25- Kingkong

950 20 4
                                    

Two days later...

Luke's POV

"Kuya Luke! Pwede pahenge ng money? Hehehe," pangungulit ni Jhaira sa akin. Inilahad pa niya ang kanyang palad sa harap ng mukha ko at may pout pang kasama. Andito ako ngayon sa mansyon dahil ngayon ang nakatakdang araw ng pag-announce ng engagement namin ni Kathleen.

"Don't me. Dun ka humingi ng pera sa Jeff mo. Mas mayaman yun kesa sakin," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa phone ko at inalis ang kanyang mukha sa harap ko. I heard her hiss and sat on the carpet with her arms crossed.

"Oh, by the way kuya, is Beverly coming today?" she asked all of a sudden. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. She gasped and covered her mouth in fright, "Omg! Sorry, sorry! Hindi ko alam na bitter ka parin kay Bev. Huhuhu, sorry na kuya Luke! Hindi ko na uulitin! Patawad!" I rolled my eyes at inituon ulit ang pansin sa phone ko.

"Wala akong mukhang ihaharap sa kanya."

"Ay ang panget naman ng lovelife mo kuya. Bakit hindi mo man lang ipinaglaban yung pagmamahalan niyo? Marami namang paraan para tigilan yung pagkabaliw ni dad. For example! Itatanan mo siya! O di kaya bubuntisan mo siya at sa ganun, hindi matutuloy yung kasal ninyo ni Kathleen. Or just do both, itanan mo siya tapos buntisan."

-_-

"Things are complicated for you to understand."

"Anong complicated! Simpleng-simple lang naman yun but you're the one who's making it complicated! Jusme, loko talaga si you. Hindi ka nagmana sakin, maganda na, matalino pa!"

"Manahimik ka na nga, grasa! Napipikon na ako sa'yo. Kung gusto mo, sasabihan ko si dad na ipaghiwalay kayo ni Jeff, sige ka!" pagbabanta ko. Itinikom naman niya agad ang kanyang bibig at umalis. Tch, pinalala pa niya ang mood ko. Nakatutok parin ako sa phone ko at napapaluha nalang ako bigla. Putengene, ang bakla ko! Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya iiyakan pero andito ako ngayon, nakatingin sa litrato ni Beverly.

I broke her heart for no valid reason. Masyadong clichè pero hindi talaga maiiwasan ang mga arranged marriage na yan kapag mayaman ang pamilya mo at kung adik ang papa mo.

Para mas maunawaan niyo ang sitwasyon, here's a flashback.

--
Right after Andy and Dray took off, pinasakay ko na siya sa likod ko at pinaandar yung makina. Dinala ko siya sa lugar na madalas na pinupuntahan namin, kung saan kami bumuo ng maraming magagandang alaala. Ang uphill malapit sa tinatrabahuan ko. We had to walk so we could reach the top kaya iniwan ko yung motor ko sa baba.

"Bakit tayo nagpunta rito?" she asked, innocently. Para akong tinutusok ng karayom sa buong katawan ko habang paakyat kami sa tuktok.

"I wanted to go here with you," sagot ko at ngumiti nang mapait. Hindi na siya ulit nagsalita hanggang sa narating namin ang dulo. Kitang-kita mula rito ang buong city at maliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituin na nagkikislap. Niyakap ko siya agad at ibinaon ang aking ulo sa kanyang leeg. Susulitin ko na to dahil baka ito na ang huling pagkakataong mayayakap ko pa siya nang ganito.

"Beverly..."

"Hmm?"

"Promise me...When I'm gone.."

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon