinansin si kuya coolkid at nag-abang ulit ng taxi. Pero pansin kong papalapit yung lalaki sakin. Hala, holdaper?! Rapist?! Snatcher?! Kinakabahan na ako habang mabilis siyang naglalakad patungo sakin. Jusko lord, tulungan niyo po ako. Sana hihingi lang to ng number ko at magpapapicture. Lubayan niya sana ako. Malayo-layo narin ako sa Fontoco kaya hindi ako makakahingi ng tulong sa mga sekyu. Baka habulin pa ako kapag tumakbo ako.

Kyaaaaaa! Malapit na siya! Napapapikit nalang ako ng mata at yumuko.

"Hoy."

"AAAAAAAAH!!!!!" tatakbo na sana ako pero nahigit ako agad ng holdaper-rapist-snatcher-adik. Nakakakilabot! Pumapalag ako mula sa pagkakahawak niya sa braso ko pero nung pansin kong wala naman siyang ginagawa, napatigil ako at dahan-dahang hinarap siya.

O_O

"What the hell! Tinakot mo ko! Balak mo ba akong patayin sa sindak?" napahawak ako sa dibdib ko at pinaypayan yung mukha ko gamit ang kamay ko.

"Bakit ba palagi kang nagugulat sa kagwapuhan ko, Andy? Masanay ka na. Araw-araw mo na tong makikita," hambog na sabi ni Zeke at napailing nalang ako.

"Sino bang hindi magugulat eh akala ko talaga masamang elemento ka! Tapos ang dilim pa ng dinaanan mo."

"Ay, Masamang elemento agad? Di pwedeng nagjajogging lang yung tao?" Ngumuso pa siya at napatingin sa relo niya.

"It's past ten already. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Mag-oovertime sana ako eh kaso close na. Bakit ba ang aga niyong magsara?" tanong ko sa kanya at pansin kong kinabahan siya bigla. "Ah, kase ayokong mapagod yung mga workers ko. Kapag mag-oovertime man sila, pinapadala ko nalang yung trabaho nila sa bahay," he answered. Tama naman pala ang hinala ko. Thoughtful talaga siyang tao.

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon